Chapter 1

1156 Words
"Welcome back, Ate!" sigaw ng mga kapatid niya sa gate ng bahay nila. Mabilis na nilapitan ito ng dalaga at niyakap. "Salamat, na-miss ko kayong lahat," umiiyak niyang saad at niyakap sila isa-isa. Maging ang ina't ama niya ay nag-iiyakan na rin. Sa tagal ba naman niya sa Middle East. Iyong mga kapatid niyang pinapadede noon may pinapadede na ngayon. "Tara anak pasok tayo sa loob," saad ng Ina niya. Siya namang pagpasok ng iilang kapit-bahay nila. Kunwari ang saya-saya na umuwi na siya pero ang totoo hihingi lang naman ng chocolates. "Kumain ka muna anak. Pinaghanda ka ng Papang mo ng tinolang manok. Alam kong miss na miss mo na iyan," ani ng Ina niya. "Totoo 'yan Mang, kung alam niyo lang ano ang pagkain namin doon. Saluyot na inilagay sa blender tapos nilagyan ng manok," ani niya rito. Kaagad na sumama ang timpla ng mukha ng Ina niya. "Ang dulas naman nu'n," saad ng Ina niya. "Sinabi mo pa pero healthy iyon sa katawan. Sanayan lang talaga," ani niya. Kumain na siya at tuwang-tuwa habang nakatingin sa mga kapatid niyang binubuksan ang kani-kanilang pasalubong. Matapos kumain ang dalaga ay nagpaalam muna siya na magpapahinga. Pagod siya sa biyahe. Inabot din ng ilang oras ang tulog niya. Tiningnan niya ang kaniyang cellphone at napangiti nang makitang may chat doon si Princess Sheena Kandotin Ditiwalag. Sheena: girl, nndi2 aqo xa lbas. Hndi muna k8a dinis2rbo. Tulog ka lang diyan. Basa ng dalaga. Twenty minutes ago pa. Feeling niya ay refreshed na ang katawan niya. Tumayo siya at inayos ang sarili t'saka pinuntahan ang kaibigan. Kalalabas pa lang niya ay rinig na rinig na niya ang halakhakan sa labas. Lumabas siya at nandoon ang kaniyang kaibigan na nakaupo sa terasa nila. "Edyssa!" ani nito at mabilis na niyakap siya. "Miss na miss kita girl," ani nito at lalo pa siyang niyakap. "Lalo ka pang gumanda girl," puri nito sa kaniya. Niyakap niya ito pabalik at napangiti. "Miss din kita," ani niya rito. "Bakit walang papuri sa'kin?" tanong nito habang nakataas ang kilay. "Ang ganda ng suot mo," ani niya rito. "Paano naman ang nagsusuot?" nakangiting tanong nito. "Hmm, sige na nga. Maganda na rin," sagot niya. "Napilitan ka lang girl?" tanong nito sa kaniya. Yamot na napatango naman siya na ikinasimangot ni Sheena. "Joke lang, ikaw pa ba? Ganda mo kaya, saan ka pala galing at bihis na bihis ka? May bags ka rin may business ka na ba ngayon? " tanong niya sa kaibigan. Napangisi ito at nang mapansing sila na lamang dalawa ay kaagad na hinila siya ng kaibigan at umupo sa tabi nito. "Yes girl, feeling ko ito na talaga ang gusto kong gawin," saad nito. "Mabuti naman kung ganoon. Ano ba iyang mga paninda mo?" tanong niya rito. "Teka lang, may boyprend ka na ba ngayon?" tanong nito sa kaniya. Kaagad na napaayos sa pagkakaupo ang dalaga at malungkot na umiling. Napapalakpak naman si Sheena. "Good, dahil simula ngayon hindi ka na malulungkot. Pasasayahin nito ang bawat gabi mo. The best 'yan, oh heto pili ka. Marami akong variety ng color ng vibrator diyan. Ano'ng gusto mo? Itong d***o? Anal toys? Ben wa balls? Pumps? Packers? Bili na," nakangiting ani ng kaibigan niya. Kaagad na napakurap si Edyssa. "Hindi nga?" ani niya rito. "Girl, mabuti na rin 'yan kaysa wala no. Thirty-three ka na girl. Hindi ka na teenager. Hindi ka pa rin nadidiligan. Tuyot na ang sapa ano pa ang hinihintay mo? Pabasain mo naman kahit kaunti. Ano'ng gusto mo? Hanggang talong to pipino ka na lang ba?" tanong ng kaibigan niya sa kaniya. "T'saka may bagong video si, Lexi Lore. Send ko sa'yo mamaya,"ani nito at humagikhik. "Sige na, tingin ko itong d***o ang pak na pak sa'yo. Upgrade na girl, may condom din ako rito. Iba't-ibang flavor din. Sinubukan namin ng bebe ko ang chocolate flavor grabe girl. Tirik na tirik mata ko sa sobrang sarap, " kuwento ni Sheena. Nakatulala lamang siya sa kaibigan niya habang nagki-kuwento ito. "Hoy! Magsalita ka naman diyan," saad ni Sheena. Napailing siya at ibinalik ang mga maliliit na karton sa bag nito. "Hindi ko alam kung ano ang mga 'yan. Ang alam ko lang naka-premium ako sa p*rnhub at virgin pa ako. Dry na dry na ang sapa, Sheena. Tanggap ko na, na habang buhay na akong tuyot," ani niya sa kaniyang kaibigan. "Alam ba ni, Betong mo na ganito ang business mo?" tanong niya rito. Kaagad na humagalpak ng tawa si Sheena. "Siya nga ang rason kaya napasok ko ang ganitong business. Hindi rin matumal ang benta ko lalo na riyan kay, Aling Delilah. Iyong biyuda? Naku girl, kung alam mo lang. Iba't-ibang size ang orders ng vibrator. Oo nga pala may vibrator ako rito na may recorder gusto mo?" ani na naman sa kaniya ni Sheena. "Sheena," ani niya sa mababang boses. "Bakit?" tanong nito sa kaniya. "Iyong video lang akin," ani niya sa kaibigan. Kaagad na tinampal siya nito sa balikat nang mahina. "Ikaw ha," tukso nito na para bang kumikiwal ang buntot nito kahit wala naman. "Sa tuwing nagro-romansahan kami ni, Betong ko para talaga akong nililipad sa alapaap. Sinasabi ko sa'yo girl. Nag-robust kami ni, Betong nanlata ako kinabukasan. Hindi na makatayo ang paa ko," wika ni Sheena. "May mga kaibigan si, Betong baka may matipohan ka. Sa ganda mong 'yan magkakandarapa ang mga iyon sa'yo," ani ni Sheena. "Talaga?" saad niya. "Oo, bukas punta ka sa bahay. Mag-usap kayo roon, tingnan natin kung may compatibility kayo kahit isa roon. Malay mo nandoon lang din ang magiging ka-kadiyotan mo," kinikilig na saad nito. Napangiti naman agad si Edyssa. "Sige nga, siguradohin mong may kakagat ha. Naku! Talagang gusto ko nang magka-pamilya, Sheena," sambit niya sa kaibigan. Pumalakpak si Sheena. "Iyon na nga ang point, oh sige na pili ka na sa products ko. May scented candles din ako riyan for arousal. Ang bango nito, girl. May aphrodisiac ang candle na 'yan. Perfect para sa magiging ka-kadiyotan mo. Mapapasabi ka na lang na ahh! Ohh! Sige pa, kadiyot pa more," wika ni Sheena na feel na feel pa ang pag-ungol. Kaagad na humagalapak siya ng tawa. "Punyeta ka, Sheena. Kung anu-ano pinapasok mo sa utak ko," ani niya sa kaibigan. "Sa susunod hindi lang utak mo ang mapapasukan. Bibig mo na at kepepay. Sabihin ko sa'yo girl hahanap-hanapin mo ang sarap ng mga lalaki sa babaeng tuyo't sa jerjer," pabirong ani nito sa kaniya. "Parang ayaw ko na yata," ani niya sa kaibigan. "Ano'ng ayaw mo na? Eh ganiyan din ako noon. Ayaw pa kuno pero nu'ng nilusob ng jumbo hotdog ang aking puday tirik mata ko. Kaya heto bumili ka na rin ng lingerie sa'kin. May vibrator din 'yan sa loob at siyempre dahil upgraded na may remote 'yan," ani nito sa kaniya at ipinakita ang maliit na remote control. May level of vibration pa. Mukhang wala siyang matututuhan sa kaibigan niya kung hindi puro kalibogan. Tbc zerenette
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD