Matapos kumain ng tanghalian ang pamilya Arguello at Ramirez kasama ang bisita ni Terrence ay magkakumpulan ang magkakapatid na lalaki sa Receiving area ng malaking bahay sa Rancho DLG. “Tol, hindi ko alam nadagdagan na pala ang mga wonders of the world.” Nagtatakang tanong ni Dominic. “Ha?” Sabay na tanong ni Santino at ni Darius habang si Luis naman ay abalang nakatingin kay Simone na kausap ang kapatid na si Sylvana, Toro at ang bwisita nilang si Mikael. Matalim ang titig ni Luis sa lalaki tuwing kakausapin nito si Simone. “Mayroon na pala kasing Great Wall of Luis Arguello tinalo pa ang nasa China.” Nagngisian ang tatlo habang siya naman ay hindi sila pinansin. “Bukod sa basketball at car racing, may bagong sports si Luis, Tol.” Si Darius naman ang bumanat. “Ano

