CHAPTER 11

2937 Words
Ej's POV. K I N A B U K A S A N Ilang oras lang ang tulog ko pero maaga pa rin ako nagising, natulungan ko pa si Aimee mag-handa ng umagahan namin. Pagkakain ay nag-bihis na agad kami at pumunta na sa eskwelahan, naabutan namin sa may paradahan ng mga bisekleta ang kambal, halatang hindi mapakali si Lhorence habang si Kiel naman ay nakatingin lang sa kaniya at napapailing. Nang maramdaman nila ang presensya namin ay halos hindi makatingin sakin si Lhorence, para lang kaming tanga ditong apat na nag-hihintay kung sino ang unang mag-sasalita -,- "Sorry kahapon, mabuti at hindi nag-pasa." Pag-basag ko ng katahimikan. "A-ah okay lang, sorry din." Sabi ni Lhorence. "Sige na una na kami ni Kiel, mag-usap kayo niyan." Turo ko kay Aimee, nanlaki naman ang mga mata neto kaya nginisihan ko siya. "Usap lang sabi ko ah, mahiya kayo nasa public kayo." Pagkasabi ko non ay nag-lakad na ako, natatawa namang sumunod sa akin si Ezekiel. "Hahahaha ambilis talaga mag-bago ng mood mo." Sabi ni Kiel, paakyat na kami sa 4th floor. "Hindi naman kasi sa ayaw ko sa kapatid mo." Sabi ko, tinignan niya lang ako. "Masiyado lang siyang mabilis." "What do you mean? Gusto mo siya for Aimee? I mean he's a play boy." Siraan daw ang sariling kambal tsktsk "Kung playboy yon, hindi ganon makokonsensya yon Ezekiel, kambal mo pero hindi mo mabasa ang mga emosyon sa mata niya tss." "You really like reading emotion at person's eyes? Hahaha." "Nandon lahat ng emosyon Ezekiel, tara na pumasok na tayo." "Okay." Pag-pasok namin sa room ay pinag-tinginan agad kami, ma-issue ang nga pota. "Uyyy si Ezekiel, ngayon lang may nakasabay na babae HAHAHAHAHA." pangaasar ni Kobie kaklase namin. "HAHAHAHAH gago binata na si Ezekiel." Dagdag niya pa at nag-tawanan na ang buong klase. Dire-diretso lang ako sa bangkuan ko, si Ezekiel naman ay binatukan pa si Kobie. Hayst Tinawag ni Yoshie si Ezekiel, kaklase din namin. Pumunta naman agad sakin si Rhyjeil at Aster, makikichismis. "Oy ano yon?! Hahahaha kayo na? Wala oang 2 we-" "Friend lang kami Aster." Putol ko sa sasabihin niya. "Sabi den yan ng iba, tas next month mag-jowa na hahahahaha." Gatong ni Rhyjeil. "Tss praning lang kayo hahaha." Nag-tawanan kamung tatlo doon, andami pang kinukwento na kung ano ano ni Rhyjeil sa akin kaya hindi kami matigil kakatawa dito. Kasalukuyan kaming nagtatawanan ng mahagip ng paningin ko si Kiel, he was looking at me but when he saw me looking at him, umiwas siya ng tingin at ibinalik iyon kay Yoshie. Tss parang tanga amp. . . . . . Ezekiel's POV. "Nahihirapan kasi akong i-solve to eh, you can help me naman diba?" Sabi ni Yoshie ng maka-lapit ako sa kaniya, she's always like this, mahina siya sa math kaya lagi ko den siya tinutulungan. "Ofcourse." Sagot ko at tinignan ang papel niya, "mali ang sign, that should be negative." Sabi ko at tinuro sa kaniya. Nadistract ako sa tawanan na narinig mula kina Ej, Rhyjeil at Aster, I try to stopped myself from looking but I failed. Nang tinignan ko siya ay parang may kiliting dulot sakin ang tawa niya, this is not the first time that I saw her laughing but, hindi ko alam bat titig na titig ako sa kaniya. Yung tawa niya, parang gagamutin lahat ng sakit ko-- Ah wtf? Nakita ko siya na nilingon ako kaya agad akong nag-iwas ng tingin at binalik iyon kay Yoshie Damn it! "You're inlove." Biglang sambit ni Yoshie kaya nanlaki ang mga mata ko. "W-what? No." Sagot ko naman, pero tinawanan niya lang ako. "Tss hahaha, sige na papatulong na lang ako pag hindi ko alam, baka maagaw pa sayo ni Rhyjeil si Ej hahahaha." Tss. "You're crazy Yoshie." "Whatever Reyes." Iniwan ko na si Yoshie at oumunta sa upuan ko, agad namang umalis si Aster at bumalik sa upuan niya, eto naman si Rhyjeil ay sigurado akong mang-aasar pa. "Study hard gunggong!" Sabi ni Rhyjeil sakin at tinapik tapik pa ang balikat ko. "Gago." Sabi ko at tumatawa naman siyang bumalik sa upuan niya. Natahimik ang lugar namin kaya napatingin ako kay Ej, nakatingin din siya sakin na parang namamangha pa, baket?! "What?" I asked "First time kong marinig na mag-mura ka, hahahahaha grabe, akala ko hindi mi ginagawa yon." Sabi niya habang napapailing pa. "Bat naman kasi mumurahin tss." "Wala lang heheh, ayan si Ms." Natuon na sa klase ang buong atensyon namin, nililingon lingon ko si Ej, napapangiti naman ako pag-nakikita kong nakikinig siya ng mabuti. Seryoso ako when it comes to learning, kaya siguro akala nila ay masungit ako, ayoko lang makisalamuha dahil masiyadong madaming gimik ngayon, hindi ako mkakapagpokus pag ganon. Natapos nanaman ang isang buong araw na klase, nauna nanaman ako kay Ej sa may paradahan ng bike, naabutan pa ako nila Aimee at Lhorence, mukang ayos naman na sila. Ilang minuto pa ang inantay ko bago ko makita si Ej na palabas ng building, she was with Aster, they are talking about something, napapangiti pa si Ej sa pinag-uusapan nila, I wonder what is that? Sa sobrang titig ko sa kaniya ay hindi ko man lang naramdaman ang pag-aayos niya ng bike at hamda na siyang lumarga. "Hoy tara na, tulala ka jan." "S-sige." Nagpidal na kami papunta sa bahay namin, inunahan ko naman siya pero maya maya lang ag inuunahan niya ako tapos ay lilingon sakin at ngingsi, bibilisan ko ulit ang pagpipidal at ganon din ang ginawa niya. "Hahahahaha ang ganda pala pag malayo bahay." Sabi niya habang nagpipidal ng mabilis. "Paunahan tayo, kung sino ang manalo ay may iuutos siya sa matatalo ano game?" Sabi ko. "Osige ba." Sagot naman niya. Para kaming mga tangang tawa ng tawa habang binibilisan ang pag-pipidal, malapit na kami kaya nag-pantay ang bike namin, pero maya maya lang ay binilisan niya nanaman at siya ang unang nakarating sa bahay. Well I let her win haha. "Pano bayan chingchong hahahahaha." Tawa niya habang hingal na hingal pa. "Tss, oh ano uutos mo?" Tanong ko, inaayos kona ang bike ko ang sa kaniya ay okay na. "If...." nag-isip pa siya "kung sa ika-sampung araw ng pag tututor mo sakin ay hindi pa rin kita makilala, introduce yourself to me." Natigilan ako, naging seryoso ang itsura niya, ganon din naman ako. "Hindi ko talaga maalala kung kailan kita makita, nung nag-kita tayo ng gabi dito sa subdivision, yung mga kilos ko, it reminds me of someone pero hindi kita matandaan, ang gaan gaan ng loob ko sayo but I don't know why." Dagdag niya pa. Ako naman ay eto, nakikinig ng maigi sa mga sinasabi niya. "Sabi mo kilala moko pati na rin si Kaze, alam mo din ang nangyari nung araw nayon, nag-mumuka akong tanga kasi....." huminga siya ng malalim "kilala moko, kilala ka ni Kaze, pero ako hindi kita matandaan." "Kahit na ayokong alalahanin yung mga pangyayari nung araw nayon, pilit kong inaalala. Nagbabakasakali ako na baka nandon ka, na baka nakalimutan lang kita kasi na trauma ako." Dagdag niya ulit. "May tanong pala ako sayo." Biglang sabi niya. "A-ano yon?" Nag-kaplema na ata ako dito tss. "Kilala moko? It means, kilala mo pamilya ko?" Ofcourse. "Oo" "Alam mo kung bakit ko pinoprotektahan si Kaze?" I just nodded. "Kilala mo din ang pamilya ni Kaze?" Tumango ulit ako. "Who are you?" Seryosong tanong niya. "Someone who's good at pretending I guess." Diretsong sabi ko kaya natigilan siya. "Hahahaha come on Ej, sabi mo sa ika-sampung araw, eh parang gusto mo nako kilalanin ngayon." "Pinapayay mo na ko sa pag-iisip Ezekiel." Sabi niya at natawa naman ako, ganon din naman siya. "Sa susunod patay na patay kana sakin." Sabi ko kaya nanlaki ang mga maya niya Tinawanan ko naman siya at nag-patiuna nang pumasok sa loob hahahahaha she's so cute. Pag-pasok ay naabutan ko si Lhorence na nanonood nanaman ng balita, seryoso nanaman siya. Dumiretso ako sa kusina, nilapag ko lng muna ang bag ko sa sahig, ganon din ginawa ni Ej, tapos ay kinalabit ako. "Why?" Tanong ko. "Ang seryoso ni Lhorence pag-nanonood ng balita, balak ba niyan mamulitika?" Tanong ni Ej. "Tss ewan ko sayo." Ang balita ay about sa dadating na eleksiyon. "I'm home!" Sigaw ko para naman mapansin na kami ni Lhorence. "Hala! Anjan na pala kayo hehehe, h-hi Ej!" Bati ni Lhorence. "Mm sige nood kana jan." Sagot naman ni Ej sa kaniya. Nag-hahanda ako ng makakain namin ngayon ni Ej, buti na lang at may tirang bacon and egg si Lhorence. "J, bacon at egg lang nandito okay naba sayo to?" Tanong ko muna kay Ej. "Kahit ano chingchong" What's with that chingchong? Tss. Niluto ko na yun at pagkaluto ay kumain na kami ni Ej, si Lhorence naman ay umakyat sa kwarto niya nang matapos ang pinapanood niyang balita. Pag-kakain ay hinugasan ko na ang mga ginamit namin, si Ej ay naka upo na sa sofa at inaayos na ang mga gagamitin namin. "May assignment ba sa math?" Tanong ni Ej. "Wala tss nakikinig kaba sa klase?" "Math lang tinanong sayo kung may assignment hindi na agad nakikinig, kaltukan kita eh." Sagot niya sakin "Ang brutal mo." Pag-tapos ko mag-hugas ay pumunta muna ako sa kwarto ko para naman makapag-palit ako para narin malapag ko na don ang bag ko, iniwan ko lang sa baba ang mga gagamitin namin. Nag-bihis lang ako ng black na short at T-shirt tiyaka bumaba, naabutan ko naman na bukas ang TV at nanonood si Ej. "Kanina lang inasar mo si Lhorence, ngayon naman ikaw tong seryoso na nonood." "Hindi pa rin pala umaalis sa pag-ka pulitika si tito." Sambit ni Ej. "Tito? Papa ni Kaze?" "Mm" "Mahirap umalis sa ganiyan, pag nasimulan na." "Siguro nga, tss parang wala lang sa kanila nangyari 2 years ago. Nakakainis." Aniya sabay patay ng TV. "Kalma." "Tara na, ano lesson?" "Math." "Tanginanyan." She hates math. Hahahahaha. May Problem dito tapos ay isosolve niya ang missing X, inexplain ko muna sa kaniya kung ano ang gagawin at mga formula, nagtatanong siya sakin pag hindi niya na gegets, ang cute niya kahit salubong ang kilay niya. "Missing ex amputa, patay na nga." Biglang sabi niya kaya medjo natawa ako. "Seryoso ako chingchong, wag ka tatawa tawa jan tss." "Dinadamay mo kasi yung patay na sa math problem, baka multuhin ka non." "Sana nga, kahit paramdam lang, kaso hindi eh." Ok here we go again. "Hey, don't be sad." I'm not good at comforting. "I'm not." "Ok whatever." Tinuloy niya lang ang pag-sosolve. "Puntahan ko lang si Lhorence" paalam ko, tumango naman siya. Inakyat ko muna si Lhorence, kumatok muna ako, baka kasi may ginagawang kababuyan makita ko pa ang hindi dapat makita. "Baket!" Sigaw ni Lhorence sa loob. "Pwet mo may raket, can't you just let me in?!"sigaw ko pabalik. "Bukas yan tanga! HAHAHAHA." Tss. Naabutan ko si Lhorence na nag-lalaro ng ML, nasa kama siya naka upo at nakasandal sa pader. "Oh pucha! Antanga ng kakampi!" Sambit niya. Baliw. Iginala ko muna ang mata ko sa kwarto niya, masaya ako na kahit loko-loko tong kambal ko ay nag-aaral siya. Naka fram ang mga certificate niya at nakadikit sa pader, ganon din ang mga medals niya. Ayaw niya daw ng may cabinet pa na kung saan nakatayo ang mga frame gaya ng akin, pag daw naalikabukan ay kailangan pang linisin. Dagdag trabaho in short. "Bat nga pala napa-akyat ka dito?" Sabi niya, tapos na siya maglaro, nilagay niya na sa maliit na table na katabi ng kama niya ang selpon niya. (A/N: gaaaiz, yung 'selpon' po ay 'cellphone' ang haba kasi eh, paikliin natin HAHAHAH muah!) "Hindi ko pa natatanong yung about dun sa pag-punta mo kina dad, ano sabi?" "They want me to go to the hospital, doon daw ako mag-pagaling." Sabi niya. "Pumayag ka?" Tanong ko, pumunta ako sa gilid ng kama niya. "Hindi tss." Sagot niya. "Pasaway." "Mamatay kung mamatay." Tanginan to oh. "Bullshit, ano yang sinasabi mo? "Wala namang mawawa-" "Selfish, pano kami? Pano ako?" "Hahaha, ayaw mo ba non, wala ng mag-papasaway sayo." I hate this. "Mas gugustuhin kong pumunta sa Guidance office, kesa sa burol mo." "Ilabyutu Ezek, bumalik kana kay Ej HAHAHAHAHA." Napa-iling na lang ako bago lumabas ng kwarto niya. Nung araw na pinuntahan niya sila mom and das ay iyon din yung araw na nag-pa check up siya, the diagnose said that he has a Acute Pancreatitis. Sabi ay magagamot pa iyon kung aalagaan niya ang sarili niya, pero naiinis siya pag pinapaalala ko sa kaniya na may sakit siya. Nalaman namin ang sakit niya noong January, binigyan naman agad siya ng mga gamot, nag-aalala lang kami dahil pasaway si Lhorence. Siguro isa na rin sa dahilan ang sakit niya kung bakit playboy siya, ayas niya ma-inlove dahil iniisip niya na anytime mamatay siya. f**k it. "Oh ano nagyari sayo?" Hindi ko man lang namalayan na nakaupo na ako sa harapan ni Ej, tss kainis tong kambal ko. "Wala." "We?" "Bakit, nabasa mo nanaman ba ang emosyon sa mga mata ko?!" "Ewan ko sayo." Hala, hindi pa kami nag pipicture hihihi. "Oy Ej, hindi pa tayo nag pipicture." "Oo nga no." Nilabas ko na ang camera at nag pic na kami, ang cute cute niya! "Ang hirap naman neto chongs, ilang problem pa ba ang isosolve?" Aniya. "Dalawa pa hahaha." "Tss." Humiga muna ako saglet sa sofa, nilapag ko na lang sa harapan niya yung dalawa pa niyang isosolve, 8pm na pala. "Alas otso na bilisan mo jan day." Pang-aasar ko. "Ikaw mag solve leche." "Hahahaha." Nilagay ko ang kamay ko sa ilalim ng ulo at tumagilid para makita si Ej, salubong ang kilay niya habang tipa ng tipa sa calcu. Tss as if na makaka-tulong yan, hindi namalayan ang sarili ko na napapangiti habang nakatitig sa kaniya. "Sayo ko na talaga papa solve to." Sungit hahahaha. "Bilisan mo na kasi jan." Hinayaan ko na lang siya kaya nanatili akong naka higa sa sofa. . . . . . Ej's POV. 9:30 na ng matapos ko ang tatlong problem. Tanginang Math to, pahirap sa bansa eh. Nilingon ko si Ezekiel na payapa nang natutulog sa kaharap kong sofa, sa hindi malamang dahilan ay napakapayapang tignan ang mukha niya habang natutulog, parang tignan mo lang ang mukha niya ay mapapaya- Tf am I saying?!! Niligpit ko ang mga pinag-gamitan ko at ang mga papel na nilabas niya ay pinag-samasama ko tiyaka nilagay sa gilid ng lamesa. Dahan dahan akong umakyat para pumunta sa kwarto niya, buti na lang at hindi lumalabas si Lhorence. Kumuha ako ng kumot at bumaba ulit, pagbaba ko ay nakatagilid na si Ezekiel. Tutor daw amputa, tinulugan ako. Binalot ko ng kumot ang katawan niya, umakyat ulit ako sa taas papunta sa kwarto ni Lhorence *knock knock* "Ano nanaman! Hindi pa nga ako mamata--" "Ej to." Tss Bumukas ang pinto at bumungad ang masiglang bersiyon ni Ezekiel. -,- "Baket po? ^_^" "Nakatulog na yung kambal mo sa baba, huwag mo na gisingin, pero pag nagising paakyatin mo na sa kwarto niya malamig do." "Wow concern, hehehe sige uuwi kana? Gabi na hatid na kita." "Wag na kaya ko na, bumaba ka na kang sarado niyo yung gate." "Okay!" Bumaba na ako, inayos ko lang ang bike ko inantay naman ako ni Lhorence hanggang mailabas ko ang bike bago isara ang gate nila, kumaway pa siya sakin na parang bata. Isip bata pero mabilis sa halikan tsk tsk. Binilisan ko na ang pag-pipidal ko pauwi, gabi na kaya. Pag-uwi ko ay naabutan ko pa si Aimee na uminom ng gatas sa may kusina, ngunitian niya naman ako, sinabi ko den na napagod ako kaya nauna nakong umakyat sa kwarto. Naligo lang ako at nag-bihis ng pantulog bago ihiga ang sarili ko sa kama, sa kabutihang palad ay nakatulog ako agad. Salamat Math. . . . . . Ezekiel's POV. "Oy, akyat kana sa kwarto mo." Naalimpungatan ako sa kalabit ni Lhorence, nakita kong may kumot pa ako kaya umayos ako ng pag-kakaupo. O_O?! "Asan si E-ej." Tanong ko kag Lhorence. "Umuwi na." "Kanina pa?" "Oo, kanina alasa nuwebe media, alas onse na Ezek, umakyat kana." Tinignan ko ang mga nakaligpit ng gamit sa lamesa, napangiti naman ako sa isiping hinayaan niya lang ako makatulog dito. "Sige na umakyat kana." Utos ko kay Lhorence. Umakyat naman agad siya, ako ay pinatay muna ang ilaw dito sa baba bago umakyat. Tetext ko na lang si Ej, paniguradong offline nayon at mahimbing na ang tulog. To: Elice Hey, thanks for not waking me up, sorry din tinulugan kita hehe, goodnight! <<33. Pag-kasend ay chinarge ko na ang selpon ko, wala palang pasok bukas! Magogrocerie na lang muna ako, or I will visit Mom and Dad. Lumabas ako ng kwartobpara puntahan ang kwarto ng kambal ko, baka kasi mag-puyat to, makakasama sa kaniya. Dahan dahan kong binuksan ang pinto, napangiti naman ako nang makita na mahimbing na ang tulog niya, ang selpon niya ay naka ilaw pa din, halatang nalaglag lang mula sa kamay niya at kinatulugan niya lang. Naisip ko na pumasok para icharge ang selpon niya, kinuha ko yon at tinignan kung ano ang pinag-kakabalahan niya. "Tanginanyan, tinulugan ang pinapanood na P*rn tsktsk." In-out ko na yon at pinatay ang wifi tiyaka chinarge, pinatay ko din abg ilaw bago lumabas. Pag-dating ko sa kwarto ay natulog na agad ako. A/N 3k words! Yay! Sana ay nagustuhan niyo ang chapter nato hehe. So ayon nga, tinry ko lang na mag-karon ng mahabang POV. Si chingchong hehehe. Lalabas kona portrayer ko for Ezekiel Reyes and Elice Montelava, no need na kay Lhorence! Kambal naman eh HAHAHAHAH si Aimee soon! Love you all!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD