"Ilang beses ko bang kailangan sabihin sayo Jay na kada aalis ka you need someone to accompany you. Pano nalang kung may nangyari sayong masama don sa coffee shop?" pangaral ni Hera my manager na nag sisilbing ate ko narin.
Tumayo ako at lumapit sa kanya "Sorry ate okay, I just need space. Sa lahat ng tao ikaw ang mas nakaka alam na nakakapagod sa loob ng industry. Gusto ko lang naman ng kape".
While ordering coffee earlier hindi ata naging effective yung disguise ko at dinumog ako ng mga tao. Hindi ko tuloy nakuha yung order kong kape.
Masama ang tingin sakin ni ate Hera at dali dali naman akong tumakbo dahil alam ko na ang gagawin nya. Binato nya ang unan at buti nalang naka iwas ako.
"Eh siraulo ka pala kung gusto mo ng kape edi sana pinagtimpla nalang kita!".
Hindi ko alam kung san kinuha ng isang to ang confidence na pag timplahan ako ng kape. "Hindi masarap ang timpla mo! muntik ako mamatay the first time i tried your coffee".
"But seriously Jay. Be careful next time. Anong point ng mga pinapa sweldo mong body guard if wala sila sa tabi mo? think about it their are crazy fans out there that are capable of hurting you because of eagerness".
Tumango ako nag paalam na sakanya uuwi na.
Ito ang hirap sa loob ng industria. Wala kang kalayaan. Lahat ng mata ay nakatingin sayo. Hindi mo magawa ang mga bagay na nais mo. Ni pag punta nga lang sa isang coffee shop hindi ko pa magawa.
I wonder if hindi ko tinanggap ang offer before to be here what would be my life be. Tinaboy ko ang palaisipan nayon at nag maneho nalang papalayo. Sa lugar na tila payapa ang lahat.
Kumatok ako ng dalawang beses at pinag buksan naman ako ng kapatid ko. "Where's Mama?" Umirap sya sakin at umupo sa sofa.
"Sa tingin mo asan sya? Hindi ka na nasanay kuya. Edi nasa bagong lalaki nya". Rinig ko ang pait sa boses ng kapatid ko at naiintindihan ko din naman sya. Hindi na nag bago si mama. Simula nung nag kasakit ang papa namin don sya nag simulang mag palit palit ng mga lalaki.
I was mad at her dahil hindi nya manlang nirespeto ang papa ko na nakaratay nalang sa kama nag aagaw buhay at sya nagawa nyang humiga sa kama kasama ang iba't ibang lalaki.
Namatay si papa at kami nalang ni Joy ang laging magkasama. Ang hirap ng buhay hindi namin magawang kumain ng tatlong beses sa isang araw. Ewan ba kung bakit hindi manlang kami magawang bigyan ni mama ng pera kahit pang kain lamang.
Nag hanap ako ng trabaho at napaaral ko ang kapatid ko ng gumaan ang lahat ng kahit konti don naman nag kasakit si joy.
Pasuko na ako sa mga panahon nayon pero mabuti at dumating si ate Hera na tinulungan akong mag karoon ng trabaho na siguradong mag babago ang buhay ko.
At nag bago nga ng tuluyan.
"Nakita ko yung news kanina. Really?"
Dumiretso ako sa counter at nag timpla ng kape ko.
"Magaling kang mag timpla ng kape pero need mo pang pumunta sa isang coffee shop? anong point ng mga gamit mo dyang pantimpla kuya?"
inabutan ko sya ng latte at umupo sa tabi nya
"Ewan din ba. Tinatamad lang talaga ako mag timpla kanina kaya naisipan kong bumili nalang"
Hindi na nya ako pinansin at bumalik na sa panonood.
"Where the hell are you Jay!" Napalayo ako sa cellphone ko ng sagutan ko ang tawag ni ate Hera "baka nakakalimutan mong shoot ka ngayon hello! you're 30 mins late. Nakakahiya sa mga tao dito"
Bumangon ako sa kama at iniwan ang phone sa desk. Hindi ko pinatay ang tawag at hinayaan lang si ate na mag salita doon.
I was like flash because i was now in my car and driving my way to the venue of my shoot. "Ate Hera will literally kill me after this"
Sa kakamadali kong bumawa hindi namalayan sa may tao kaya nabunggo ako dito at parehas kaming napasalampak sa semento.
"Kingina, ang sakit" Rinig kong ngiwi nya at dali dali ko naman syang nilapitan at aalalayan sanang tumayo. Pero tinabig nya lamang ang kamay ko at hindi manlang ako tinapunan ng tingin. "Sa susunod lumingon ka sa pupuntahan mo" saad nya bago umalis.
I was dumbfounded for a couple of seconds at nagising lang ako sa ring ng phone ko.
"Jay!!" Napalingon ako sa pinto ng building at nakita ko don si ate Hera na nakatayo at naka pamaywang.
"I'm dead"