Hilig ni Simone ang pagpipinta at pagsasayaw kahit noong bata pa siya. Namana niya ang dalawang talentong ito sa kanyang ina. Mayroon silang isang proyektong ginawa na magkasama noong sampung taong gulang pa lamang siya at ito ang pinakaespesyal na bagay para sa kanya. Hindi lang dahil sa paborito niya ang mga kulay na ginamit kung hindi dahil sa oras na iginugol nilang mag-ina na magkasama dahil sa paggawa noon. It was their first and only masterpiece together. Kinailangan niya itong pakawalan nang mangailangan ng pera si Sylvia para makapagpa-biopsy at makumpirma ang sakit nito. Wala noon si Lemuel kaya’t walang mahingan ng tulong si Simone. “Hindi mo naman kailangang gawin ‘yan anak. Pwede namang hindi ipagawa ang mga tests na ‘yon. Mas malakas pa ang nanay mo kaysa sa kalabaw

