POV: Marie Masayang masaya si Dulce nung ayain niyang magsimba. Nagkagulatan pa sila dahil pareho silang nakadress. "Ang ganda mo naman" puri niya sa kaibigan. "Ikaw din, sayang si Flor umuwing probinsiya. Kasama sana natin siya. Ito bang kaibigan mo eh ilang taon na?" "Senior na ata si tita Ludy, hindi kasi ako nagtatanong ng age" sagot niya "nasaan ang kotse mo?" "Nagbiyahe lang ako. Mahirap ng mag iwan ng sasakyan kung saan saan ngayon eh. Ang ganda ng bag mo ah,patingin nga" sinipat nito ang kabuuan "woooow!!! wala pa akong ganitong Emerald. Ang mahal niyan.. bigay ni Bernard?" "Naku hindi, alam mo namang hindi ko afford to. Bigay ni tita Ludy. Nahihiya nga akong tanggapin eh. Ipinilit nya lang kasi gusto niya daw ako.." Isang puting Van ang tumigil sa harapan nila. Binuksan ng

