Mabilis na napatingin ang dalaga sa hitsura niya sa salamin at napangiwi. Ang dungis-dungis niyang tingnan. "Sabi sa'yo eh," ani ng ina niya habang kumukuha ng juice sa refrigerator nila. Napakamot naman siya sa ulo niya at pumasok na sa loob ng kanilang banyo at mabilisang naligo. Matapos ay lumabas at tanging towel lamang ang suot. Natigil siya sa labas ng banyo nang makitang nasa salas nila si Santi at sumisimsim ng juice sa baso at nakatitig sa kaniya. Napalunok siya at mabilis na tumakbo papunta sa kaniyang kuwarto nang hindi mapansin ang basang sahig dulot ng tulo ng buhok niya. "Ahh!" sigaw niya nang ma-slide siya. Handa na siyang humalik sa sahig nila nang maramdaman ang hawak ng kamay sa beywang niya. Naibuka niya ang kaniyang mga mata at napatingin sa binata. Nakatitig lan

