POV: Bernard Ngayon na ang pag iisang dibdib nina Monte at Ericka. Noon, bitter siya dahil hindi aiya ang pinili ni Ericka, pero isang buwan lang ito tumagal at narealize niya na maaaring humahanga lang siya sa babae. Dahil nga napakaganda nito at magaling sa negosyo. Sinundo niya si Marie dahil wala daw itong kasama papunta sa photo shoot area. Nakaready na ang babae pag dating niya. Hinalikan niya ito bago isara ang pinto ng sasakyan. Habang daan ay hawak niya ang kamay ng dalaga. "Alam mo, parang makakasundo ka ng mama ko" sabi niya dito "mahilig siya sa mga babaeng mapang asar eh." "Uy grabe ka naman" hinila nito ang kamay mula sa kanya "honest lang ako no." Natatawa naman siya dito "sayang nga nasa america siya ngayon. Itatanong ko kung kailan siya uuwi." "Hindi ba, nakakahiya

