Chapter 33

2014 Words

Nakikipaglaro ang dalaga sa anak niya sa labas nang marinig ang boses ng ina at ama niya. Napatingala siya at nakagat ang labi. Sobrang na-miss niya ang kaniyang mga magulang. "Edyssa," mahinang wika ng ina niya. Gusto niya itong lapitan at yakapin nang mahigpit. Napatingin siya sa anak niyang mabilis na nanakbo papunta sa kinarororoonan ng mga ito. Kaagad na kinarga naman ito ng tatang niya. "P-pasok po tayo sa loob," ani niya. Kaagad na tumango naman ang mga ito. Iginiya niya ang mga magulang niya sa loob at napatingin kay Santi na may kinakalikot sa laptop niya. Tumigil ito sa ginagawa nang makita ang mga magulang ni Edyssa. Mukhang hindi rin nito inaasahan ang pagdating. "Nay, Tang," wika ng binata. Nginitian lamang ito nang tipid ng mga magulang niya. "Upo po kayo," saad n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD