CALI'S POV My head was throbbing a bit when I woke up. White ceiling welcomed my sight and I know for a fact that I am inside a hospital's room. Muling bumaha sa alaala ko ang mga nangyari sa amin ni Conan. Sa kaisipang 'yon ay mabilis akong bumangon pero agad din akong napahinto at napamura nang bahagyang kumirot ang kaliwang tagiliran ko. Hinawakan ko iyon at napansin kong naka-hospital gown ako. Naramdaman ko ring may nakalapat na bandage roon sa tagiliran kung saan ako natamaan. "Oh God! Cali is awake!" I heard a woman gasped like she was panicking or just shocked that I am moving here on bed. Nag-angat ako ng tingin at napako ang mga mata ko sa tatlong bulto na nakaupo sa mahabang sofa, binabantayan ako. Mabilis silang lumapit sa 'kin habang nanlalaki ang mga mata nang makitang

