KABANATA 16

1685 Words

IHINATID muna ni Dylan at Danica sina Lily at Sheila sa kanilang trabaho kinabukasan bago sila bumyahe pabalik sa Manila. Nagkaiyakan pa ang tatlo. Matatagalan pa bago masundan ang muli nilang pagkikita. “Ahm, Dylan..,” untag ni Danica sa katipan. Wala itong imik kanina pa at sa manebila lamang nakatuon ang atensyon. “Bakit?” Pinagmasdan lang ni Danica si Dylan. Gusto niyang pag-usapan ang tungkol kagabi subalit nahihiya siyang itanong iyon. Baka kasi, iba lang iyong pagkakaintindi niya. Ang totoo, binabagabag siya sa tinuran nito. Magdamag siyang hindi nakatulog nang maayos. Gusto niyang isiping may nararamdaman ito sa kaniya, pero wala naman itong sinasabing ganoon. Sa kaso ni Dylan, hindi ito mahirap mahalin. Mabait ito at magalang, nakikita niya iyon sa kung paano nito tratuhin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD