SAMANTALANG nagpipigil na mainis si Hanna sa katrabahong si Michael. Kanina pa ito nangungulit sa kanya. "Sinabi ko naman sa'yong hindi ako p'wede, Michael. Ilang beses ko bang sasabihin na hindi ako interesadong magpaligaw," bigkas ni Hanna. Agad niya itong tinalikuran ngunit maagap siya nitong sinundan. "Naiintindihan ko naman, Hanna. Gusto ko lang naman na yayain kang kumain sa labas kahit saglit lang." At talagang hinarangan nito ang daraanan niya. Papunta siya noon sa elevator, nasa kompanya sila mismo at katatapos lang na ng lunch break. "Hindi ako p'wede." Hindi na naitago ni Hanna ang inis na gumuhit sa mukha niya. Diniinan na rin niya ang paraan ng pananalita. Akmang lalagpasan niya ito.. "Bakit ba masyado kang mailap? Ano bang katangian ng isang lalaki ang hinahanap

