Chapter 47 SPG

1289 Words

Naglalakad na siya pauwi dala dala ang regalo ni Bernard. Ano kayang gimik ng lalaking ito at may paganito pang nalalaman? Sa bagay.. ngayon lang siya nagregalo sakin sa loob ng ilang buwan. Pagpasok niya sa gate, natanaw na niya ang sasakyan ng lalaki. Nauna pa siya sakin? bakit hindi ko siya napansin na lumabas ng office? Akala ko kausap pa siya ni sir.. Napansin niya na nakatalikod ang lalaki, nakaharap sa may kubo. Parang may pinapanood ito doon. Paglingon nito sa kanya, ngumiti ang lalaki. "Andito ka na pala." sinalubong siya nito. "Bakit nauna ka pa sakin? akala ko nasa office ka pa?" "Busy ka nung umalis ako. Hindi na kita inabala kasi may ipinapatapos pa sayo si Monte. Alam kong malilate ka ng uwi eh." Nag aagaw na kasi ang dilim at liwanag. "Tara sa loob, magluluto ako."

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD