CHAPTER 3

2546 Words
Megan's Pov: Andito ako ngayon sa office at subsob sa trabaho dahil sa planong expansion ng Company sa BGC, nasa kalagitnaan ako ng pag-rreview ng mga papeles ng marinig kong may kumatok sa pintuan at doon ay pumasok ang aking secretary. "Ma'am you have an invitation from Ms. Yvette Sanchez." Saad nito at inabot sa akin ang invitation card na kulay gold, binuksan ko ito at doon ko nakita ang card na may nakalagay na Yvette's 50th Birthday Party. Tila napahawak naman ako sa aking sentido at hindi ko malaman kung sasakit ba ang aking ulo o matatawa, paano ba naman ay tila 18th birthday party ang nasa card, andon ang malaking picture ni Ms.Yvette at nakagown pa, wala naman kaso sa akin ang mga ganito pero iba pa rin pala kapag nakita mo na ng personal. "Are you planning to attend Ms.?" My secretary asked. "I need to, dahil dapat natin siyang makuha na investor so as much as I don't want to, I need to go." Sabi ko naman sabay buntong hininga. Tinignan ko ulit ang invitation card; next week na pala ang party niya kailangan ko na magbook ng apointments sa salon and to buy my outfit. WEEK passed at eto ako ngayon nasa salon habang ang isa ay inaayos ang aking buhok at ang isa naman ay nagm-make-up sakin, tinignan ko ang sarili sa salamin at hindi maipagkakaila ang eyebags ko na lubog na lubog, ilang araw na kasi ako walang maayos na tulog dahil sa dami nang gawain sa office. "Ms. Okay na po ang hair at make-up niyo, pwede na po kayo magpalit ng damit." Sabi ng hairdresser sa akin. "Okay, thank you." Sabi ko naman at tumayo na para pumunta sa loob ng restroom, malawak ang loob nito at may malaking salamin kaya naman tamang-tama lang na dito na ako nagpalit. Sinot ko ang white na silk bodycon dress at ganon na lamang ang relief ko ng makita na maayos pa ang estado ng katawan ko. Kung hindi lang tatanungin ang aking edad ay tiyak na mapagkakamalan akong nasa 20's lamang dahil sa aking katawan, hindi kasi talaga ako tabain at noong dalaga pa ako ay inaalagan ko ang aking katawan. Umikot pa ako ng bahagya upang tignan ang aking kabuuhan at napansin ko na medyo nakikita pala ang aking cleavage dahil sa suot, hindi naman ito ganon kalakihan ngunit hindi rin naman ganon kaliitan, nasa katam-taman lang. Umupo naman ako sa isang upuan sa loob ng restroom at tayaka sinuot ang aking 2 inches heels, hindi kasi ako sanay sa mataas na taking baka matapilok pa ako sa party ni Ms. Yvette, ini-isip ko palang nakakahiya na. Matapos kung mag-ayos ay sumakay na ako sa kotse at nagdrive papunta sa venue, hindi ko na inabala pa ang sarili na kumuha ng driver dahil kaya ko naman pumunta doon ng mag-isa. Sa kabutihang palad ay hindi traffic kaya nakarating ako ng maaga sa venue, doon ay sinalubong ako ng isang staff at agad ko naman kinuha ang invitation card sa purse kong dala at agad itong pinakita sa kanya. Pagpasok ko sa loob ay sobrang ganda ng venue, hindi mo aakalain na isang 50 years old na matandang dalaga ang nag-ccelebrate ng kaarawan. "Ms. Montefalco? This way please." Sabi ng staff na nag-approach sakin kaya naman agad ko siyang sinundan at dinala niya ako sa isang round table at nakita ko ang pangalan ko doon kaya naman agad akong nagpasalamat sa staff at dali-daling umupo. Tinignan ko ang mga katabi kong upuan ngunit walang nakalagay na pangalan kung sino ang makakatabi ko, baka wala. ILANG minuto lang ang nakakakilipas at narininig ko ang dagundong na music kasabay ng pagdilim sa kalahati ng venue at ang spotlight ay nasa stage. Mukhang magsisimula na ang party. "Good evening ladies and gentleman, today we have a beautiful woman who celebrates her birthday today. Let's welcome Ms. Yvette Sanchez" pagkatapos na pagkatapos sabihin ng host ang mga katagang iyon ay bigla nalamang may dagundong na music kasabay ang confetti na sumabog sa buong stage, at doon nga ay lumabas si Ms. Yvette na ball gown pa na pink habang nasa tabi niya ang makisig na lalaki na hindi ko pa gaano masilayan ang mukha dahil natatakpan ito ni Ms. Yvette, pero ganoon nalang ang gulat ko nang makita na ang lalaking escor nito ay si James. Nanlaki ang aking mga mata at tila hindi maproseso sa aking utak kung anong ginagawa ni James sa lugar na ito at lalong anong ginagawa niya sa tabi ni Ms. Yvette na ngayon nga ay malambing na nakatingin dito. Parang gusto ko ata masuka. "Thank you guys for coming to my birthday party, I really appreciate the effort and time that you gave to me." Sabi ni Ms. Yvette habang bahagyang hinaplos ang braso ni James. Tinignan ko naman ang reaction ni James na akala ko ay makikitaan ko ng disgust sa mukha pero hindi, ayon siya at matamis na nakangiti sa matandang dalaga. Matapos ang mahabang speech ni Ms. Yvette ay agad naman itong bumaba kasama ang escort niya at nakikipag-usap sa kanyang mga bisita. Nang may makita ako na waiter na may dalang tray ng wine ay agad ko itong tinawag at kumuha ng isang basong wine at agad kong nilagok ito. Hindi ko alam pero bigla nalang ako nawala sa mood, marahil sa pagod sa trabaho dahil ilang araw na ako walang maayos na tulog. Tatawagin ko pa sana ang waiter na may dalang mga wine pero hindi ko na nagawa dahil nakita kong papalapit na sa pwesto ko si Ms. Yvette na may malawak na ngiti habang nakangiti sa akin kasama si James. "Hello Ms.Montefalco, I'm glad nakapunta ka sa party ko." Nakangiting sabi nito at agad naman akong bineso. "Ofcourse, why would I miss this opportunity." Plastic ko naming sabi habang nakangiti, kung hindi ko lamang ito kailangan para sa expansion ng Company ay hindi ako dadalo dito. "Sinong kasama mo dito? Mag-isa ka lang ba or do you have an escort?" tanong nito na siyang kinainis ko pero pinigilan ko ang aking sarili. "No, I don't have an escort kasi kaya ko naman mag-isa." Sabi ko dito sabay ngiti, pasimple ko namang tinignan ang braso niya na nakapulupot kay James, agad ko namang inalis ang tingin doon at hindi sinasadyang napatingin sa lalaki na ngayon nga ay nahuli kong nakatingin rin pala sakin, kinunutan ko ito ng noo dahil napansin kong gumagala ang kanyang mga mata sa aking katawan na siyang ikinapula ng mukha ko. Napansin ata ito ni Yvette dahil narinig ko siyang tumikhim at mahigpit na kumapit sa lalaki. Linta yan? "Uhm, let me introduce to you my escort, James." Pakilala niya sakin kay James. Nakita kong nakalahad ang kamay ni James sa aking harapan at kahit na gusto ko man na hindi ito tanggapin dahil sinabi ko nga dito na hinding-hindi magkkrus ang landas namin ngunit parang binibiro ako ng tadhana. "I'm Megan Montefalco, nice to meet you." Sabi ko dito habang pilit na ngumiti, hindi lingid sa aking paningin ang pagngisi niya. Mukhang tinatawanan ako ng gago. "Nice to meet you too." Nakangising sagot naman nito sa akin habang hindi pa rin binibitawan ang aking kamay. Narininig ko ang pagtikhim ni Yvette kaya namana gad kong tinanggal ang pagkakahawak sa kamay ni James. "So, uhm is he, is he your boyfriend?" nag-aalangan na tanong ko, pinilit kong hindi ipakita ang pagkadisgusto sa aking mukha. Nakita ko naman ang pag-aliwalas ng mukha ng babae at lumingkis ulit kay James at nagawa pang ipatong ang kanyang ulo sa balikat ng binata. "Not yet, nasa getting to know each other stage pa kami." Tila kiniilig na sabi nito, agad naman napakunot ang aking noo dahil sa sinabi nito na agad ko namang inayos dahil baka mahalata pa ako. "Getting to know each other?" tila hindi makapaniwalang tanong ko dito, nagatatakang napatingin naman ako sa binata pero tila blanko ang mukha nito. "Yes! Kahired ko lang sakanya last wee—I mean, kakakilala lang namin last week so nasa getting to know each other stage pa kami." Sabi ni Yvette, medyo nagtaka naman ako sasabihin niya na hindi na niya naituloy pero nevermind, wala naman akong pake sa kanila. "Ay ganon ba, well, it's nice na finally you have someone." Sabi ko pero sa totoo lang ay labag ito sa kalooban ko dahil kung titignan sila ay mukha na silang mag-nanay. Matapos ang pag-uusap ay agad silang umupo sa katabing upuan ko, kaya pala walang pangalan dahil sila pala ang uupo dito. Kung minamalas ka nga naman, makikita ko pa ang paglalandian nila sa harapan ko. Nilibang ko ang aking sarili sa panonood sa mga program ngayon sa stage, Mabuti na lamang at nakaka-entertain ang mga ito kaya medyo nabawasan ang pagka-bad trip ko sa dalawang katabi. Ilang minute lamang ay may dumating na waiter at hinatiran kami ng aming pagkain, matapos ko magpasalamat ay agad kong nilantakan ang pagkain dahil mukhang masarap ito. "Wait guys, I'll just go the restroom." Rinig kong paalam nis amin ni Yvette, as if naman may pake ako. Pinagpatuloy ko lamang ang pagkain, medyo bardagol talaga ako sa tuwing kumakain madalas akong sawayin ni Mommy dahil dito pero nakalaunan ay sumuko na rin at hinayaan ako. Isusubo ko na sana ang last bite sa aking plato ng biglang nahulog ito damit ko, sa kinamalasan nga naman ay sa bandang dibdib ko pa nalaglag kaya naman halatang-halata ang stain nito. Tumingin ako sa table kung may tissue pero wala, luminga-linga pa ako ngunit wala naman akong makita waiter na available. Nagulat ako ng may naglahad ng itim na panyo sa aking harapan at ng tignan ko ito ay galing ito kay James. "Take it." Sabi nito kaya naman wala sa sariling kinuha ko ito. "S-salamat." Sabi ko sabay punas ng panyo sa aking damit na may dumi, kahit anong gawin ko ay nagstay talaga ang mantya sa aking damit mabuti sana kung maliit lang ito pero hindi, masyadong halata dahil puti pa naman ang damit ko. Tatayo na sana ako para pumunta sa restroom pero nagulat ako ng may magpatong ng coat sakin. Si James yung nagpatong ng coat sakin at tatanggalin ko n asana ito ngunit pinigilan niya ako. "Wag mo na tanggalin yung coat para matakpan yung mantya." Sabi nito habang hawak ang pulsuhan ko na kanina ay akmang tatanggalin ang coat niya. "Pero paano ka?" tanong ko dito habang nakatingin sa kanyang suot, nakaputing longsleeve at loose necktie ito. "Okay naman yung suot ko, hindi naman ako nakahubad." Balewalag sabi niya sabay kuha sa baso at uminom doon. Napaiwas naman ako ng tingin dahil kitang-kita ko kung paano gumagalaw ang kanyang adam's apple sa bawat paglagok. "Thanks, ibabalik ko nalang ito mamaya pag-uwi." Sabi ko naman, hindi na ako nakarinig ng sagot sa kanya at maya-maya nga lang ay bumalik na si Yvette sa upuan. Nakita kong tumigil ang kanyang mga mata sa coat na nakapatong sakin sunod kay James na ngayon nga ay putting polo at loose tie ang suot. "Why are you wearing his coat?" mataray na sabi ni Yvette, sasagot na sana ako pero naunahan ako ni James. "Natapunan kasi ng pagkain yung damit niya, puti pa naman at mahirap matanggal kaya pinahiram ko muna sakanya yung coat." Mahinahon na sabi ni James sabay kuha sa kamay ni Yvette at iginayak ito sa pag-upo, agad namang pumulupot ang mga kamay ni Yvette sa lalaki habang nanlilisik ang mga matang nakatingin sakin. Palibhasa menopausal na kaya parang teenager kung makaasta. Maya-maya lamang ay nag-announce ang host na magkakaroon ng dance time, kaya naman lahat ng gusting sumayaw ay maaring pumunta sa malawak na dance floor. Kita ko ang mga lalaki na nagsisipuntahan sa mga babaeng gusto nilang isayaw at syempre hindi nagpahuli ang dalawa kong katabi. "Shall we dance?" rining kong tanong ni James kay Yvette na siya namang ikinagalak ni Yvette at dali-daling pumunta sa unahan para sumayaw. Sinundan ko naman ng tingin ang likod ng dalawa hanggang sa hindi ko na sila makita dahil natabunan na gawa ng ibang tao. Inayos ko ang pagkakasuot ng coat sa aking sarili at kinuha ang glass wine na kinuha ko kanina at inisang lagok ito. "Woah, are you planning to get drunk in here?" rining kong sabi ng hndi ko kilalang lalaki na biglang sumulpot sa tabi ko at ngayon nga ay naka-upo na sa kina-uupuan ni Yvette kanina. Tinapunan ko lang ito ng tingin at agad binalik ang mga mata sa mga taong maalmbing na sumasayaw. "You want to dance?" tanong nito kaya naman kunot noo ko itong tinignan. "Pwede ba kung manggugulo ka lang umalis ka sa harap ko." Sabi ko dito at inalis ang tingin. "Come on, huwag ka sumimangot sayang naman ang ganda mo." Sabi naman nito kaya unti-unting inalis ko ang kunot noo sa mukha. "Well, I guess it's a cue. Shall we dance?" tanong ulit nito, aayaw na sana ako pero mukhang makulit ang isang ito at hhindi titigil kung hindi mapagbigyan. "Okay." Bored na sagot ko at inilahad niya ang kanyang kamay sa harap ko kaya naman tinanggap ko iyon at naglakad kami papunta sa unahan. Pagdating doon ay agad niya akong hinapit sa bewang na siyang ikinagulat ko kaya naman pasimple akong lumayo sakanya para hindi masyado magdikit ang katawan namin, unti-unti ko naman inilagay ang aking kamay sa kanyang balkat at dahan-dahan kaming sumayaw. "You look gorgeous right now, what's your name?" tanong nito sa akin. "Megan Montefalco" maikling sagot ko dito. "Beautiful name, just like you." Saad naman nito kaya kinunutan ko siya ng noo. "Hindi mo ba tatanungin yung pangalan ko?" tanong ulit niya sa akin. "Nope, I'm not interested." Sagot ko naman. "It hurts huh, pero since I'm a persistent man I'll tell you who I am." Sabi niya at tumikim "I'm Clark Montes, single and ready to mingle." Pagpatuloy niya sabay humalakhak. Naputol ang kanyang pagtawa ng bigla siyang mabuwal sa kinatatayuan dahil tila may bumangga sa likuran niya, buti nalamang at naalalayan niya ako. "What the heck!" inis na sabi ni Clark at tumingin sa nakabangga sakanya. Si James. "I'm sorry, I didn't mean to." Rinig kong sabi ni James pero parang hindi naman bukal sa loob nito ang pags-sorry dahil tila nakakunot ang mga noo nito at ang kilay ay magsasalubong na. "Next time, watch where the f**k you're going." Inis na sabi naman ni Clark sabay hawak sa pulsuhan ko para bumalik sa kinauupuan namin kanina. Halata pa rin sa mukha nito ang inis pero hindi ko alam kung dapat ko ba siya i-comfort o ano. Maya-maya lang ay may tumawag sa cellphone niya at bago sagutin ay nagpaalam muna sakin na agad ko namang tinanguhan. Matapos ang ilang minute ay wala pa rin si Clark, nag-announce na rin ang host na malapit na matapos ang party kaya naman inayos ko ang aking sarili at binabalak na na maunang umuwi. Kinuha ko ang aking purse at hinubad ang coat ni James at isinampay sa kina-uupuan niya kanina at lumabas na nang venue. Magm-message nalang siguro ako kay Yvette na nauna na akong umalis para hind magmukhang bastos. Pumunta na ako sa garahe kung saan nandon ang aking sasakyan at nagsimula na akong mag-drive paalis sa venue.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD