Matt's PoV Maaga akong nagising dahil mag memeet kami ni Russel sa cafe napagusapan namin 'to kagabi lang at tinawagan ko na din si Shae na siya na mag asikaso ng mga paper works ko buti nalang mabait si Shae. Pumunta na ako ng banyo at naligo na ako at pagkatapos kong maligo nag suot ako ng long sleeves na puti at pinatong ko doon ang coat ko na kulay dark blue at inayos ko ang magulo kong buhok. Lumabas na ako ng bahay at sumakay na ako ng kotse pero bago ako makapagsimula mag maneho nakatanggap ako ng tawag mula kay Russel kaya sinagot ko 'yon. "Hello? Ang aga mo ata sa umaga?" sabi ko sa kanya at natawa ako ng mahina kahit hindi niya nakikita 'yon. [Aba't syempre gwapo ako kaya kailangan maagang gumising para fresh para alam mo na!] sabi niya sa akin at nagsimula na ako magmaneho

