CHAPTER 1
Elice Jhanielle Montelava's POV.
"EJ!!! bumaba kana jan, kakain na niyeta malalate tayo niyan eh!"
Kahit kailan 'to si Aimee ang ingay ingay mang gising eh! Inaantok pa 'kooooooo! Ayoko pang tumayo, kaso malelate kami hayst.
Inayos ko na ang pinag-higaan ko at hinanda na ang p'wede kong suotin ngayon. Civillian lang kami ngayon ni Aimee dahil transfer kami at wala pa kaming uniform. Kumuha ako ng white over sized shirt at black maong pants, hinanda ko na rin ang black rubber shoes na gagamitin ko pati na rin ang bag na dadalhin ko. Nang mahanda ko na lahat, dumiretso na ako sa banyo para maligo. Pag katapos ko maligo syempre nagbihis ako at kinuha ang cellphone ko na naka charge pa tiyaka bumaba.
"Tsk tsk, first day na first day natin baka ma-late tayo!"
Ingay.
"Tss, bilisan na lang natin kumain Aimee ok? Ang ingay mo! Aga aga."
Hindi niya na ako pinansin at kumain na lang.
7am na, 8:30 ang klase namin, magkaiba kami ng section ni Aimee, siya ay section 3 at ako naman ay section 2, first day namin pareho dahil nga transfer kami. Section 1 kami pareho roon sa previous school namin kaso napag desisyonan naming lumipat ng school dahil nalaman ng mga magulang ko yung dati naming tinutuluyan, at ayoko silang makita hehe. Matagal ko nang kasama si Aimee sa buhay, may kaya sila sa buhay gano'n din naman ako, pero ayokong humingi ng tulong o kahit anong sustento sa kanila dahil baka isumbat nila sa akin 'yon. Makulit lang ang mga kapatid ko at ayaw akong pagtrabahuhin, dahil doon, sila ang nagsusustento sa akin. Gano'n din ang mind set ni Aimee, ang pag kakaiba lang namin ay, okay sila ng pamilya niya, pero ako? Hindi kami okay.
-,-
"Ako na mag huhugas ng pinggan, mamayang gabi ikaw ah? 'Wag madaya!" Sabi ni Aimee
"oh sige sige, una nako don sa labas ah? Ayusin ko lang bike naten."
"Sige sige"
Inayos kona yung bike namin at inaantay ko na lang ngayon si Aimee.
"Tara na?"
"Arat"
Masarap sa feeling ang mag bisikleta papasok sa paaralan, malamig lamig pa ang hangin. Sabay kaming napahinto ni Aimee nang makita namin ang gate ng bago naming papasukan
"Mas malaki pala 'to sa personal Ej!"
Nanlalaki pa ang mata niya habang nakatingin sa gate Hahahaha. Malaki kasi talaga, gate pa lang eh parang mansyon ang papasukan namin, pag pasok sa gate may makikita kang tatlong building, yung isa pang 1st year at 2nd year, yung isa naman para sa mga 3rd year at 4th year yun yung nasa gitna na building, tapos yung nasa kanan ay para sa college.
"Cryptopia International School" pagbasa pa ni Aimee habang nakatingin sa gate. "Nice!" Na eexcite pang sabi niya. "Hoy ano! Titignan mo lang yan? Tara na!"
Ang ingay talaga.
Pagkapasok namin ng gate ay binati kami ni manong guard, katabi ng guard house ang mga nakaparadang bisekleta.
"Uy Ej, akala ko eh tayo lang ang may bisekleta sa ganito kalaking paaralan hahahahahaha myghad!"
"Wala naman sa size 'yan ng school engot neto, yung iba nga eh naglalakad pa."
"Sabagay hahahaha, bili kaya tayo kotse? Hahahaha o kaya hihingi na lang ako kay mama" sambit pa ni Aimee habang tinitignan ang mga nagpaparadang estudiyante ng kani-kanilang sasakyan.
"Tara na" irita kong aya sa kaniya.
Natapos na naming iparada ang bike namin at hinanap na agad kung nasaan ang Dean's office at Guidance office. Malaki talaga ang paaralan na ito, at naka bukod pa ang building kung nasaan ang office ng mga teacher. Dumiretso kami sa Dean's office upang malaman namin kung saang room kami, meron silang 5 sections kada year at iba ibang floor pa kada section! Wow big time! Nasa 3rd floor ang room ni Aimee at ako naman ay nasa 4th floor ang room ko, winelcome pa kami ng Dean at sinabi samin na pagkatapos pa ng 2 weeks namin makukuha ang uniform namin. Pagkalabas sa Dean's office ay naglakad na kami papasok sa building ng 3rd year at 4th year.
"Oh pano bayan? Sa taas kapa dito nako? Hahahah babyee! Chat moko kung same tayo ng lunch break hehe."
saya naman nito, sana all friendly para hindi ma o-op hayst! Eto ayaw ko pag transferee eh.
"Tss oo na sige na, bye."
"Sungit mo uy! Mamimiss mo den ako! Hahahaha"
-,- baliw.
"Bye" huling sabi ko at tiyaka umakyat na papunta sa room ko.
Habang papunta ako sa room ko, may mga nakakasabay akong estudyante, hindi ko maiwasan ang mailang dahil sa mga tingin nila. Siguro dahil sa suot ko,
tss ngayon lang ba sila naka kita ng transferee?
Maganda ang uniform sa school na 'to. Long sleeve na polo na may neck tie na red at palda na checkerd na red din, sa lalaki naman pants na red.
Nice color, I love red haha.
May apat na room lang dito sa 4th floor, siguro gano'n din sa ibang floor? Hehe. Ang dalawa, para sa 3rd year section 2 at ang dalawa sa 4th year section 2, kaya dalawa ang room, dahil ang isa ay Scie. Lab. Nasa dulong dulo ang Scie. Lab ng 4th year kasunod non ang room na papasukan ko. Binilisan ko na ang lakad ko at ng nasa pintuan na 'ko, sabay sabay pa silang napatingin sa' kin, ang iba naka-ngiti, meron ding nag-tataka, at meron ding mukang manyak.
Jeez.
Dahan dahan akong pumasok pero may isang babae na humarang sa'kin.
"Hello! Ako si Aster C. Santoa, President of the class!"
Nakangiting bati sa'kin ng babae na 'to habang naka abot pa ang kamay sakin na parang gustong makipag shake hands.
"Ah Hi, My name is Elice Jhanielle Montelava, transferee" pagpapakilala ko at inabot den ang kamay ko sa kniya para makipag shake hands.
-,-
"Hmm nice meeting you!" Tinanguan ko lang siya.
Hindi nice sa'kin.
"Ahmm may upuan pa ro'n sa dulo, dalawa 'yon pili ka na lang kung saan mo gusto umupo hehe." Naka ngiti pa ring turo niya ro'n sa may dulo sa tabi ng bintana na kita ang mga dumadaang estudiyante.
"Ah h-hehe sige, salamat" sabi ko at ngumiti nanaman siya ng napaka laki.
^___^
Tss, first time ata talaga nila makakita ng transferee eh, papunta ako sa upuan ko at nakasunod parin ang mga mata nila sa'kin. Naupo ako sa may tabi ng bintana kung saan kitang kita ang mga estudiyante na naglalakad.
Kasalukuyan akong nakatingin asa labas ng bintana nang may kumalabit sa'kin.
"Hi!"
O__o close tayo??
"A-ah hello." Bati ko rin.
Tss sino ba 'to? Nag mumuni muni ako eh!
"Ako nga pala si Rhyjeil C. Santoa hehe ^__^" nakapangulambaba pa siya tapos nakangiti sa harap ko.
"Hi R-Rhyjeil hehe" -,-
Pake ko sa inyo.
"Kapatid ko yung class president ^__^" naka ngiti pa ring sabi niya.
Kapatid mo pala 'yon? Kaya pala pareho kayong masiyadong Friendly.
"Ah gano'n ba? Sige."
"Sunget hahahaha" sabi pa nung lalaki at tumayo na tiyaka pumunta sa upuan niya.
Ayoko makipagkilala ano bang pake niyo huhu.
Pinag masdan ko ang kabuoan ng room. Light blue ang kulay nito, halatang napaganda na nila to first grading pa lang (2nd grading na kasi) hele-helera ang bangkuan namin may sampung tao kada row, may limang row 'to, naka upo ako sa dulo ng first row 9 lang kami dito kasi wala pa akong katabi.
Salamat naman at wala -,-.
Biglang namang may estudiyante na nagtatatakbo papasok ng room namin at sumigaw ng...
"GAGO ANJAN NA SI MISS!!!!"
Tss akala ko sa lower section ko lang naririnig yan hahahahahah. Mabilis silang nakapag ayos ng bangkuan at naupo sa kani-kanilang upuan.
Wow, in just a matter of seconds hahahahaha.
Nang nakaupo na ang lahat, mayroon ng babaeng pumasok sa room namin, yan na ata si Miss, siguro nasa 30+ lang 'to? Maganda siya at may katangkaran, maputi din siya.
Hihi Pretty.
"Good Morning class" malumanay na bati niya.
"GOOD MORNING MISS CIEN!" Masayang bati naman nila. Tumayo lang ako dahil tinatamad ako magsalita at isa pa, hindi ko naman kilala yan tss.
Pero ngayon kilala na, Miss Cien pala hahaha.
"Tama ba yung nabalitaan ko na may transferee? At dalawa pa?" Tanong ni miss, hindi ako kumikibo tss nakakatamad magsalita.
"Yes miss, pero section 3 po yung isa." Sagot ni Aster, yung class pres.
"Ah gano'n ba? Asan yung transferee?" Tanong pa ni miss habang nililinga linga ang paningin niya.
Tumayo naman ako at nginitian siya.
"Hmm please introduce yourself, here in front of them."
Aish! I hate this!
Naglakad na 'ko papunta sa harapan at nakasunod naman ang mga tingin nila sa akin.
"Hi everyone, my name is Elice Jhanielle Montelava, 16 years old, I'm from Jade University in Manila, I hope that I'm welcome to this section, Thank you." Pagpapakilala ko sa kanila, at kitang kita naman sa mga reaksiyon nila na natuwa sila hihi.
"So you're from Manila?"
Ulet ulet sinabi kona kanina diba?
"Yes miss" walang gana kong sagot.
"May I ask, why you decided to go here in Cavite?" Tanong ni miss na halatang interesadong interesado.
"Personal reasons miss, I'm sorry." Sagot ko dahil ayokong sabihin, or should I say, I'm lazy as fck.
"Ow, okay, you may sit now." Sabi ni miss at niyukuan lang siya tiyaka dumiretso na sa upuan ko.
English Teacher si miss. Nakuha na rin kasi namin kanina sa Dean's office ang schedule namin kaya alam ko na first subject ko ay English, then Filipino, tapos ay Math then 1 hr. Vacant sunod ay Science, sunod sa Science ay Araling Panlipunan then Values at huli ang T.H.E.
"Ms. Montelava, bago ako lumabas ay may ibibigay ako sa'yo, paki review na lang ha? Lesson namin 'yon noong first grading." Sabi ni miss sa' kin.
"Sige po, thanks." Sagot ko.
Nagle-lesson na si Miss Cien sa harapan, at seryoso, WALA AKONG MAINTINDIHAN lumilipad ang isip ko sa hindi malamang dahilan! Naka tingin lang ako sa labas ng bintana, wala nang dumadaang estudiyante dahil 15 mins. Na magmula nung magsimula ang klase. Tanging gumagalaw na lang na sanga ng puno dahil sa hangin na lang ang pinagmamasdan ko.
Ngunit nakaagaw ng pansin ko ang isang lalaking naglalakad ngayon sa koridor, siguro ay kaklase ko 'to dahil eto na lang naman ang huling room dahil sunod dito ay Science laboratory na, pero amg tibay! Ano 'to late?! maya maya pa ay tama nga ang hinala ko, dahil sabay sabay napatingin ang mga kaklase ko sa biglaan niyang pag bukas ng pinto!
"Mr. Reyes! Late ka nanaman?! Tsktsk" galit na sigaw ni Miss!
'Nanaman'? So na late na to? Tibay.
"Good morning Miss, I'm sorry I'm late." Walang ganang sabi nung Reyes daw!
At hindi na inantay ang sagot ni Miss, naglakad na siya papunta dit- what?
PAPUNTA SIYA RITO!
Tumingin tingin ako sa paligid, wala ng sobrang bangko! So dito nga siya uupo, sa tabi ko!
Ngayon ay nasa harapan ko na siya.
Wala bang balak maupo to? Ano tititigan niya lang yung bangko? Tss.
Pinili kong wag na siyang lingunin, damang dama ko na naka tingin ni lahat ng kaklase ko pati na rin si miss!
"Mr. Reyes! Ano pang hinihintay mo? Pasko? Maupo kana!" Sigaw nanaman ni Miss Cien!
Napatingin ako kay miss at dahan dahang tumingin do'n sa Reyes, saktong pag tingin ko ay nagtama ang paningin namin
O__o *__*
Ano ba to? Titigan na lang kami?
Nagulat ako ng ngumisi siya at tiyaka nilapag ang bag niya sa lapag at naupo na sa tabi ko. Napatingin naman ako sa paligid ko taka ko sila tinignan isa isa.
Bakit paramgy gulat na gulat 'tong mga to? Tss wirdo.
Tinuon ko na lang ang atensiyon ko sa labas at pinagmasdan ang puno.
"First day mo diba? Wala agad sa klase ang atensyon mo, tsk tsk tsk." Sabi nung katabi ko na si Reyes, simabi niya yon ng hindi man lang ako tinignan!
"Pake mo!" Inirapan ko siya at tumingin ulit sa bintana
"Haha, sunget psh."
Pakialamero amp. Sapakin kita jan.
-,-
CHAPTER 2
Aimee Jain Kim's POV.
Naglalakad na ako ngayon papunta sa room ko, karamihan sa mga estudiyanteng nakakasalubong ko ay tinitignan ako.
Siguro dahil sa naka civillian ako? Hahahaha ngayon lang ba sila naka kita ng transferee? Psh. Ganito rin kaya nasa isip ni Ej?
Pinagpatuloy ko na lang ang paglalakad ko papunta sa room. Nang makarating na ako sa pintuan ng room ay may sumalubong na agad sakin!
"Helloooooo!!!!" Parang tangang bati sa'kin ng kung sino man 'tong lalaki nato -,-
"A-ah hi ^__^" nginitian ko siya kasi anlaki laki ng ngiti niya sakin!
"Uy! Ngayon nga pala dating nung transferee diba?!"
"Hala oo nga! Dalawa raw 'yon eh ba't isa lang 'yan?"
"Tanga! Mag kaiba kasi ng section!"
"HAHAHAHAHAHHAHA"
Malakas na usapan ng mga estudiyante sa loob ng room na 'to, or should I say mga kaklase ko.
"Huwag mo sila pansinin, sa' kin ka lang tumingin."
0__0??????
Baliw ba 'to? Hahahahaha o na attract na agad to sa kagandahan ko?
HAHAHAHAH MYGHAD I'M SO PRETTY.
"Ah ha-haha" natawa na lang ako kunyari.
"Ako nga pala si Lhorence-- Lhorence Reyes. " pagpapakilala ng lalaking nasa harapan ko ngayon.
He's kinda cute.
"Ah, ako naman si Aimee Jain Kim." Pag papakilala ko naman.
"Tara! Doon ka na lang tumabi sa'kin, wala namang naka upo ro'n eh hehe." Pagkasabi ni Lhorence non, hinila niya ako papunta sa upuan na sinasabi niyang bakante.
Ano ba 'to? Feeling close masiyado eh! Or friendly lang siya?
Tsktsk wag ka maiinlove sakin ah? Masama ako magmahal hahahahahahah!
"Yan! Dito ako nakaupo sa may bintana, pero kung gusto mo palit tayo?" Turo niya ro'n sa may tabi ng bintana.
Kita ro'n ay mga puno, hindi ang mga esudiyanteng dumadaan, kita rin ang asul na langit! At mukha talagang presko ang hangin!
"Ah p'wede ba palit tayo? Mas gusto ko kasi yung tanawin diyan at siyempre yung preskong hangin hehehe" request ko rito kay Lhorence.
"Sige sige" kinuha niya ang bag niya at nilipat sa katabi nitong bangko. "Oh ayan oh, upo kana hehe."
"Salamat ^__^" sabi ko ro'n sa Lhorence at naupo na rin.
Tinanaw ko ang mga puno pati na rin ang asul ba langit. Sininghot ko ang preskong hangin at napangiti.
Sana maging maayos ako dito sa bagong school nato. Hayst mukang friendly naman ang mga tao dito hehe.
Nawala ang ngiti ko nang maramdaman kong kanina pa may nakatingin sa'kim! Dahan dahan akong lumingon sa katabi ko at ayun! Nakatitig sa'kin 'tong Lhorence habang nakangiti pa!
"Lalo kang gumaganda kapag naka ngiti ka."
0__o??
"H-ha?" Takang tanong ko sa kaniya!
Sinabi niya kasi 'yon habang nakatingin pa rin sa'kin . Tsktsk ano ba trip nito? Pag 'to pinatulan ko tiklop to tsk!
"Seryoso, ang ganda mo." Dagdag niya pa! Jusko po.
"A-ha h-haha salamat." 'yon lang nasagot ko sa kaniya!
"Oy Reyes! Bagong bago 'yan nililigawan mo na agad!"
"Oo nga! Patagalin mo naman muna ng isang linggo HAHAHAHA."
"Ay nako miss delikado ka diyan! Marami nang nalokong babae 'yan!"
"Tigil na muna ligawan, andiyan na si Miss!"
Panunukso pa ng mga kaklase namin.
Tss marami nang naloko? Laro ba gusto nito? Hmm kung gano'n let's play! Hahaha.
Hindi ko na sila pinansin dahil may bigla nang pumasok sa room namin, Prof. Ata namin whew!
"Professor natin sa Math." Bulong sa'kin ni Lhorence, tumango tango naman ako.
"Good Morning class." Sabi nung prof.
"Good Morning Sir" sabi naman ng mga kaklase ko.
'yon na 'yon?
"Totoo ba ang balita na mayroong transferee? Tanong ng prof. Namin habang inaayos niya ang gamit niya sa table.
"Opo sir!"
"Babae siya sir! Maganda hahaha"
"Mukhang papalitan na natin muse naten hahahahaha!"
"Baliw hahahahaha"
At nagtawanan na ang buong klase, ako ay nandito sa dulo, hiyang hiya tsk!
Baka kalbuhin ako ng muse dito huhu kasalanan ko bang maganda ako?!
TT __ TT.
"Kuwayet!' Sigaw ng prof. Namin
Quiet yon 'wag kang ano!
"So, nasaan siya?" Tanong ni prof. At tumayo naman ako.
"Maganda nga ang transferee natin, hmm Can you please introduce yourself- here in front?" Nakangiting tanong sa' kin ni sir.
"Ah, yes po." Sagot at tiyaka pumunta sa harapan para magpakilala.
"Hello everyone! My name is Aimee Jain Kim, 16 years old. I'm from Jewel High School in Manila. Sana ay magkasundo tayo!" naka ngiting pagpapakilala ko sa kanila.
Sila naman din ay mga naka ngiti sa'kin. Hihi. Nagulat ako nang may biglang nag taas ng kamay.
"Hi miss p'wede mag tanong?" Tanong nung nagtaas ng kamay.
"You're already asking." Sagot ko at nagtawanan naman ang iba.
"Ah hehe, ito na nga, hmm bakit 'Kim' ang surname mo? May lahi ka bang Korean? Hahaha"
"Oo nga Aimee! Ba't Kim?
Tanong pa nung iba. Tsk!
"Ah yes po, Korean po lahat ng nasa father side ko hehe but my mother is a Filipina." Sabi ko. At sabay sabay silang nag 'Aaaahhhh.'
"Ohh interesting" nakangiti namang sabi ni sir.
"You may sit down now" dagdag niya pa.
At pumunta na ako sa upuan ko. Sinalubong naman ako ng malaking ngiti ni Lhorence! Tsk! ang creepy talaga nito.
"So you're a KoFina?" Nakangiting tanong sa' kin nito saktong saktong pag upo ko.
"Ha? Anong Kofina?" Takang tanong ko sa kaniya.
"Koryanang Filipina, KoFina! Hahahahahaha" sabi niya pa!
Praning amp. May nalalaman pang Kofina hahahahah baliw.
"Ah talino mo no? Tsk tsk makinig kana kay sir." Sabi ko sa kaniya at sumunod naman siya, naglabas siya ng notebook at nag take down notes.
Sabi ni prof. magsusulat lang daw muna kami, bukas daw siya mag lelesson, mahaba raw kasi kaya pina sulat niya muna para raw ma review na namin sa bahay. Natapos ako mag sulat, ang iba ay nagsusulat parin si Lhorence naman ay eto tulog! Ang siste ay sa'kim pa naka harap ang mukha niya!
Si Ej kaya? May 3 sub. Pa pagkatapos ng math ang vacant namin, eh ayon kaya?
Nilabas ko ang cellphone ko at hinanap ang no. Niya.
❤EJ NA MAY SAPI❤
AJ'
HOY! ano oras
Vacant mo?
EJ'
11:30, ikaw?
AJ'
Lah? 12:30 sakin,
Tss hindi tayo sabay?
EJ'
Ganon na nga,
Sige na bye baka mahuli
Ako ni Miss
Hindi ko na siya nireplayan, ano bayan! Wala akong kasabay kakain?? Mauuna siya sakin! Sino kasa-
"Sino ka text mo?"
Nagulat ako, at halos malaglag ang cellphone ko! Tinabi ko ang cellphone ko sa bag at hinarap si Lhorence.
"Kaibigan ko, tinanong ko lang ano oras vacant nila hehe." ba't ba ako nagpapaliwanag dito aarghh.
"Babae o lalaki?" Tanong niya pa, nakatingin siya ng diretso sakin, nakapatong ang ulo niya sa kamay niya.
"Babae- teka nga, bat tinatanong mo?!" Taka kong tanong sa kaniya.
"Ah babae, kaibigan, so wala kang boyfriend?" Nakangiti niya pang tanong.
O__o???????!!!!!! Anong pake mo?
"Wala." Sagot ko.
"Nag ka boyfriend kana?" Tanong niya pa rin! Ano ba to? Tatay ko?
"Hmm, wala, pero naging ka M.U marami, hehe. Ewan ko bakit eh 'wag ka nang magtanong, magsulat ka na lang okey?" Sabi ko pa kaya napatawa pa siya!
"Okay! Masusunod po boss!" Masigla niyang sabi at sumaludo pa sakin! Baliw.
Natapos na ang Math at sumunod ang ibang subject. Gano'n din ang nangyari, puro introduce yourself ang ganap ko! Tss.
.
.
.
.
.
Elice's POV.
Hindi kami magsasabay ni Aimee ng Vacant, sino kasabay ko? Muka akong loner dito haha.
Nag lesson si Ms. Cien, bago siya lumabas sakin ay may binigay siyang reviewer sakin para daw makahabol ako ng lesson. Ang Math naman nag-pasulat lang, bukas daw siya mag lelesson dahil mahaba ito. Ang scie. Naman naglesson, pero kagaya ng sa eng. Binigyan din ako ni Mrs.Valerdino ng Reviewer.
"That's our lesson for today, you may go." Sabi ni Mrs. Valerdino tiyaka naunang lumabas ng room.
Sabay sabay naman nag inat ang mga kaklase ko, ako ay inayos ang bag ko. Lumingon ako sa katabi ko dahil dama ko na nakatingin siya sa'kin. Nginitian niya lang ako tiyaka tumayo.
"Ezekiel Reyes, nice meeting you." Sabi niya at inabot ang kamay niya sa'kin, nakatingin naman ang mga kaklase namin samin na parang takang taka!
>>_
"Elice Jhainielle Montelava." Sabi ko at inabot din ang kamay ko, at nag shake hands kami.
Tapos no'n ay umalis na siya sa harapan ko. Tumingin ako sa mga kaklase ko na takang taka sa nangyari. Ako naman ay takang taka sa mga reaksiyon nila, tss. Hindi ko na sila pinansin at lumabas na ng room, hindi pa man ako nakakalayo sa room ay may tumawag na sa akin.
"Elice!"
Napalingon ako at nakita ko si Aster at Rhyjeil na naglalakad papalapit sa akin. Huminto naman ako at inantay sila.
"Wala kang kasabay mag vacant??" Nakangiting tanong sa'kin ni Rhyjeil.
"Meron sana kaso nasa section 3 siya, mamaya pa ang vacant niya." Sabi ko naman.
"Ay gano'n, sabay ka na lang sa'min!" Galak na galak namang sabi ni Aster.
"S-sige"
Bumaba na kami papuntang Canteen, kasabay kotong kambal.
Oo kambal sila! Magkamukha sila pero si Aster ay babae at si Rhyjeil ay lalaki, pero para talaga silang pinag biyak na buko! Haha cute.
Humanap lang kami ng uupuan at um-order na ng pagkain namin.
"Elice, Can I ask something?" Sabi ni Aster. Napatingin naman ako sa kaniya.
"Hmm?"
"Kilala mo ba si Ezekiel?" Tanong niya na pinagtaka ko.
"Oo" sagot ko.
"We?" Sabay nilang sabi ni Rhyjeil.
"Nagpakilala siya sakin kanina." Seryosong sabi ko. Natawa naman sa'kin si Rhyjeil.
"No, I mean kung magkakilala na kayo dati pa?" Tanong pa ulit ni Aster.
"Ah, hindi, kanina ko lang siya nakilala." Walang gana pang sabi ko at tiyaka sumubo.
Ng pagkain!
"Gano'n?! Tss eh bakit gano'n yon?" Takang tanong pa ni Aster sa sarili niya.
"Ba't?" Tanong ko.
"Alam mo bang ikaw lang ang transferee na kinausap nung lalaking yon?" Sabi ni Aster, at taka ko naman siyang tinignan.
"At ikaw lang din ang babaeng hindi niya pinaalis sa katabing bangko niya!" Dagdag pa ni Rhyjeil.
O__o?!!!!!
Ibig sabihin pinapaalis niya ang katabi niya? Eh ba't doon ako pinaupo no Aster kung alam niyang papalisin ako don?!
"A-h iniisip mo ba kung bakit doon kita pinaupo?" Tanong ni Aster at tinanguan ko naman siya. "Gusto ko kasing ayusin yung ugali ng Ezekiel nayon, at dahil mukha kang tahimik, baka magkasundo kayo, at mukang tama naman ako, nagpakilala pa nga sa'yo!"
O__o? Okey.
Hindi ko na sila pinansin at tinuloy na lang ang pagkain ko. Kasalukuyan akong kumakain nang mag vibrate ang cp ko. Si Aimee siguro to, tss. Sinagot ko yung tawag ni Aimee, sinenyasan naman ako ni Aster na ok lang na sagutin ko.
? On Phone....
"Oh?" Sagot ko.
"Sunget mo naman?! Nasa'n ka?"
"Nasa Cafeteria."
"Buti kapa! Huhuhu" sabi niya pa at umarteng umiiyak.
-,-
"Eh ikaw?! Diba may klase kapa? Ba't ka napatawag?"
"Wala pa yung teacher namin! Lagi daw talagang late 'yon. Teka! Andito na bye eli-"
TOOT TOOT TOOT....
Tss. Nilagay ko na ang cellphone ko sa bag ko at tumuloy sa pagkain. Natapos namin nila Aster ang pagkain.
"Tara na? Tapos kana diba?" Tanong sa' kin ni Aster.
"Ah oo, tara na." Sabi ko pa.
Umakyat na kami sa room namin at naupo sa pwesto namin. Nakatanghod nanaman ako sa mga estudiyang dumadaan sa koridor. Habang tinitignan sila ay biglang pumasok sa isip ko si Ezekiel kaya napatingin ako sa katabi kong silya.
Late nanaman? Kakatapos lang ng vacant tas late nanama--
"Waiting for me, huh?"
Nagulat ako sa biglaang pagsulpot ni Ezekiel sa harapan ko, ngingisi ngisi pa siyang umupo sa silya niya!
"Asa!" Sabi ko.
"Ha!?" Natatawa pa kunyaring asta niya. "Kaya pala titig na titig ka sa upuan ko?" Mayabang pang sabi niya.
"M-may dumi k-kasi, tss." Ba't ba ko nauutal? Bwiset!
"hahahahahahaha" malakas na tawa niya! Napatingin samin ang mga kaklase namin at yun nanaman ang takang taka nilang tingin!
Tss
"E-ehem" ubo niyang kunyari at tiyaka inayos ang pagkakaupo.
Nanatili na lang akong tahimik at dumating na ang next na teacher. Binigyan din nila ko ng reviewer gaya ng Iba.
.
.
.
.
.
To be continued~