“Time of death, 1:04 pm. Nasaan ba ang pamilya nito? Dapat kasi hindi na dinala pa dito at sa dami ng suntok at sipa na inabot niyan, may tama pa ng baril sa tagiliran, hindi na talaga ‘yan aabot ng buhay. Bakit kasi nauso pa ang pambubugbog tuwing nagseselos ang lalaki. Ang daming insecure ngayon. Imbis na mahalin ang mga babae para hindi sila ipagpalit at iwanan, sinasaktan pa!” “Tama po kayo diyan, Doc.” Naalimpungatan si Simone sa tinig ng doktor at ng kausap nitong nurse. Gusto niyang bumaling sa kaliwa upang makita ang ka-silid niyang binawian ng buhay ngunit naunahan siya ng sakit ng kanyang buong katawan. Narinig ng dalawa ang pagkaluskos ng higaan at humarap ang mga ito sa kanya. “Miss, mabuti naman nagising na kayo. Wala kaming makitang identification kaya wala k

