KABANATA 6

2858 Words
MABILIS lumipas ang panahon. Isang taon na rin simula no’ng aksidenteng napagkamalan ni Danica si Dylan bilang si Andrie. At sa tinagal-tagal nga ng panahong muling nagkrus ang kanilang mga landas, sa simbahan rin ang tuloy. “Ma’am, baba na po.” Tumalima si Danica sa utos ng bantay. Ipinagbukas siya nito ng pinto. Nakakatawa, hanggang sa kasal niya ay nakaitim ang mga ito. Eksaktong pagtapak niya sa aisle ay pumainlang ang isang sikat na awitin. Lahat ng mga mata mula sa loob ay sa gawi niya nakatingin na tila hinintay ang kaniyang pagdating. [IkAW AT AKO by Moira Dela Torre] - Sabi nila Balang araw darating Ang iyong tanging hinihiling.. Tila slow motion ang ginawa niyang paglakad. Sobrang bigat ng kaniyang mga paa. Pangarap niyang maikasal.. pero sa taong mahal niya. Pasimple niyang hinanap ang kinaroroonan ng mga mahal niya at nakakatuwang mababakas sa mukha ng mga ito ang kaligayahang sa pag-aakalang ganoon rin ang nararamdaman niya. - At no’ng dumating Ang aking panalangin Ay hindi na maikubli.. At sa dulo ng altar nakita niya si Andrie. Napaluha siya. Ito naman talaga ang dapat na naroon. Ang lalaking dapat sana makakasama niyang manumpa sa harap ng Diyos. Ang dapat na groom at hindi bestman. Siya ang pumili kay Lily bilang bride of honor at si Dylan naman sa bestman since Asawa raw ito ni Francine, kababata nito. Ang sama. [Pre-Chorus: Moira Dela Torre] - Ang pag-asang nahanap ko Sayong mga mata At ang takot kong sakali mang Ika’y mawawala.. Mula sa likod ni Andrie ay lumitaw si Dylan. Ang masungit at hindi nakangiting si Dylan. Kahit kailan talaga ay napakag’wapo nito. Wala siyang maitulak kaibigin. Kahit yata magsuot ng basahan si Dylan hindi iyon makababawas sa lakas ng appeal nito. Pero iba kasi iyong ibinubulong ng kaniyang puso. At kagaya niya naipit lamang din si Dylan sa sitwasyon. Maliban doon wala na. [Chorus] - At ngayon, nandyan ka na ‘Di mapaliwanag ang nadarama Handa ako sa walang hanggan ‘Di paaasahin ‘Di ka sasaktan Mula noon Hanggang ngayon Ikaw At Ako SA harden ng mansyon ginanap ang reception. Bukod sa malawak ang espasyo, madalas dito idinadaos ang mga peging. Masaya ang lahat. Habang siya ay nasa isang mesa at sa cake na lamang ibinubuhos ang lahat ng sama ng loob. Ang kaniyang mga magulang ay kinorner na ng Lolo at mga magulang ni Dylan. Sina Lily, at ate Shiela naman niya, kausap ang Asawa ni Andrie. Pakiramdam niya nakalimutan siya ng mga ito. Ang mga katrabaho niya naman nauna nang umuwi dahil sa may pasok pa kinabukasan. At si ATM boy? Ayon ang daming kausap, mga katrabaho at kasosyo sa negosyo. Sila na masaya. Himutok niya na sinarili na lamang. “Hi..!” Mula sa kinakaing cake ay alarmang nailibot ni Danica ang tingin. “I just wanna congratulate you.” Pilit ang ngiting ginawa ng dalaga. Hindi niya alam kung nanadya ba si Andrie o ano. Umupo ito sa kabilang silya kaharap niya. Pasimple niyang pinasadahan ng tingin ang dating kasintahan. Mula sa isang simpleng binata noon ang laki na nang ipinagbago nito. “Ang laki nang ipinagbago mo,” halos magkasabay nilang usal. “Ang laki nang ipinagbago mo,” ulit ni Andrie. “Ikaw rin.” Dumaan ang sandaling katahimikan. Nakaramdam siya ng pagkailang. Hindi gaya ng dati parang naging ibang tao na ito ngayon. Hindi na siya komportable. “I am sorry, Dan..” DAN. DAN na lang, PANGGA HINDI BA?!! gusto niya iyong isigaw. Kagat ang pang-ibabang labi na ibinaling niya ang tingin sa ibang direksyon bago pa man nito mabasa ang nararamdaman niya. Ang totoo gusto niya itong sumbatan. At ipamukha ang sakit na idinulot nito pero ayaw niyang magmukhang talonan. Kung hindi lang masama ang manakit kanina pa niya ito sinaksak ng tinidor na hawak niya makaganti man lang kahit papaano. “Sobrang nagsi---.” “Tama na,” pigil niya sa anumang sasabihin ni Andrie. Tumingin siya rito. “Anuman ang nangyari kalimutan na lang natin. Masaya ka na at ganoon din ako.” “Hindi ako masaya.” Hindi siya nagsalita. Parang deja vù ang kaniyang narinig. “It was only one night stand. Pariho kaming lasing no’n---hindi ko sinasadyang pakialaman siya.” Muli ay hindi siya nagsalita. “Mahal pa rin kita..,” halos pabulong nitong usal pero sapat na para marinig niya. Tila bumara ang lalamonan niya dahil do’n. ‘Yong tipong hindi niya magawang lumunok dahil sa bigat ng kaniyang dibdib. Hindi niya alam kung matutuwa ba o malulungkot. Agad niyang pinunasan ang panunubig ng mga mata dahil sa narinig na pagtikhim mula sa kaniyang likoran. Alam niyang si Dylan iyon. Nakakatawa, pero sa sandaling panahon niya sa mansyon kabisado niya na ito; mapatawa, maging ang mga yabag, at simpleng pagtikhim nito. “Mukhang seryuso pinag-uusapan niyo, ah.” Igtad na napatingala ang dalaga kay Dylan dahil sa mga kamay nito sa balikat niya. Diniinan nito iyon kaya bahagya siyang nasaktan. Walang nagsalita sa kanila ni Andrie. Ano naman ang sasabihin nila? Na mahal pa nila ang isa’t-isa? “I’m afraid I have to get my wife with me,” dagdag pa ni Dylan na kinuha ang kaniyang kamay. “Come here.” Matapos iyon ay pabalya siyang binitawan ni Dylan sa isang sulok kung saan walang gaanong tao. “Binabalaan kita Danica, huwag kang gagawa ng isang bagay na ikagagalit ko. Masaya na ang pagsasama ng mag-Asawa huwag mo nang guluhin..!” Inis na tumungin siya rito. Siya pa lumabas na kontrabida. “AKO ANG NAUNA!” gusto niyang isigaw ‘yon sa mukha ni Dylan. Si Andrie ang lumapit alangan namang siya pa ang mag-adjust. “Wala akong paki! At puwede ba, nanahimik ako. At wala akong balak agawan ang babaeng iyon. Isaksak niya sa baga niya Asawa niya!” galit niyang wika sabay talikod. “Saan ka pupunta?!” may himig iritang tanong ni Dylan. “Malayo sayo, bwesit ka!” MINABUTI ni Danica na mauna nang pumanhik at idinahilang masama ang kaniyang pakiramdam. Ayaw niya nang hintayin pang matapos ang reception. Magmumukha lang siyang tanga sa ibaba. “Bwesit!” inis na pinahid niya ang nanunubig na mga mata. “Gagong Andrie na ‘yon,” mura pa niya sa isipan. Bakit kung kailan hindi na pwede saka ito magsasalita nang ganoon? Kung talagang mahal siya nito bakit hindi ito gumawa noon ng paraan para hindi maikasal sa iba. Isa rin si ATM boy. Katulad rin ito ni Andrie. Mga gag*! Nagngingitngit ang kalooban niya. Ang hirap nang wala siyang mapagsabihan. Hindi naman siya pwedeng maglabas ng sama ng loob sa pamilya o mga kaibigan at baka kung ano pa ang isipin ng mga ito. Bumuntong hininga siya na inilibot ang tingin. Noon niya lang napansin ang ayos nang magiging silid nila ni Dylan. May mangilan-ngilang talulot ng bulaklak sa paligid. May isang bote rin ng alak at dalawang baso sa lamesita. Pumaswit siya. Sino man ang naglagay niyon roon ay pasasalamatan niya. Dahil sa sama ng loob niya ngayon, ito ang kailangan niya. Mula sa pagkakaupo sa kama ay tumayo siya upang abotin ang alak. Mukha itong pangsosyal at mamahalin basi na rin sa hitsura, hindi gaya no’ng iniinom ng mga tambay doon sa kanila, tuba o hindi kaya shoktong. Dala ng kyuryosidad ay binuksan niya ang bote at tinikman ang laman niyon. “Alak ba ‘to?” patanong niyang usal habang binabasa ang nakasulat sa bote pero nahihirapan siyang bigkasin. Minsan na rin siyang nakatikim ng alak pero hindi naman kasing tamis at kasing sarap ng alak na hawak niya. Muli siyang tumungga nang hindi na gumamit ng baso. Matapos mangalahati ang laman ng bote ay medyo nag-iba ang pakiramdam ng dalaga. Tila lumakas ang kaniyang korsonada at gusto niyang magsaya. Nang hindi pa makontento ay lumabas siya ng veranda dala-dala ang bote ng alak. “Pari-pahiro kayong mga lalaki..! Magsama-sama kayo! Mga bwesit!” Muli siyang tumungga matapos isigaw iyon, at sumayaw sa salin ng tugtuging siya lang ang nakakarinig. Ang gaan sa pakiramdam. Para siyang ibon na malayang lumilipad. Ibong tinatahak ang kawalan upang hanapin ang kaligayan. Ang sarap lumipad. Lipad Danica..! Pero unti-unti siyang umaatras pabalik. Hindi! Gusto pa niyang lumipad. Muli siyang lumipad subalit sadyang napakalupit ng mundo at tuluyang naglaho sa kawalan ang kaligayahan niya. “Ghusto kho phang lumipad..!” nagpumiglas niyang singhal sa mapangahas na pumigil sa kaniya. “You’re drunk for heaven’ sake look what have you done to yourself?! Are you that desperate to get his attention?!” Nagpanting ang tenga ng dalaga sa narinig. Tinawag siyang DESPERADA ng pakialamerong pumigil sa kaniya. “Drunk your pis, ulhol whala kang pakialham!” “D*mn it, Danica umayos ka nga..!” Saglit siyang natameme pero napangisi rin sa huli. Si ATM boy pala ang kaharap niya. “Ikhaw pala pangga,” wika niya sabay tawa. “Don’t you call me that way. Hindi nakakatawa.” “Shabe mho, eh,” aniya sabay tampal sa mukha ni ATM boy. Hindi pa siya ganoon kalasing, sadyang mabigat lang sa pakiramdam at para siyang nahihilo. Tinalikuran niya si ATM boy at pasuray-suray na pumasok sa loob. Muntik pa siyang madapa dahil sa suot na takong at suot niyang bridal gown. Sa inis niya ay hinubad niya ang sapatos at inihagis ang mga iyon sa kung saan. Pilit niya ring inaabot ang zipper sa likod ng kaniyang gown at tinangka iyong buksan. Para siyang sinisilaban sa init at gusto niyang maghubad. Pero malas niya lang at pati iyon ayaw makisama. “Ako na.” Gustohin man niyang tumanggi pero nakalapit na si Dylan. “Sometimes you have to let go things that are no longer yours. Because keeping them may hurt you.” Sana nga ganoon kadali. Eh, iyong simpleng pagbukas nga ng zipper kanina hindi niya magawa iyon pa kaya. “..and even those people around it.” May punto ito. Sino ba ang may gusto sa nangyari? Ang unfair lang. Siya iyong nasaktan pero siya iyong lumalabas na mali. “Tulungan mho ako, Dylan..,” bigla iyong nanulas sa bibig niya. Ramdam niya rin ang pag-iinit ng kaniyang mga mata. Alam ng Diyos na sinubukan niyang gawin iyon pero talagang hindi niya magawa. “Ghusto kho nha siyang kalimutan,” dagdag niya pa na humikbi. Huminto si Dylan. Naudlot sa bahaging gitna ang pagbukas nito ng zipper at tila hindi iyon maibaba. Kung tutuosin madali lang naman nito iyong gawin pero sobrang bagal nitong magbukas. Wala siyang makuhang sagot bukod sa panay na pagbuntong hininga nito. “Hindi bha sabi mho kapag kailan kho ng tulhong sabihin ko lang.” “Alam mo ba kung ano ‘yang hinihingi mo?” sa wakas ay tanong nito sa malamig na tono. Noon siya pumihit paharap at sinalubong ang mga mata ni Dylan. Salubong ang mga kilay nito at mukhang hindi na alam kung paano ngumiti. Isa.. Dalawa.. Tatlong minuto. Hindi niya alam kung gaano sila katagal nagtitigan hanggang sa siya ang unang nagbaba. Hindi niya kinaya. “Gagamitin mo ako?” Litong tumitig siyang muli kay Dylan. Bigla siyang nahimasmasan sa tanong nito. Ganoon ba ang pakiusap niya? Nasisiraan na siya ng bait kung ganoon. Bahagya siyang napaatras dahil sa hiya. Pakiramdam niya nawala na ang ispirito ng alak at bumalik na naman ang insecurities niya sa katawan. “Danica..” Lumapit sa kaniya si Dylan hanggang sa gadangkal na lamang ang layo nito sa kaniya. Pero tama naman si Lily. Hindi siya makakawala sa anino ni Andrie hangga’t wala siyang gagawin. Kaya muling naglakas loob ang dalaga, humugot ng hangin bago nag-angat ng mukha. Ito na ang pagkakataong iyon. It is now or never ika nga. Dala ng pagnanais ay hinawakan niya ang magkabilang kuwelyo ni Dylan at hinila iyon dahilan para mapayuko ito. Bumilis ang pintig ng puso niya at halos naririnig niya na iyon sa sobrang lakas. Pagkailang at hiya. Iyon ang nararamdaman niya habang nakatitig sa mga mata ni Dylan. Pero sa huli ay hindi niya magawa. Unti-unti niyang niluwagan ang pagkakahawak sa kuwelyo ni Dylan. Alam niyang hindi tamang gawin iyon. “Pinaglalaruan mo ba ako?” seryuso ang mukhang tanong nito. Todo ang ginawa niyang pag-iling. Wala siyang intensyon na paglaruan ito. “Do you have an idea what have you done to me down there?” Maang na sumunod ang mga mata niya pababa pagkarinig niyon. Saka lang niya naintindihan nang maramdaman ang paninigas ng isang bagay sa parte ng kaniyang puson. “It’s fine with me. Gamitin mo ‘ko kung gusto mo.” Kinilabotan siya sa narinig. Parang iba yata ibig sabihin nito o talagang mali lang ang iniisip niya? “T-teka, a-ahm..” Sa pagkakataong iyon ay ipinulupot ni Dylan ang mga braso sa kaniyang beywang at tuluyan nang ibinaba ang zipper ng kaniyang gown. Hindi niya tuloy alam kung paano takpan ang kahubdan dahil sa pagbasak niyon sa sahig. “You’re blushing.” Anak ng potrages! Hiyaw niya sa isipan. Kung ganoon tama ang iniisip niya. Humakbang pa si Dylan kaya bahagya siyang napaatras hanggang sa bumagsak silang pariho sa malambot na kama. “D-Dylan..,” babala niya na sinubukang magpumiglas. Sobrang bigat nito na tipong hindi siya makagalaw. Ni hindi man lang ito tuminag at tila napapaso siyang salubongin ang mga titig nito. Pakiramdam niya nagsitayuan ang mga balahibo niya sa batok dahil do’n. “Nhagbibiro lang---.” “Ako hindi.” Iyon lang at tuluyan na nitong tinawid ang mga labi niya. Doon na siya napatanga at pinakiramdaman lang si Dylan. Malumanay ang paghalik nito, nanunuyo at nagugustuhan niya iyon. Pero hindi. Hindi pwede. Tanggi ng kaniyang isipan. Muli ay gusto niyang magprotesta ngunit wala man lang siyang ginawa. Siguro dahil sa nakainom siya kaya ayaw makisama ng kaniyang katawan. Lumalim ang mga halik ni Dylan dahilan upang tuluyan na siyang nawala sa katinuan. Hanggang sa bumigay siya at nadala. Kusang pumikit ang kaniyang mga mata at tinanggap ang mga halik nito. Bahala na si batman, pilyang hiyaw ng kaniyang isipan. Singhap siyang napaarko sa ginawang paglandas ng mga labi ni Dylan mula sa kaniyang leeg, pababa hanggang sa parteng dibdib. Ayan na naman ang tugtuging siya lang ang nakakarinig. Hindi niya mapigilan ang hindi mapaungol. Wala siyang suot na brazirie kaya malaya nitong panggigilan ang maliliit niyang korona. “Ugh, D-Dylan..” Hindi niya alam kung para saan iyon. Ang alam niya lang ay hindi niya mapigilan ang sariling bigkasin ang pangalan nito lalo na no’ng bumaba ito sa kaniyang kaselanan na noon ay natatakpan pa ng maliit na tela. Anak ng sampung tipaklong gusto niyang mapasigaw dahil sa kiliting hatid niyon. Tila sinisilaban siya sa init kahit naka-air-conditioned naman ‘yong silid. “D-Dylan..,” ungol niya na naman. Tuluyan na nitong ibinababa ang suot niyang undies at ramdam niya ang pamamasa ng kaniyang hiyas. Muli nito iyong sinamsam at ginalugad gamit ang dila, at walang sawang naglabas-masok roon. “D-Dylan..!” ungot niya na naman. Potagres, hindi niya na kaya. Tila naman naintindihan ni Dylan ang pakiusap niya dahil sa muli nitong paggapang pabalik at pinagpantay ang kanilang mga mukha. “I’ll be gentle,” paanas nitong wika bago muling inangkin ang mga labi niya. Hindi niya alam kung paano itong naghubad, naramdaman niya na lang na wala na rin itong mga saplot. Kagat ang pang-ibabang labi ay namumungay ang kaniyang mga matang napatitig kay Dylan nang bahagya nitong inilayo ang mukha. Dama niya ang pagtutok ng kahabaan nito sa kaniyang hiyas. At halos bumaon ang mga kuko niya sa balikat nito dahil sa pagpasok nito roon, kasabay ng tila pagbulusok ng mainit na likido sa gitnang parte ng dalawa niyang hita. “Ugh..,” daing na singhap niya. Hindi niya mapigilan ang paglandas ng luha sa kaniyang mga mata dahil sa sakit. “Sorry,” nag-aalalang anas nito. Sandaling hindi ito gumalaw at tila pinapakiramdaman siya. “Can I move?” muli ay tanong nito kalaunan. Pero imbes na sumagot ay inabot niya ang mga labi nito upang hagkan bilang permiso. Noon ito dahan-dahang gumalaw. Naroon pa rin ang sakit pero kalaunan ay unti-unti iyong nawala at napalitan ng kakaibang sensasyon. Makailang beses siyang napaungol at nagsimulang sumasabay rito. Tuluyan niya na ngang naisuko ang sarili. Hindi niya sukat akalaing sa piling pa ni Dylan siya makakaramdaman nang ganito---na babae siya at espesyal. MABIGAT ang mga matang nagmulat si Danica. Parang mabibiyak ang ulo niya sa sobrang sakit. Si Dylan ang unang nasilayan niya. Nakadapa ito at mahimbing na natutulog. Napangiti siya. Ang g’wapo talaga ni ATM boy. Hindi niya tuloy mapigilang pagmasdan ang mukha nito. Mula kilay, mga mata, ilong, labi hanggang---. “Hala!” napabalikwas niyang usal. Awtomatikong nasilip niya ang katawan sa ilalim ng kumot. At ganoon na lamang ang panlalaki ng kaniyang mga mata nang makita ang sariling kahubdan. Pikit ang mga matang tinampal-tampal niya ang sariling mukha sa pag-asang maalala ang nangyari kagabi. Na hindi naman siya nabigo. Awang ang bibig na nilingon niya uli si Dylan. Hindi siya makapaniwalang nagawa niyang isuko ang TAHONG ng Hilongos Leyte!? Mabilis niyang hinila ang kumot. Nahulog pa siya sa kama sa pagmamadaling huwag magising si Dylan. Ano’ng mukhang ihaharap niya rito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD