MONTE VELGO UNIVERSITY Pagkababa ni Kenneth sa sasakyan, kaagad siyang sinalubong ng dalawang magkapatid na sina Kyle at Karlo. "Bro!" Ngumiti si Kenneth. Marahan siyang tinapik ng mga ito bilang pagbati. Tiningnan pa siya mula ulo hanggang paa, hanggang sa sabay silang napangisi. Nang biglang magsalita si Kyle. "Ihanda muna ang sarili mo, bro. Tiyak na lalanggamin ka ng mga kababaihan dito!" at saka ito tumawa. "Alam na nila na dumating ang kaisa-isahang apo ni Lolo Dante Monte Velgo!" si Karlo. Nakangisi pa ang expression ng mukha nito. Hanggang sa akbayan siya nito. "Marami kang pagpipilian dito, bro. Karamihan sa dalagang probinsyana, mga virgin pa, kaya tiyak na --" Napahinto ito ng marahan itong batukan ng kapatid. "Nasa club ba tayo at ganiyan ang bungad mo kay Kenneth?

