ANG akala ni Fina ay tapos na ang program pero nang mapansin niyang hindi pa rin sila pinapalabas ng event marshal ay katulad nang iba ay mas pinili niyang umupo muna.
Kahit na si Jo na kita niyang atat na atat nang umuwi ay hinila niya pabalik sa upuan nang akmang aalis na ito.
“Girl, hindi ba pwedeng mauna na lang akong umuwi? `Di na kaya nang power ko ang energy dito.”
“Sayang ticket mo kung hindi na`tin `to tatapusin,” katwiran niya kahit na ba ang dahilan lang namna kung bakit ayaw pa rin niyang umalis ito ay dahil ayaw niyang maisa at walang kasama.
Napatingin siya sa may kandungan niya punong-puuno `yon nang mmga merchandise na hidni lang sa kanya maging si Jo, hindi kasi nito alam kung anong gagawin `don and since and dahilan lang namna kaya ito nakakuha nang ticket ay dahil sa kanya mas minabuti na lang nitong ibigay sa kanya ang lahat.
Pinaikot nito ang mga mata, “Fine, kung hindi ka lang talaga malakas sa`kin malamang na kanina pa kita iniwanan dito.”
“Haylabyow,” nakangising wika niya.
Maya-maya pa ay bumalik ang MC sa stage mukhang may announcement pa ito kaya hindi pa tinatapos ang fan meet.
“Okay, as we end this series we all have a surprise para sa lahat ng mga attendees natin this day!”
Akala niya ay tapos na program at handa na siyag umalis para kahit papaano ay matahimik na ang kung anoman ang insiip niya hanggang sa magsalita ang MC.
“As we all know the Asia premiere ng ‘Beneath The Stars’ will be here on the Philippines Cade have a very special announcement,” ipinasa nito sa nakangiting si Cade ang mic.
“Hi!” Kanya-kanya na naman sigawan ang lahat sa simplneg greetings na `yon ni Cade.
“I want to invite you all to please come watch the premiere of ‘Beneath the Stars’ here in SM Megamall. But not only that, can I please see the numbers that you got as everyone entered the hall?”
Nagtaka man siya sa sinabi nito ay ginawa niya din ang mga kasama sa pagtaas ng number na hawak niya na nakalagay sa isang cardboard fan na may picture at pirma ni Cade.
“One lucky attendee will got a chance to be my date on the upcoming premiere this week,” ganon na lang ang sigawan ng lahat sa narinig at kahit na baa lam niyang one in a million siyang mabubunot at dahil malas siya pagdating sa raffle hindi pa rin niya maiwasang umasa.
Agad na inabot ng MC ang isang fish bowl na siguradong naglalaman ng lahat ng kanilang mga numero.
Mahigpit niyang pinagsiklop ang kanyang mga kamay nang haluin nito ang fish bowl hanggang sa makabunot ito ng papel.
“The Lucky number that will be my date on the premiere is 8…. 5…. 7…” ganon na lang ang higpit ng hawak niya sa sarili niyang number nang mapansin niyang tatlong number na ang natatawag na pagmamay-ari niya. “1”
Ganon na lang ang panlalaki ng mga mata niya nang ma-realize niya na siya ang tinawag nito. Para siyang lumulutang sa ere at kung hindi pa siguro naibalik siya ni Jo sa sarili niyang wisyo ay hindi pa siya tatayo at ittinaas ang hawak niyang numero.
“Please come here on stage.” Nakangiting sabi nito.
Nngangatog ang mga tuhod niya at pinagpapawisan siya nang malamig nang sa wakas ay marahan siyang lumapit sa stage.
Ganon na lang ang tilian ng lahat nang si Cade mismo ang naglahad ng kamay sa kanya para alalayan siyang maka-akyat sa stage.
Para siyang naglalakad na tuod dahil hindi niya talaga alam kung anong reaksyon ang gusto niyang gawin. Lalo pa, at sa paningin niya ang buong atensyon niya lang ay nasa isang lalaki na tila ba naglalaro ang katuwaan sa kanyang mga mata.
Ganon na lang ang tilian ng lahat nang si Cade mismo ang naglahad ng kamay sa kanya para alalayan siyang maka-akyat sa stage.
Gusto niyang sabihan ang sarili niya na uso ang huminga, dahil pakiramdam niya ilang sandali ay bigla na lang siyang hihimatayin sa harap ng stage with a thousand of people watching her.
Nang makaakyat na siya ay hindi pa rin binitiwan ng actor ang kamay niya. Ang lambot ng kamay nito, daig pa ata `yung sa kanya. Hindi naman siguro pinagpapawisan `yung kamay niya ngayon `no? Nakakahiya kapag nalaman nitong pasmado ang kamay niya.
Nang makarating na sila sa gitna ng stage ay bahagyang yumuko si Cade sa kanya saka may binulong.
“Breath,” she felt his lips brush on her earlobes, kahit na hindi niya tignan ang sarili sa salamin siguradong para siyang nagmumurang kamatis sa pula ng pisngi niya.
Mabilis naman siyang tumalima sa sinabi nito, mamaya mamatay nga siya dahil sa ginagawa niyang katangahan.
Sinulyapan niya ang katabi, kaya nagtama ang mata nilang dalawa, mukhang kanina pa ito nakamasid sa kanya.
Naitakip niya ang libre niyang kamay sa mukha niyang nag-iinit na dahil sa bilis ng t***k ng puso niya.
Gusto niyagn itanong sa sarili kung totoo ba `to? O baka naman nananginip lang siya ng gising at hindi niya talaga kasama si Cade sa stage na `to?
“Do what’s the name of our lucky girl?” napakislot pa siya anng itapat ng MC ang mic sa harapan niya.
Inilibot niya nag tingin sa paligid saka lang niya naalalala kung nasaan nga pala talaga siya.
“I-I’m Serafina Fabellore,” nag-c***k pa ang boses niya sa pag-sagot. Hinanap ng mata niya si Jo, hindi niya kasi matignan `yung katabi niya. Baka bigla na lang siyang himatayin sa harap nito. Nakakahiya!
Nakahinga lang siya nang maluwag nang mamataan niya ang kaibigan na malapit sa stage. Panay kuha nito ang litrato sa kanya at kay Cade ka-holding hand niya hanggang ngayon.
“Okay, Miss Serafina, you can now go down one of our staffs will assist you and will get your contact number. “
Agad siyang tumango, pero ganon na lang ang pamumula ng mukha niya nang hanggang sa pagbaba ng stage ay nakaalalay pa rin sa kanya si Cade. Panibagong hiyawan na naman ang narinig niya galing sa audience, samantalang siya hindi man lang niya magawang diretsong matignan ang kasama.
Nang tuluyan na siyang bumaba ay saka lang siya nagkalakas ng loob na lingunin ito, ganon na lang ang panlalaki ng mga mata niya nang magtama ang tingin nilang dalawa.
“Miss?” napaigtad siya nang marinig niya ang tawag sa kanya ng babaeng staff.
Napangiti ito dahil sa reaksyon niya bago siya iginiya sa back stage, at sa isang kwarto. Mukhang waiting room `yon at nang isara ang pinto ay wala na siyang marinig na ingay mula sa labas.
Nakita niyang may iniabot sa kanyang isang papel. “Paki-fill up na lang ng mga information dito,” inabutan siya nito ng ballpen.
The paper contained some questions about her personal information. Wala naman kaso sa kanya `yon pero hindi pa rin niya maiwasang tanungin ito.
“Ah, Miss, anong day po papatak `yung block screening?” tanong niya.
Kailangan kasi niyang masigurado ang schedule niya kung sakali man.
“It’s the day after tomorrow.”
Napakagat siya ng labi, mas mabuti sigurong mag back out na siya. Oo, alam niyang once in a life time lang ang tyansa na `to pero kailangan pa rin niya ng trabaho.
“Pwede bang mag-back out?” tanong niya.
Nagulat `to sa tanong niya. “Bakit naman? “
“May trabaho ako,” katwiran niya.
“Ah, don’t worry po, makikipag-coordinate po kami sa company niyo for that matter.”
Nakahinga naman siya ng maluwag sa sinabi nto, kaya agad siyang nag-fill up sa papel.
Hindi niya mapigilan ang sarili na makaramdam ng excitement sa mga mangyayari. This is her firat time to have a date, and ofcourse probably her last time na isang Cade Morgan ang kasama niya.
Hindi halos mawala sa labi niya ang ngiti, hanggang sa ibigay na niya ang form sa staff.
“Just wait for a moment, you’ll have some official photoshoot with Cade.”
“H-ha?” akala niya iyon na `yon kanina noong nasa stage pa siya. May part 2 pa pala?
“It’s for promotional purpose, anyway gusto mo bang dalhin ko ang gamit mo dito?”
Doon lang niya naalala ang kaibigan niyang si Jo, sigurado siyang mag-aantay `to hanggang sa matapos siya dito.
“May kasama ako, pwede bang papuntahin siya dito?”
“Hindi ko sure, tatanong ko na muna. Pag hindi sabihan ko na lang siya, tapos dalhin ko na lang ang gamit mo.”
“Okay,” pag-sangayon niya.
Doon na `to tuluyang nagpaalam sa kanya hanggang siya naman ay halos hindi mapakali sa kinauupuan niya.
Iginagala niya ang tingin sa paligid, sa huli natalo siya ng sarili niyang kuryosidad at hindi napigilann ang sarili na mag-usisa sa lugar.
There are floor to wall carpet, walang salamin pero may air ventilation naman at malamig ang buga ng aircon kaya comportable ang lugar. Sa tingin din niya isa rin itong dressing room, napasin kasi niya ang closet sa isang tabi na bahagyang nakabukas ay may mga damit na panlalaki.
Sigururado siyang damit `yon ni Cade base lang sa size na nakita niya na nakasabit `don pero hindi siya nagkalakas ng loob na lapitan `yon.
It made her wonder, ano kaya ang pabango ng actor? Kanina nang lapitan niya `to kung hindi lang talaga siya tinablan ng hiya baka haraharapan niyang sinighot ang amoy nito.
Nang magsawa siya sa kaiikot sa lugar ay bumalik na siya sa pagkakaupo, hindi niya maiwasang magtaka kung nasaan na kaya si Jo? Sana man lang nahanap ito ng staff at dalhin dito.
Napaigtad siya nang makarinig siya ng mga katok, lalapitan na sana niya ang pinto nang kusang bumukas `yon at pumasok ang bulto ng kaibigan niyang si Jo.
“Andito ka pala kanina pa kita hinahanap, may ghad. Ang akala ko nasa waiting room ka, ang daming tao `don buti na lang napansin ako ng isa sa mga staff at sinabi kung nasan ka.”
Nagtatakang napatingin siya dito. “Dito ako dinala ng staff, ito `yung waiting room `di ba?”
Nakita niyang binuksan nito ang pinto, at tinuro ang isang panig `non kung saan nakalagay ang pangalan ni Cade Morgan, indicating that this place is not the waiting area, but the dressing room of the actor!
Nanlalaki ang mga matang napatingin siya sa kaibigan. “Hindi kaya nagkamali lang ang hatid sa`kin ng staff?”
“Ano ka ba, trabaho nila `to sa tingin mo ba talaga basta ka na lang nila ilalagay sa isang lugar na bawal ka?” taas kilay na tanong nito sa kanya. Saka lumapit sa sofa at komportableng napaupo `don.
May point naman ang kaibigan niya, pero hindi lang niya maintindihan kung bakit siya nandito imbbes na nasa waiting room siya. Napabuntong-hininga siya at sa huli ay umupo na lang at inantay ang pagdating ni Cade.
Hindi na maalala ni Fina kung gaano nga ba siya katagal sa pwestoing kinauupuan niya hanggang sa marinig niya ang ingay sa labas ng dressing room.
Wala sa sariling napatayos siya nan gang unang pumasok sa pinto.
“Hi again,” nakangiting bati nito sa kanya.
And she literally can feel her legs almost gave out. Buti na lang at laging to the rescue sa kanya si Jo, at agad siyang inalalayan para makatayo ng maayos sa harapan ng kanyang most favorite actor.
“Girl, wag magkalat, hindi talaga kita pupulutin,” bulong nito sa kanya.
Agad naman siyang umayos ng tayo, saka ngumiti sa kaharap. Sigurado kasi siyang tototohanin nito ang sinasabi knowing how her friend is.
“Sorry, you look like you’re uncomfortable with crowd, so I told the staff to make you wait here on my dressing room.”
“Thank you, appreciate it,” totoo naman kasi ang napansin nito, hindi talaga siya sanay sa maraming tao. She’s an introvert, crowd is really not for her.
“Great,” he gave her his signature smile. Kung sa ibang pagkakataon lang `to baka tumili na siya sa kilig at si Jo lang naman ang magiging biktima niya sa walang katapusan niyang palo hanggang sa kumalma siya.
Pero pilit niyang hinamig ang sarili, nakakahiya nga naman na magkalat, ayon na rin sa napakasupportive niyang kasama.
Maya-maya pa ay may kumatok sa pintuan at agad niyang namukhaan ang organizer ng event.
From that moment on, hindi niya maiwang ma-amaze sa nangyayari sa paligid niya.