"Brixz! Ano ba?! Akin na nga 'yan!" Sabi ko habang pilit na inaabot sa kaniya 'yong notebook ko. Hindi ko pa kasi tapos yung pinapagawa sa amin tapos 'eto siya, nagpapapansin, kinuha ba naman yung notebook ko habang nagsasagot ako.
"Pakopya na kasi!" Sabi niya habang pilit na itinataas ang notebook na kanina ko pa sinusubukang kunin mula sa kaniya.
Buti na lang talaga at walang nagbabantay sa'min kung 'di ay kanina pa kami na-guidance sa ginagawa nitong si Brixz. Buti na lang din at walang tao rito sa hallway kung hindi baka may nagsumbong na sa amin, busy ata sa mga pinapagawa nila at ang tahimik dito sa labas.
"Niloloko mo ba 'ko? Tapos ka na 'di ba?!" Malakas na sabi ko dahil kanina pa talaga ako naiinis dito kay Brixz. Pasalamat siya medyo nakakapagpigil pa ako.
Brixz is my seatmate since first quarter until now na magse-second quarter na. He's also my seatmate way back when we were still in Grade 6 students at ngayon na lang kami muling naging magkaklase dahil nag transfer siya noong Grade 7 at bumalik dito sa school namin ng Grade 9 para guluhin na naman ang mundo ko.
Simula ng maging katabi ko siya ay hindi na natahimik ang buhay ko. He'll always find a way to annoy me and to get under my nerves.
I was attracted to him at first because of his physical and facial features. He's tall, has a light skin complexion, brown wavy hair, black almond eyes, stubborn jawline and pore less face. Noong unang kita ko sa kaniya ay humanga talaga ako sa itsura niya pero nang makasama ko siya ay nawala ang atraksyong mayroon ako sa kaniya.
"Anong average mo?" I asked Brixz with a smile on my lips when we received our cards for the first quarter when we were in Grade 6.
"Ikaw muna." Tamad na sabi niya.
"96." I proudly said.
He exhaled, making me frown. What's his problem?
"95." He said that made me smirk. I win!
"Teka nga, Arandia apilyedo mo diba?" I nodded when he asked.
Maya maya'y napatigil siya na para bang may inaalala at umismid. "Mrs. Caszetrina Arandia. Kaya pala mataas." He murmured that creased my forehead. What does he mean by that?
So alam niya na anak ako ng teacher? 'Kaya pala mataas'? Is he implying that I got my high marks just because I'm a teacher's daughter? Iyon ba ang ibig sabihin ng reaksyon niya at ng sinabi niya?
Wow!
I felt a sting on my chest as my eyes pierced at Brixz who's looking straight at the board like he didn't say anything offensive to me.
Pinaghihirapan ko ang mga nakukuha ko! I even deprive myself of doing the things I want. What right does he have to tell me that? That I only get those remarks just because of my mother?
Ang kapal!
Since that day, I became more active and focused on my studies. Dagdag pa na ako lang ang anak ng teacher na hindi nakapasok sa mga honor awardees 5 years ago ay mas ginalingan ko pa hanggang nakamit ko ang medalyang ninanais ko.
My parents were so proud when I graduated my last year in middle school with honors. Simula noon ay itinatatak ko na sa sarili kong gagalingan ko palagi para matuwa sa akin sila Mommy. And ever since that, I always put my all to everything I do to make them proud of me.
"Titignan ko lang sagot mo." He said while raising his left arm which was holding my notebook. Ako pa talaga lolokohin niya ah! If I know, nagpapapansin na naman 'to o 'di kaya nangungulit dahil for sure, wala na naman siyang magawa kaya ako ang kinukulit niya.
"Ang sabihin mo mangongopya ka lang! Akin na kasi! Hindi pa 'ko tapos!" Sabi ko habang tumitingkayad para makuha ang notebook ko.
"Abutin mo muna." Sabi niya kaya sinamaan ko siya ng tingin habang sinusubukan pa ring kunin ang notebook ko.
"Are you trying to annoy me? Ano? Telenobela lang?" I sternly said while glaring at him.
Alam ko naman kasing hindi ko maaabot 'yon lalo na't higit na mas matangkad sa akin si Brixz. I think he's between 5'9 to 5'11. Hanggang tenga niya lang kasi ang pinakatuktok ng ulo ko, idagdag mo pa yung pagtaas ng braso niya. Kamusta naman yung pagtingkayad ko habang inaabot yung notebook ko? May naabot ba? Wala.
"Sa tingin m—Aray!" Sabi niya dahil bigla kong sinabunutan ang buhok niya pababa kaya naibaba na rin niya ang kaliwang braso niya na may hawak sa notebook ko.
I grabed it before I let go of Brixz' hair since he was already struggling and complaining about me pulling his hair out, that he'd go bald. OA.
"Akala mo ah?" Sabi ko na may ngiti sa labi habang nakatingin sa kaniya na kinukusot kusot ang buhok na para bang minamasahe ito.
"Grabe. Ang sakit!" He said with his face crumpled because of the headache I caused which made my smile fade. Well, he's my headache too.
"D-does it h-hurt?" Tanong ko dahil medyo na-guilty ako sa ginawa ko sa kaniya. Mukha kasing sakit na sakit siya. Napalakas ko ata.
"S-sorry. Hindi ko naman sinasa—" Napatigil ako nang mapansin kong ngumiti siya na agad naman niyang pinalitan ng ngiwi. Talaga lang ah.
"Saan ba yung masakit?" Kunwaring sabi ko habang nakatingala at sinusubukang abutin ang ulo niya.
Pansin niya yatang nahihirapan akong abutin ang ulo niya kaya medyo yumuko siya, ang isang kamay ay nasa itaas ng tuhod habang ang isa naman ay nasa ulo niya kaya tinapik ko iyon na agad naman niyang inialis.
"Where? Here?" Sabi ko sabay diin sa parteng minamasahe niya na ikinasigaw niya dahil sa lakas ng pagkakadiin ko.
"Ano, hindi diyan. Urong mo kaunti pagilid." Sabi niya kaya napunta sa gitna ang kamay ko kung nasaan ang kamay niya. I swatted his hand away from his head and placed my hand to where he told me it hurts.
"Dito?" Sabi ko kaya minasahe ko iyon ng kaunti bago ko siya binatukan ng sobrang lakas. Ako pa talaga binilog ng kumag.
"Lolokohin mo pa talaga ako ah? Bahala ka nga diyan." Sabi ko bago ko siya tinalikuran at naglakad papunta sa pinto ng room namin at pumasok.
"Jadie! Tapos ka na?" Tanong sa akin ni Rianne nang makalapit siya sa akin pagkapasok na pagkapasok ko pa lamang ng kwarto namin.
"Hindi pa nga eh. Si Brixz kasi."
"Ano na naman?" Sabi ng lalaki sa tingin ko ay kakapasok lang din.
"Ilayo niyo nga sa'kin 'yan. Puputi ng maaga buhok ko sa lalaking 'yan." Magkasalubong na kilay na sabi ko habang nakasimangot bago ako umalis doon at pumunta sa upuan ko.
I continued answering the questions that was written at the blackboard. Answer only naman kaya medyo mabilis akong natapos.
"Ruby." Tawag sa akin ni Brixz na nasa tabi ko na pal at nakaupo sa upuan niya.
"What?" Walang pakielam na sabi ko habang nilalagyan ng highlight yung sagot ko para mas madaling makita.
"Ruby." Tawag niya ulit sa akin kaya hindi ko na ulit siya pinansin dahil paniguradong nagpapapansin na naman siya.
"Ruby."
"Rubyane."
"Jadie."
"Jadielyn."
Hindi ko pa rin siya pinapansin dahil malapit na rin akong matapos sa ginagawa ko. Hindi ko rin matatapos agad 'to kung hahayaan ko siyang makuha ang atensyon ko.
He stopped calling me for a while so I decided to take a glance at him. I caught him looking at me with his hand supporting his head, his elbows over the table.
"Baby." Mahina at malumanay na bulong ni Brixz pero sapat lang para ako lang ang makarinig kaya napatigil ako sa ginagawa ko.
I gulped and tightened my grip on my pen. "Baby? Sinong baby? May anak ka?" Maang maangang sabi ko nang makabawi ako mula sa pagkatigil. Akmang magsasalita siya nang isara ko ang notebook ko at umarteng ihahampas ito sa kaniya.
"Eto na nga. Oo na. Titigil na. Mapanakit." Sabi niya habang nakaharang sa mukha ang mga braso habang nakasiksik sa gilid ng upuan niya malayo sa akin.
I attempted to finish my activity while he kept on grumbling beside me. Hindi ko na lang pinansin at baka hindi na ako matapos sa ginagawa ko.
"Ayaw pala ng 'Baby', sige. 'Tangi' na lang." Bulong niya sa sarili at maingat pang sumilip sa akin na inirapan ko na lang.
"Nyx." Tawag ko sa kaniya nang puntahan ko siya sa upuan niya malapit sa may teacher's table kaya napalingon siya sa akin. Busy kasi siya sa pakikipagusap kila Jian kaya napatigil ang paguusap nila nang bumaling ito sa akin.
I gave her my notebook since she was the one who was assigned to collect all the notebooks to be passed to our math teacher. Strikto kasi si Miss Blyne, ang Math subject teacher namin, sa mga activities namin. May time kasi na nagcheck kami tapos noong time na nang pagcheck niya ng notes sa notebooks namin para sa requirements may nakita siyang mali mali ang pagcheck, pati score mali.
I went back to my seat and fixed my things while Brixz kept on talking beside me. Okay lang kahit na madaldal 'yan si Brixz pero minsan kasi hindi lang madaldal, makulit at papansin din kaya minsan hindi ko maiwasan ang hindi mairita at pinapatulan ko talaga ang kalokohan niya.
"Bakit?" Binalingan ko ng tingin si Brixz ng hindi niya ako sagutin.
Nagkunwari na naman siyang walang alam na akala mo walang ginagawa. Alam ko naman na siya yung nangalabit pero ang loko nagpapapansin na naman.
Naka-assigned seat kasi kami kaya wala akong choice kung hindi ang makatabi siya. Mula first quarter hanggang ngayon na last quarter siya pa rin ang katabi ko. Nauumay na nga ako minsan sa kaniya.
When Brixz stopped bothering me, my mind went in deep thought. Nakatulala lang ako habang nagiisip nang may marinig akong tumawag sa akin.
"Jadie, ano, pwedeng kayo na lang ni Brixz magbigay nito kay Miss Blyne sa faculty? May pinapautos kasi sa'min si Miss Yvette." Sabi ni Nyx na nasa harap ko na pala kaya napabalik ako mula sa malalim na pagiisip. Tumango ako kaya dali dali siyang umalis kasama si Iris.
"Tara." Sabi ko kay Brixz. We stood up and went to Nyx' seat.
Hinati ni Brixz ang mga notebook at ibinigay sa akin ang kalahati. I noticed the number of notebooks that he gave me. Mas marami ang dala niya kaysa sa akin kaya napatingin ako sa kaniya puno ng pagtataka. Instead of answering my puzzled look, Brixz only looked at me then motioned me to walk towards the door by nodding his head at me then to the door.
"Ruby, tignan mo 'yon." Biglang sabi ni Brixz habang naglalakad kami sa hallway.
"Sa'n?" Tanong ko habang tumitingin tingin sa paligid namin.
"Yung dalawang babae. Para kasing pinaguusapan nila ako. Nagagwapuhan siguro sila sa'kin." Sabi niya ng may nagyayabang na tingin kaya hinanap ko ang dalawang babaeng sinasabi niya sabay ngiwi.
My eyes landed at the two girls who were talking while looking at us every now and then. Tumigil lang sila nang mapansin nilang nakatingin ako sa kanila.
"Gwapo ko diba?" Tanong ni Brixz na para bang may inaasahan sa sagot ko kaya napatingin na rin ako sa kaniya. I caught him looking at me when I turned my gaze at him.
"Pa'no mo naman nasabi? Hindi mo na naman ba nainom yung gamot mo at ganiyan ka na naman kahangin?" Sabi ko.
Malay ko ba sa mukha mo! Sumulyap ulit ako roon sa pwesto ng mga babae kanina na sa tingin ko ay mas bata pa ng tatlo o apat taon sa amin. Tantiya ko na sa Grade 7 na sila. Nakalip tint pa!
"Ah, wala." Balewalang sabi niya bago seryosong tumingin ulit sa harap kaya hinayaan ko na lang siya at nanahimik na lang din.
We reached the faculty room for highschool teacher's after a few moments. Sumilip muna si Brixz sa may bintana bago kami pumunta sa harap ng pinto. Nasa ground floor kasi ang faculty ng highschool teachers, sa may dulo ng assembly area namin.
"Sinong papasok?" I asked. Tumingin sa'kin si Brixz tsaka sa pinto bago tumingin ulit sa'kin.
"Syempre, ikaw." He said then smirked. Inirapan ko naman siya bilang reaction sa sinabi niya.
"Tignan mo, ako lang pala magdadala lahat ng 'to sa loob sasama sama ka pa. Akin na nga, ako na magpapasok." Sabi ko, akmang kukunin sa kaniya ang iba pa naming notebooks mula sa kaniya pero bigla na lamang niya itong inilayo sa akin kaya hindi ko ito agad nakuha.
"Sino ba nagsabing ikaw lang papasok? Ako dapat ang magpasok." Sabi niya habang nakangisi ng nakaloloko na ikinakunot ng noo ko. Magpasok?
"What do you mean?" Tanong ko dahil hindi ko naintindihan ang huling sinabi niya kahit na parang may ibang ibig sabihin ang sinabi niya.
Napatingala ako sa kaniya nang lumapit siya sa akin kaya nayakap ko bigla ang mga notebook na hawak ko dahil sa sobrang lapit niya sa'kin. His looking down at me seriously which made me gulp. Napansin niya yata iyon dahil napatingin siya sa leeg ko at napalunok bago umiwas ng tingin.
"Ang sabi ko, ako na magpapasok ng notebooks." He said while taking the notebooks that I was holding before approaching the door to knock, leaving me frozen while looking at him.
I covered my mouth when I felt my cheeks burn and for sure pulang pula na naman ang mukha ko. Tinampal tampal ko ang mga pisngi ko. I cleared my throat and tried to calm down. Masama talaga ang epekto ng isang 'yon.
Madali lang akong mamula dahil sa kaputian ko na minana ko kay Mommy na may maputi katulad ng gatas at makinis na kutis. I also inherited her upturned eyes and soft angled brows.
Ang sabi nga sa akin ni Daddy ay kamukhang kamukha ko raw si Mommy noong dalaga pa siya. They told me that I am the mini version of Mom kahit sa ugali pero kapag tinitigan ng mas matagal ay lumalabas daw ang features ni Daddy. The most noticeable feature that I inherited from my father was my eye color, they're black since my father is a Filipino while my Mom is German.
Pumasok siya sa loob nang buksan niya ito kaya naman nakahinga ako ng maluwag nang mawala na siya sa harap ko. Ni hindi ko man lang namalayan na pinipigilan ko na pala ang hininga ko kanina.
"Jadie." Narinig kong tawag sa akin ng kung sino kaya napalingon lingon ako sa paligid.
"Ay bulag." Rinig kong sabi ng tumawag sa akin na sa tingin ko ay galing sa taas kaya naglakad ako palayo sa pinto ng faculty room at lumingon bago tumingin sa hagdan sa itaas ng faculty room.
Nasa ilalim kasi ng hagdan ang faculty room kaya napaangat ako ng tingin sa itaas kung saan nakita ko roon si Adie na nakadungaw sa akin mula sa hagdan.
"Oh, bakit?" I asked, tilting my head to the side.
"Si Ven?" Tanong niya na ikinakunot ng noo ko. Sinong 'Ven'?
"Ha? Sino 'yon?" Sabi dahil wala naman talaga akong kilalang 'Ven'.
Biglang napatampal noo si Adie na para bang may bigla na lang siyang naalala.
"Si Draven pala, nakita mo?" Tanong niya sabay hawak sa railings ng hagdan.
"Hindi eh. Tanong ka sa iba." Sabi ko na alanganing ikinatango niya bago nagpasalamat at umakyat ulit kaya tumalikod ako mula sa pintuan ng faculty habang nagaantay kay Brixz.
Adie was one of my classmates before at isa sa mga anak ng teacher na katulad ko. Lima kaming anak ng mga teacher sa generation namin dito sa school, Me, Talia, Sorin, Dark and Adie.
I'm not really close with the other two guys since I rarely had the chance to talk to them. Si Adie at Talia lang ang madalas kong makausap simula noong mga bata pa kami although naging ka-close ko naman sila Dark at Sorin noon pero hindi na masyado ngayon.
"Tayo na?" Napatalon ako nang biglang may brasong umakbay sa'kin kaya napatingin ako sa kung kaninong braso ang nasa balikat ko at naabutan ko si Brixz na nakatingin din sa'kin.
"Huh? A-anong tayo na? E-excuse me, Pyrrhos Brixz Anderson, hindi kita gusto para maging tayo, and I won't, ever. Bitaw nga." Sabi ko sabay tabig ng braso nilang nakapatong sa balikat ko.
"Ano na naman bang pinagsasasabi mo?" Kunot noong tanong niya na ikinatigil ko. Ilang sandali pa biglang lumambot ang expresyon ng mukha niya na para bang may naiintindihan bago umiling iling habang may nakalolokong ngisi sa labi.
"Nevermind. Siguro pinagpapantasyahan mo na naman ako. Okay lang 'yan. Alam ko namang crush mo rin ako. Tara na nga." Sabi niya bago nakapamulsang nauna na sa'kin na siyang ikinahinga ko ng maluwag. Kahihiyan mo Ruby! Get ahold of yourself!
"Kapal mo talagang kupal ka." I saw his shoulders move up and down, laughing.
We ended up arguing and bickering all the way back to our room. Lahat tuloy ng nakakasalubong namin ay napapalingon sa amin.