NAALIPUNGATAN si Danica sa sunod-sunod na katok mula sa pinto. Bago pa man siya makabangon ay sumungaw na ang ulo ni yaya Aida. “Ma’am, hinihintay na po kayo sa baba.” Papungas-pungas siyang tumango saka tuluyang bumangon. Ngayong araw nga pala ang uwi ng kaniyang Inay at Itay ng Leyte. Muntik niya nang makalimutan. “Sabihin ko bang baba po kayo, Ma’am? Mukhang napagod po yata kayo ” nanunudyo pang dagdag ni yaya Aida na ngumisi. Saka niya lang naintindihan ang katulong nang mapadako ang mga mata sa bagay na tinitingnan nito. “B-bababa ho,” nahihiya niyang sagot sabay hablot ng kaniyang undies sa kama. Pakiramdam niya umakyat lahat ng dugo niya sa mukha. “Sige po.” Kagat ang pang-ibabang labi na bumaba siya ng kama at tumuloy sa banyo. Wala na si Dylan na ipinagpasalamat niya

