ALIW na pinagmasdan ni Danica ang mga kuhang litrato mula sa kaniyang cellphone habang nakahiga sa mahabang sopa. Kanina pa umalis si Dylan kaya’t nililibang na lamang niya ang sarili sa pagkuha ng mga litrato mula sa babasaging dingding kung saan kita ang matatayog na gusali at kumikinang na ilaw ng siyudad. Subalit naudlot sa ginagawa si Danica nang tumunog ang kaniyang messenger. Napangiti siya nang lumitaw ang icon avatar ni Spongebob. Dahil sa naka-activate naman ang kaniyang International roaming kung kaya’t malaya siyang makapag-online. Ang totoo, kanina pa siya nababagot. Hindi niya mahagilap si Lily at Sheila kung kailan kailangan niya nang makakausap. At laking pasasalamat nga niya na nagparamdam ang bagong kaibigan. Magaan ang loob ni Danica kay Spongebob. Pakiramdam niya a

