Shae's PoV Pag gising ko palang tumama na saakin ang araw na nang gagaling sa bintana kaya napabangon na ako at dumiretso na kaagad ako sa banyo para maligo dahil maaga ako papasok sa trabaho ngayon. Kahapon lang na dinala ako ni Matt sa isang beach kung saan doon daw niya ako papakasalan at doon kami mag sasabi sa isa't isa ng vow namin hindi daw kami mag kakahiwalay kahit anong mangyari. Naniniwala naman ako sa kanya dahil ramdam kong mahal niya ako at mahal ko din siya buti si Joice okay na siya si Kei ulit ang nakatuluyan niya kaya ngayon wala na akong proproblemahin at pagkatapos kong maligo lumabas na ako ng banyo. Nag suot ako ng uniform dahil alam niyo na secretary pa rin ako ni Matt hanggang ngayon at boss ko pa rin siya natutuwa nga ako dahil parang walang tumututol sa amin.

