CALI’S POV Ilang minuto kaming magkatitigan. Walang may nais na mag-iwas ng tingin. Ayaw putulin ang pising nagkokonekta sa aming mga mata. Ang mga titig niya ay tumatagos sa katawan ko na para bang ang kadiliman na lang ng dagat ang kanyang nakikita na animo'y hinihigop siya nito. Nawala siya sa reyalidad. Pinipilit iproseso ang lahat. Napatulala sa kaguluhan ng isip. Kung hindi pa ako humakbang palapit sa kanya ay hindi siya matitinag sa kinatatayuan. Madilim man, pero sa tulong ng liwanag ng buwan, nakita ko kung paano siya matunog na lumunok nang ilang beses. Hindi alam kung paano magre-react. Naghahanap ng mga salitang bibitawan. “What are you saying? I didn't cheat on you. You left me behind!” He exclaimed accusingly after realizing what I just asked him about. Ang boses niya ay

