QUEEN's POV
Ilang oras pa kaming naghintay sa labas ng OR bago lumabas ang doctor ni ate Anne.
"Doc, ano na pong nangyayari?" Agad na tanong ko.
"The baby is out and she's safe now." Agad na sagot ng doctor.
"Nasa panganib parin ang buhay niya. Lumalaban siya at ginagawa namin ang lahat ng aming makakaya. Tatapatin ko na kayo. 50/50 ang chance ng pasyente. Ihanda niyo na ang inyong sarili sa lahat ng pwedeng mangyari." Seryosong sabi ng doctor.
"Nakahanda po kami doc. Pero please gawin niyo po ang lahat para mabuhay siya." Umiiyak na sabi ko na tinanguan ng doctor at muli nang pumasok sa OR.
"Magpaka tatag ka Queen!" Sabi ni Tim na niyakap ako.
"I know. OMG! Sana lumaban pa si ate." Sabi ko.
"Wifey, nangako siya sa iyo na lalaban siya para sa anak niya. Lalaban si Anne. Makakasama pa natin siya ng matagal." Sabi ni Allen na niyakap rin ako.
Nag hintay kaming muli ng ilang oras ng ilabas sa OR ang baby ni ate Anne.
"OMG! She's so cute." Sabi ni Net.
"Sa private room niyo na po ideretso si baby." Bilin ko na tinanguan ng mga nurse.
Ilang minuto lang ay lumabas nang muli ang doctor ni ate Anne.
"Doc. Ano na po ang balita?" Tanong ni Allen sa doctor.
"She's still figthing. Pwede na siyang dalhin sa recovery room niya." Sabi ng doctor.
"Is she safe now doc?" Tanong ko.
"Nope. Maraming pwedeng mangyari miss Queen. Gaya nga ng sabi ko kritikal ang lagay ng pasyente pero lumalaban siya." Sabi ng doctor.
"Pwede niyo na siyang hintayin sa recovery room." Dagdag niya pa bago pumasok muli sa OR.
"Tara na sa room nila?" Sabi ni Allen na tinanguan namin.
Nang makarating kami sa private room ni ate Anne ay naroon na ang kanyang baby.
"Tim, kuhaan mo ng private nurse si baby." Agad na sabi ko kay Tim.
"Yeah, okay. Tawagan ko lang si kuya." Sabi ni Tim na tinanguan ko.
Baby girl Vanich. Ang nakalagay sa higaan ng baby.
"Seryoso talaga si Anne na ipa ampon sa atin ang baby niya." Sabi ni Allen na hinawakan ang ulo ng baby.
Nakatitig kami sa baby ng may pumasok na nurse.
"Mr. and Mrs. Vanich, maaari na po ba namin na malaman ang magiging pangalan ni baby girl?" Tanong ng nurse sa amin.
"Pwede bang mamaya na lang pag dating dito ni ate Anne?" Sagot ko na tinanguan naman niya.
Pag labas ng nurse ay nagpaalam din si Tim na bibili muna sila ni Net ng makakain.
Nakatitig lang kami ni Allen sa baby ni Ate Anne nang pumasok ang kanyang doctor kasama ang mga nurse.
"Doc, anong nangyayari nasaan si ate Anne?" Alalang tanong ko.
"Nagkaroon ng complikasyon at nag seisure siya habang nililinisan kanina." Sabi ng doctor.
"She want to talk to you and your husband." Dagdag niya pa.
"WTF!" Ang tanging nasabi ko at agad na nag tungo sa OR.
Sinuotan kami ng lab gown bago kami tuluyang makapasok.
"Ate..." Naluluhang tawag ko sa kanya.
"B-bunso." Pilit ang ngiting sabi niya.
"H-hindi k-ko n--na kk-kayy-ya." Nahihirapang sabi niya.
"OMG! Ate! Wag kang mag salita ng ganyan! Lumaban ka para sa anak mo." Galit na sabi ko.
"I-ikaw aa-t si Allen na aa-ang bb-ahala kay Allena Margarette. I-ituring mo siyang sayo. Ppp-patawarin mo ako sa nagawang kong kasalanan sss-sayo." Habol hiningang sabi niya na hawak ang kamay ko.
"Ate naman!" Sigaw ko.
"Hh-hindi ko nn-na kaya bunso. Patawad." Huling kataga ni ate Anne bago tuluyang pumikit ang kanyang mga mata at bitawan ang kamay ko.
"Ate Anne! Ate!" Sigaw ko na umiiyak.
"Queen----" Tarantang sabi ni Allen na yinakap ako sa likod.
"OMG! Ate!!!!!" Umiiyak na sabi ko.
"Time of death, ---" Narinig kong sabi ng doctor.
"Wala na siya wifey. Pupunta na siya sa lugar kung saan wala na siyang sakit na mararamdaman." Sabi ni Allen na yakap yakap ako.
"I know. Ang sakit lang isipin ni hindi niya man lang nakarga si Allena." Hagulhol na sabi ko.
"I know wifey. Panatag siyang iniwan sa atin si baby. I promise Anne, hinding hindi namin pababayaan si Allena." Sabi ni Allen.
Ilang saglit pa kaming nanatili sa OR upang tignan ang pag ayos ng labi ni ate Anne bago dalhin sa morgue.
Nang makalabas kami ng OR ay nag tungo na kami agad sa kuwarto kung nasaan si baby Allena. Inabutan namin si Tim at Net na nag babantay kay baby.
"Best what happend? Akala ko ba dadalhin na din dito si Anne?" Bungad na tanong ni Tim.
"Wala na siya best. Iniwan na tayo ni ate. Bumitaw na siya." Umiiyak na sabi ko.
"OMG!" Sabay na sabi ni Net at Tim.
"Hindi na siya makakaramdam ng anumang sakit, Queen." Malungkot na sabi ni Tim.
"I know, Tim. Ikaw na ang bahala mag ayos ng funeral niya Tim." Walang ganang sabi ko.
"Got it. Lalabas na muna ako para asikasuhin ang lahat." Sabi ni Tim na tinanguan ko.
Nang makalabas si Tim ay nakatitig lamang ako kay baby Allena.
"Hindi dapat malaman ni Matt na buhay si Allena." Seryosong sabi ko na tinanguan ni Net.
"Ako na ang bahala mih." Sagot niya.
"Mag pahinga ka na muna wifey. Umuwi na muna tayo. Bumalik na lamang tayo ulit mamaya." Sabi ni Allen.
"Paano si baby?" Tanong ko.
"Papunta na sina mommy para mag bantay sa kanya." Sagot ni Allen.
"Aalis tayo pag nakarating na sila." Walang ganang sabi ko.
Karga ko si baby Allena ng dumating ang mommy ni Allen.
"Mom!" Sabi ni Allen na yumakap sa mommy niya.
"Queen, umuwi na muna kayo anak at magpahinga ako na muna ang bahala sa anak niyo." Sabi ng mommy ni Allen na hinawakan ang balikat ko.
"Yes, ma. Babalik kami agad mamayang gabi. Thank you lagi kang andiyan pag kailangan ka namin." Naluluhang sabi ko.
"Basta kayo anak. Patingin nga sa apo ko." Ngiting sabi ng mommy ni Allen na kinuha sa akin si baby.
"Napaka ganda naman ng apo ko na ito." Ngiting sabi niya pa kay baby.
"Mom, uwi na po muna kami. Tawagan mo po ako kung may anong mang yari." Seryosong sabi ni Allen.
"Okay, anak. Wag na kayong masyadong mag alala. ako na ang bahala. Sige na umuwi na kayo." Sabi ng mommy ni Allen.
Matapos namin na mag paalam ay agad na kaming lumabas sa room ni baby. Nag chat na din ako kay Tim at Net na magpahinga na rin muna sila.
Nang nasa sasakyan na kami ni Allen ay siya na ang nag drive patungo sa kanyang condo.
Nang makarating kami sa kanyang condo ay naligo na ako agad at nag palit ng damit at ng matapos ako ay sumunod na rin agad si Allen.
"Wifey magpahinga ka na muna." Sabi ni Allen na lumabas na sa shower room habang ako ay nag check ng aking mga emails sa aking laptop.
"Tapusin ko lang to hubby." Sabi ko na tinanguan niya.
Nang matapos ako sa aking ginagawa ay pinatay ko na ang aking laptop at nahiga na sa tabi ni Allen.
"Matulog ka na muna." Sabi ni Allen na tinanguan ko.
"Pupunta ang mommy mo at mga kuya mo bukas." Sabi ni Allen.
"OMG! Sinabi mo na sa kanila?" Gulat na sabi ko.
"Yes, wifey. Sinabi ko na ang lahat sa kanila." Ngiting sabi ni Allen.
"Anong sabi ni mom?" Tanong ko.
"Excited na daw siyang makita ang apo niya." Sabi ni Allen.
"What about my kuya's?" Tanong ko pa.
"They're both happy and sad at the same time." Sabi ni Allen.
"I'm so thankfull na napaka understanding ng mga families natin." Naluluhang sabi ko.
"Me too wifey." Sabi ni Allen na niyakap ako.
"Ang liit pa ni Allena para maranasan ang ganito. Kung tinangap lang sana siya ng ama niya." Naluluhang sabi ko.
"Sssshhhh, tama na wifey. Hindi natin ipaparamdam kay baby na may kulang. Aalagaan natin siya." Ngiting sabi ni Allen.
"Hindi ko kakayanin tong mga nangyayari ngayon kung wala ka." Sabi ko na niyakap siya.
"Sige na wifey mag pahinga na tayo para maaga tayong makabalik kay baby." Sabi ni Allen na hinalikan ako.
"Hinding hindi ko kayo pababayaan ni Allena. Mahal na mahal ko kayo." sabi pa ni Allen.
"Mahal na mahal kita asawa ko pati na si Allena." Sabi ko bago tuluyang makatulog.
Nang magising ako kinaumagahan ay nakahanda na si Allen at naipag luto na niya pa ako ng almusal.
"Good morning wifey. Tara na kumain na muna tayo bago ka mag ayos." Ngiting sabi ni Allen.
"Good morning hubby. Bakit di mo ako ginising." Sabi ko na yumakap sa kanya.
"Wifey gusto ko na makapag pahinga ka ng maayos." Sabi niya na hinalikan ako sa noo.
"Tara na kumain na tayo" Sabi niya pa.
Nang matapos kaming kumain ay nag ayos nadin ako upang makabalik na kami agad sa hospital.
"Ready ka na Wifey?" Tanong ni Allen ng makalabas ako sa shower room.
Nag suot lang ako ng white shirt at maong pants at white sneakers.
"Yes, hubby." Ngiting sabi ko.
"Sa hospital na dederetso ang mga kuya mo at si mom." Sabi ni Allen na tinanguan ko.
"Let's go na. Namimiss ko na si Allena." Sabi ko.
Nang makasakay kami sa sasakyan ay nag chat na si Tim.
"Best naayos ko na ang funeral ni Anne. Naayos na din ni Net ang tungkol sa nangyari kay Anne." Sabi ni Tim.
"Thank you so much best. Pabalik na kami ng hospital. Doon na lang tayo magkita." Reply ko naman.
"Hubby gusto ko nang iuwi si Allena." Sabi ko kay Allen.
"Don't worry wifey. Pinapaayos ko na ang lahat. Bukas ready na ang room niya sa bahay." Sabi ni Allen.
"Saang bahay?" Takang tanong ko.
"Sa magiging bahay natin. Surprise ko sana sayo." Natatawang sabi niya.
"OMG!" Gulat na sabi ko.
"Doon na tayo uuwi mamaya." Ngiting sabi ni Allen na tinanguan ko.
"Next month na tayo mag europe wifey. Baka pwede na nating maisama si Allena." Sabi pa ni Allen.
"OMG! Hubby thank you." Ngiting sabi ko.
Nang makarating kami ni Allen sa hospital ay agad na din kaming nag tungo sa kuwarto ni baby Allena.
Naabutan namin na karga ng mommy ko si Allena.
"Nandito na pala kayo. Iuuwi ko muna sa taiwan itong apo ko." Pag bibiro ni mommy.
"Mom." Ngiting sabi ko na lumapit sa kanya.
"Hindi makakapunta ang daddy mo, marami siyang inaasikaso ngayon. Pero baka mamaya sumunod rin yun. Hindi ka naman matitiis nun." Sabi ni mom.
Nag kakatawanan kami sa kuwarto ni Allena ng dumating sina kuya King at kuya Prince.
"Nasaan si Sun?" Agad kong tanong.
"Nasa bahay mo. Ayoko siyang isama dito sa hospital." Agad na sagot ni kuya Prince.
"Patingin nga ng princess namin." Sabi ni kuya King na lumapit kay Allena.
"Wifey pupuntahan ko lang ang doctor ni Allena baka pwede na natin siyang iuwi sa bahay." Sabi ni Allen.
"Sasama ako bro." Sabi naman ni kuya Prince na tinanguan ko.
Nalilibang kaming pagmasdan si Allena ng dumating sina Tim at Net.
"Queen, sorry ngayon lang kami dumaan pa ko sa funeral ni Anne. Andun na sina Darren at Gray." Sabi ni Tim.
"Okay. Thank you guys. Mamayang hapon na kami dadaan ni Allen." Sabi ko naman na tinanguan ni Tim.
"Dumaan lang ako ngayon. Babalik din ako mamayang gabi. Doon na lang tayo magkita sa lamay ni Anne. May mga meetings ka today na ako na lang muna ang aattend." Paliwanag ni Tim.
"Thank you so much Tim." Naluluhang sabi ko.
"Siya nga pala announcement na mamaya ng mga ga-graduate this year. Ikaw na lang ang mag check para sa akin, baka busy pa ako mamaya." Natatawang sabi ni Tim.
"Alam ko namang gagraduate tayo." Natatawang sabi ko.
"I know. Iiwan ko nga din pala muna dito si Net para may kasama kayo." Sabi ni Tim.
"Okay. Kaya mo na mag isa?" Tanong ko.
"Yup. Ayaw niya din kasi talagang sumama at babantayan niya daw si baby Allena." Seryosong sabi ni Tim.
"Sige na at baka malate ka sa meeting mo. Balitaan mo na lang ako." Sabi ko.
Matapos na makapag paalam ni Tim kina mom at kuya ay umalis na rin ito agad. Si Net naman ay aliw na aliw na pagmasdan si Allena.
"Nasaan nga pala si Allen?" Tanong ni Net.
"Kausap lang ang doctor ni baby Allena." Ngiting sabi ko.
"Sunod na lang din muna ako sa kanya at bibili na rin kami ng lunch para sa atin." Sabi ni Net na tinanguan ko.
Habang tulog si baby Allena ay nagpahinga din ang mommy ni Allen at ang mommy ko. Ayaw na nilang umuwi at sila na daw ang bahala kay baby.
Habang nakatitig ako kay Allena ay dumating naman na sina Allen, kuya Prince at Net na may dalang pagkain.
"Anong sabi ng doctor ni Allena hubby?" Agad na tanong ko kay Allen.
"Good news wifey. Pwede na nating iuwi sa bahay sa Allena." Masayang sabi ni Allen na niyakap ako.
"Okay guys kumain na muna tayo at gutom na ako." Natatawang sabi ni kuya Prince.
"Kuya after naming kumain pupunta muna kami sa burol ni ate Anne." Sabi ko.
"Don't worry kami na ang bahala sa anak niyo." Ngiting sabi ni kuya Prince.
Nang matapos kaming kumain ay nagpahinga muna kami saglit at kinarga namin ni Allen si baby Allena.
Habang nag kakatuwaan kami ay may tumawag sa akin na unknown number.
"Hello? Queen, speaking who's on the line please?" Tanong ko sa tumatawag sa akin.
"Hey! It's me." Sabi ng nasa kabilang linya.
"Matt?!" Kunot noong sabi ko.
"Yeah! It's good to know you still recognize my voice!" Sabi ni Matt.
"WTF! Anong kailangan mo?" Tanong ko.
"Nasaan ang anak ko?" Tanong niya.
"Anong anak?! Nag papatawa ka ba?! Kasama siyang namatay ni ate Anne! Are you happy now?!" Galit na sabi ko.
"Knowing you love, I know you will do everything to save my child." Sarkastikong sabi ni Matt.
"Yeah! I did everything to save your baby and ate Anne! Pero di nila kinaya. Bumitaw sila! Kasalanan mo ang lahat ng ito! Kasalanan mo!" Sigaw na sabi ko saka ibinaba ang tawag niya.
"Anong nangyayari?" Alalang tanong ni Allen.
"Si Matt! Alam daw niya na buhay ang anak niya." Sabi ko.
"Wala siyang anak dito, wifey!" Seryosong sabi ni Allen.
"I know! Wala siyang karapatan kay Allena!" Galit na sabi ko.
"Ang kapal naman ng mukha niyang mag hanap ng anak sayo." Inis na sabi ni Net.
Natahimik kaming lahat at saka ko napagdesisyonan na umalis na at magtungo sa burol ni ate Anne.
Nag lalakad kami patungo sa sasakyan ng mag chat na naman si Matt.
"Alam ko na buhay ang anak ko! Nararamdaman ko!" Chat ni Matt.
"Wow! Anak mo? Ngayon na wala na ang anak mo saka ka mag sasabi na anak mo? Nag papatawa ka ba?!" Inis na reply ko kay Matt.
"Kung gusto mong mag punta sa burol ng magina mo ibibigay ko sayo ang address. Puntahan mo sila! Ngayon ka pa magpapaka ama kung kelan wala na?" Dagdag ko pa.
Nang masend ko sa kanya ang address kung saan naka burol si ate Anne ay pinatay ko muna ang aking phone.
"Wifey, gusto mo bang kumain na muna tayo?" Tanong ni Allen.
"Gutom ka ba hubby? Sige paorder na lang tayo ng takeouts. Gusto ko ng burger and fries ng BK." Ngiting sabi ko na tinanguan ni Allen.
"Okay wifey. May madadaanan naman tayo eh mag drivetru nalang tayo. Chat mo sina Net gamit tong phone ko." Sabi ni Allen.
"Wag ka nang mainit ang ulo, hayaan mo si Matt na mag isip ng ganun. Hindi naman niya makukuha sa atin si Allena. Anak natin siya." Sabi pa ni Allen.
"Ang kapal ng mukha niyang hanapin ang anak niya. Samantalang nung humingi ng tulong sa kanya ng paulit ulit si ate eh itinanggi niyang anak niya si Allena." Galit na sabi ko.
"Alam mong hindi umaamin sa pagkakamali niya ang taong yun wifey lalo pa nga't mahal ka pa nun." Seryosong sabi ni Allen.
"Mahal pa ako? Kung talagang mahal niya ako di niya sana ginawa ng paulit ulit ang mga ginawa niya sa akin!" Inis na sabi ko.
"Okay, fine! Tama na at baka awayin mo pa ako. Basta pangako ko sayo hinding hindi niya makukuha sa atin si Allena. Anak natin siya." Seryosong sabi ni Allen.
"Thank you hubby." Ngiting sabi ko.
Nag kukwentuhan kami ni Allen tungkol kay Allena ng matanaw ko ang BK at para akong bata na tuwang tuwa ng makabili na si Allen at iabot sa akin ang pagkain.
Nang makarating kami sa lugar kung saan naka burol si Ate Anne ay nag stay pa muna kami sa sasakyan upang ubusin ang pagkain ko.
Nang matapos kaming kumain ay nag ayos lang ako at saka nag tungo sa loob kung saan nakaburol si ate Anne.
Makita ko pa lang ang kabaong niya ay sobrang naluluha na akonat di ko na mapigil ang pag agos nito galing sa mga mata ko.
"Napaka sakit isipin na wala ka na ate. Nasaktan ako sa mga nangyari, nagalit. Pero mas pinili ko na patawarin ka. Mahal kita ate. Wag kang mag alala hinding hindi ko pababayaan si Allena." Bulong ko kay ate Anne.
"Wag kang mag alala Anne. Ako na ang bahala kay Queen, at kay Allena. Hindi ko sila pababayaan gaya ng binilin mo maraming salamat sa tiwalang ibinigay mo na iwan sa akin at alagaan ang dalawang importanteng tao sa buhay mo." Sabi ni Allen na niyakap ako.
"Umupo na muna tayo wifey." Sabi pa ni Allen na tinanguan ko.
Iilan lamang ang taong naroon tanging mga malalapit na kaibigan ni ate Anne.
"Naaawa ako kay Anne. Pati anak niya nadamay." Bulong ng isa sa mga kaibigan ni ate Anne.
"Okay na din atleast may kasama siya sa buhay na walang hanggan. Nakakahabag lang na di man lang nasilayan ang bata ang makulay na mundo." Sabi naman ng isa.
"Wag ka ng makinig sa kanila wifey." Sabi ni Allen.
"Ipacreamate na natin si ate at ang baby na nasa tabi niya bukas ng hapon." Walang gana ko na sabi.
"Okay wifey. Sasabihan ko si Net." Sabi ni Allen na tinawag si Net.
Nag uusap si Allen at Net ng bigla na lang pumasok si Matt.
"Anong ginagawa mo rito?" Galit na tanong ko.
"Gusto kong makita ang magina ko sa huling pag kakataon." Ang sabi ni Matt.
"Net, palabasin mo ang lahat ng tao na nandito ngayon. Ngayon na!" Sabi ko kay Net.
"Wow! Magina mo?! Big word! Okay sige pag bibigyan kita. Karapatan mo naman talaga yan. Go! Puntahan mo!" Sigaw ko sa kanya.
Nagulat ako na bigla na lang lumapit sa akin si Matt at niyakap ako.
"I'm so sorry mahal ko." Umiiyak na sabi niya.
"Patawarin mo ako." Sabi niya pa.
"WTF! Matt!" Sigaw ko na itinulak siya at agad na lumapit si Allen sa akin.
"Kung sana umpisa pa lang tinulungan mo ang ate ko edi sana wala sila diyan ng anak mo!" Galit na sabi ko sa kay Matt.
"I'm so sorry. Di ko akalain na aabot sa ganito." Umiiyak na sabi niya.
"Matt! Kahit anak mo na lang sana inisip mo eh! Dugo't laman mo yan! Kahit para na lang sa anak mo inalagaan mo man lang sana si ate!" Galit paring sabi ko.
"Natakot ako, Queen! Takot na takot!" Humahagulhol na sabi ni Matt.
"Takot? Saan? Nagpapatawa ka ba?! Ginawa mo nga eh! Ginawa mo habang tayo pa! Hindi ka naman natakot diba? Tapos nung nag bunga natakot ka na?" Natatawang sabi ko.
"Natukso ako, Queen. I'm so sorry." Sabi niya.
"Para saan? Sa panloloko mo sa akin behind my back? Wala na yun Matt. Mag move on ka na. Pinatawad na kita sa lahat ng kawalangyaang ginawa mo sa akin." Sabi ko.
"Puntahan mo na ang sinasabi mong mag ina mo." Kunot noong sabi ko.
Nag lakad si Matt patungo sa kabaong ni ate Anne na may katabing sangol. Buti na lamang at naisip na gawin iyon ni Tim at Net.
"I'm so sorry Anne. Sorry sa napaka laking kasalanan ko sayo at sa anak natin. Baby Matti sorry kung di ka nasave ni daddy. Mahal na mahal kita anak. Sorry naduwag si daddy na panindigan ka. Huli na ng maisip ko kayo ng mommy mo. Patawarin mo si daddy anak. Kasalanan ko ang lahat." Umiiyak na sabi ni Matt.
Hinayaan namin si Matt na manatili sa burol ni ate Anne.
"Kumain ka na muna." Alok ko kay Matt.
"Wala akong gana. Nag sisisi ako na pinabayaan ko sila. Wala ako nung ako ang kailangan ni Anne. Pati anak ko wala na." Umiiyak na sabi ni Matt.
"Matt, wala na tayong magagawa. Huli na para mag sisisi ka pa at mag sisihan tayo sa nangyari." Malungkot na sabi ko.
"Minahal mo ba si ate Anne?" Tanong ko.
"Alam ng diyos, Queen. Sinubukan ko. Pero ikaw lang talaga ang nag iisang minahal ko sa buong buhay ko." Umiiyak na sabi niya.
"Matt, kung talagang mahal mo ako hindi tayo aabot sa ganito." Sabi ko.
"I know. I am just such a jerk! Ilang beses kitang niloko, pinapatawad mo ko paulit ulit. Pero kasi yung huling beses na pinatawad mo ako kahit anong gawin ko wala ka na talagang pakelam sa akin. Ramdam ko yun." Umiiyak parin na sabi niya.
"Masisisi mo ba ako, Matt? Ilang beses kitang pinatawad. Pero ikaw ang lahat ng gumagawa para maging ganun ako sayo. Matt alam ng diyos kung paano kita minahal at ipinag laban. Pero napapagod din ako. Nakakapagod kang mahalin." Umiiyak na sabi ko.
"I know. I'm so sorry sa lahat ng ginawa kong p*******t sayo." Sabi niyang niyakap ako.
"Wala na yun, Matt. Tapos na. Yun na din siguro ang itinakda ng diyos para mapunta ako sa tamang tao." Sabi ko na niyakap din siya.
"Sana sa susunod na mag mamahal ka wag mo ng ulitin ang mga pagkakamaling nagawa mo." Sabi ko pa na tinanguan niya.
"Hihintayin parin kita, Queen. Mag hihintay ako." Bulong niya.
Yakap yakap ako ni Matt nang lumapit sa amin si Allen.
"Wifey, umuwi na muna tayo sandali." Sabi ni Allen.
"Bakit?" Takang tanong ko.
"Nasa bahay ni mom sina mommy mo." Sabi niya.
"Okay. Kunin ko din laptop ko sa condo. Naiwan ko." Sabi ko na tinanguan ni Allen.
Nag paalam ako kay Net na uuwi na muna kami ni Allen pati na rin kay Matt na nasa kabaong na naman ni ate Anne at nakatitig sa baby na akala niya ay anak niya.
Nang nasa sasakyan na kami ni Allen ay tahimik lang ito at walang kibo.
"Hubby may problema ba?" Takang tanong ko.
"Wala. Naramdaman ko lang na diko talaga kayang higitan o tapatan man lang sa puso mo si Matt." Garalgal na sabi ni Allen.
"WTF! Allen, ano to?" Tanong ko.
"Totoo naman diba? First love never dies talaga?" Sarkastikong sabi niya.
"Anong problema mo? Bakit ganyan ka?! Pinag dududahan mo ang pag mamahal ko sayo? Wala kang tiwala sa akin? Allen pinakasalan kita kasi mahal na mahal kita!" Inis na sabi ko at hindi na nag salita pa si Allen.
Nang makarating kami sa condo ay agad ko ng binuksan ang pinto ng kotse ni Allen at agad ng bumaba. Nang maka akyat kami sa kanyang unit ay agad na akong nag tungo sa shower room. Nang matapos akong mag shower ay siya naman ang sumunod at hindi niya parin ako kinakausap.
Inayos ko lang ang mga gamit ko sa aking bag saka inilagay ang aking laptop. Nang matapos si Allen ay agad na rin siyang nagbihis at lumabas na sa kuwarto. Kinuha ko naman ang aking bag at susi ng aking kotse. Nang makarating kami sa parking lot ay agad na siyang sumakay sa kanyang kotse. Hinayaan ko na lamang siya. Binuksan ko na din ang aking kotse upang ilagay sa loob ang dala ko na bag. Nang mailagay ko na ang aking bag sa aking kotse ay agad naman na humarurot si Allen paalis sa parking area ng kanyang condo.
"Alam ko na galit ka. I'm sorry kasalanan ko. Mag iingat ka. Mahal na mahal kita." Chat ko kay Allen.
Nag start na din ako ng aking kotse nang magreply si Allen.
"Wag ka ng umalis ng condo. Bumalik ka sa unit natin. May pupuntahan lang ako. Babalik din ako agad. Mahal na mahal kita asawa ko." Reply ni Allen.
"Saan ka ba pupunta?" Tanong ko.
"Bumalik ka na muna sa unit natin." Reply lang ni Allen.
Hindi na ako bumalik sa aming unit at sa sasakyan ko na lnag ako nag hintay sa kanya.
Ilang minuto pa ang lumipas ay nag check lang ako ng mga emails ko. Ilang sandali pa ay natanaw ko na ang sasakyan ni Allen.
"Di ba sabi ko bumalik ka sa unit natin?!" Chat ni Allen.
"May pupuntahan lang ako saglit. Magkita na lang tayo mamaya." Walang ganang reply ko sa kanya.
"Saan ka pupunta?" Tanong niya.
"Kasama ko ang mommy mo at si Sun." Chat pa ni Allen.
"Sabihin mo may aasikasuhin lang ako sandali. Babalik rin ako agad." Reply ko sa kanya.
"Aalis na muna ako." Huling chat ko kay Allen at inistart ko na ang aking sasakyan at tuluyang umalis.
Nag punta lang ako sa aking opisina at doon nagpalipas ng oras.
"Nasaan ka na? Umuwi ka na muna." Chat ni Allen.
Nag send lang ako ng picture sa kanya na nasa opisina ko ako. Ilang saglit lang ay tinatawagan na niya ako.
"bakit?" Walang ganang tanong ko nang sagutin ko ang kanyang tawag.
"Umuwi ka na. Kanina ka pa hinahanap ni Sun." Sagot ni Allen.
"May tatapusin lang ako saglit. Saglit na lang ito uuwi na din ako." Walang ganang sabi ko.
"Sorry." Sabi niya.
"Sorry? Para saan?" Takang tanong ko.
"Inaway kita kanina. Sobrang nagselos kasi ako. Sorry na wifey." Sabi niya.
"Okay. Atleast ngayon alam ko na wala kang tiwala sa akin. Walang ganang sabi ko.
"Sige na pabalik na ako diyan." Sabi ko pa at saka binaba ang tawag niya.
Mga ilang minuto pa akong naupo bago tuluyang tumayo at lumabas na sa aking opisina.
Nang makarating ako sa aking sasakyan ay nakatayo si Allen doon na may hawak na bulaklak.
"Sorry na asawa ko." Naluluhang sabi niya.
"Oo na, sige na. Sa bahay na tayo mag usap." Kunot noong sabi ko.
"Patawarin mo na ako, asawa ko. Mahal na mahal kita." Sabi niya na niyakap ako.
"Oo na nga! Nasaan ang sasakyan mo?" Takang tanong ko.
"Iniwan ko sa bahay. Nagpahatid lang ako ngayon at sasabay ako sayong umuwi." Paliwanag niya.
"Akina ang susi mo. Ako na mag drive pauuwi." Sabi niya pa.
Pagka abot ko ng susi ay ipinagbukas niya pa ako ng pinto at may bulaklak na nasa upuan ko.
"Surprise! Sorry na asawa ko." Ngiting sabi niya.
"Oo na. Tara na." Sabi ko lang at agad na akong sumakay."Gusto mong mag coffee?" Tanong niya ng makasakay na din siya ng sasakyan.
"No, sa condo na lang." Maikling tugon ko.
Tumango lang siya at agad nang nag maneho pauwi sa condo.
"Alam ko na galit ka pa asawa ko." Sabi niya.
"Sorry kung iniisip mo na wala akong tiwala sayo. Takot lang ako, nag selos." Sabi niya pa.
"Naiintindihan ko, Allen. Hindi ako galit." Sabi ko.
Tahimik lang kami sa byahe hanggang makarating kami sa bldg ng condo niya.
"Sorry talaga asawa ko." Sabi niya na hinawakan ang kamay ko.
"Oo na. Hindi naman kita matitiis." Sabi ko na niyakap siya.
"Mahal kita, Queen. Mahal na mahal." Sabi niya.
"Mahal na mahal din kita, Allen. Sana pagkatiwalaan mo naman ako." Seryosong sabi ko.
Nang matapos kaming mag usap ay hinalikan na niya ako at niyakap muli at saka kami umakyat sa unit upang puntahan sina mommy at Sun.