Kahit na hindi naman mainit sa air conditioned na silid ay may butil-butil na pawis na namuo at pumatak mula sa kanyang noo. She felt trapped. She need to leave. She have to do something to escape. Ngunit saan na naman siya pupunta? Naisip niyang bahala na. “I’m sorry, Ate. Hindi ko kayang makipag-usap sa inyo o kahit kanino. Aalis muna ko.” Ipinanalangin niyang walang tumutol sa gagawin niya. Kailangan niyang lumayo sa lugar na ‘yon. Hindi nag-alis ng tingin si Sylvana sa kanya. She waited for her sister to say no but she didn’t. Sa pagpatak ng mga luha nito ay kasabay ng pagtango nito at pagyakap sa kanya. Simone wanted to show her sister that she’s strong so that she would not burden her with worry and in turn, she will let her go. But when her cheeks touched Sylvana’s s

