“Keiko!” Si Rose mula sa aking likuran, ilang sandali pa, hinihingal na lumapit siya sa akin.
“Huh? Rose, bakit hinihingal ka? Anong nangyari sayo?” Nagtataka kong tanong, kasalukuyan akong naglalakad patungo sa exit ng university. Katatapos lang kasi ng last subject ko at ngayon ay pauwi na ako sa baho kong tinutuluyan.
“Ouch! Bakit ka ba namamalo?” Reklamo ko dito ng hampasin niya ang kaliwang balikat ko.
“Ako dapat ang magtanong sayo n’yan. Ano ang nangyari sayo? Bakit nagresign ka sa trabaho mo? Bakit hindi mo man lang sinabi sa akin sa umalis ka na pala sa boarding house mo?” Nagugulumihanan niyang tanong na halatang naguguluhan. Pero, makikita pa rin sa mga mata ng aking kaibigan ang labis na pag-aalala nito para sa akin.
Nagsimulang maglikot ang aking mga mata dahil hindi ko alam kung paano sasagutin ang kanyang mga tanong. Ilang segundo pa ang lumipas bago may pumasok na ideya sa isip ko. Sinikap ko na maging kalmado sa paningin ng aking kaibigan
“Ahm, pasensya na, Rose. Hindi ko kaagad nabanggit sayo na stay-in na ako ngayon sa bago kong trabaho. Isa kasi ‘yun sa condition ng sponsor ko. Bukod kasi sa scholarship ay meron pa akong allowance. Kaya kailangan kong sumunod sa patakaran ng nagpapaaral sa akin.” Nakangiti kong sagot.
Napasinghap si Rose, gumuhit ang labis na kasiyahan sa kanyang mukha ng marinig nito ang paliwanag ko.
“Wow, kita mo na, I told you, may solusyon sa problema mo. I’m so happy for you, Sis!” Masayang sabi ni Rose sabay yakap sa akin ng mahigpit.
“Thank you. Sa totoo lang maging ako ay hindi rin makapaniwala.”
Totoo naman ang sinabi ko, pero ang nararamdaman ko ay hindi kasing saya ng kaibigan ko. Dahil ang lahat ng ito ay may kapalit, but for the sake of my study ay tatanggapin ko ang lahat ng mga nangyayari sa akin. Ayokong dumating ang panahon na magkita kami ng mga magulang ko na wala akong napapatunayan sa aking sarili.
Ang edukasyon ang siyang kukumpleto sa pagkatao ko, ito ang pananaw ko sa buhay.
“Ahm kailangan ko ng umalis, baka abutin pa ako ng curfew.” Palusot ko pa para mabilis na makaalis sa harap ng kaibigan ko. Limitado lang ang mga impormasyon na sinabi ko kay Rose dahil masyadong privado ang buhay ni Mr. Evan. Isa rin sa kasunduan namin na walang makakaalam ng kahit na sino tungkol dito, at pabor naman ito sa akin.
Pagkatapos yakapin ang isa’t-isa ay nagmamadali na akong lumabas ng University. Akmang paparahin ko sana ang taxi ng may biglang humintong sasakyan sa tapat ko. Ang lahat ng estudyante sa paligid ay kasabay kong napalingon sa itim at mamahaling kotse.
Napalunok ako ng wala sa oras, pakiramdam ko ay nalagay ako sa isang hotseat at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.
Kahit bago sa paningin ko ang sasakyan na ‘to ay kilala ko na kung sino ang may-ari ng mamahaling kotse na nasa harapan ko.
Nagsimulang maglikot ang aking mga mata, habang ang dibdib ko ay parang tinatambol dahil sa lakas ng tibôk ng puso ko.
Sa oras na sumakay ako sa kotse na ‘to ay siguradong mag-iisip ng hindi maganda tungkol sa akin ang lahat ng mga estudyanteng sa paligid. Maaaring isipin nila na meron akong sugar daddy o di kaya, isang mababang klaseng uri ng babae na pumapatol sa iba’t-ibang lalaki para lang magkapera.
Nang pumasok ang mga ideyang ito sa isip ko ay bigla akong pinanghinaan ng loob. Hindi pa ako handa na malagay sa matinding kahihiyan, kaya isang desisyon ang naisip ko.
Nang makita kong bumaba ang tauhan ni Mr. Evan mula sa nasa likurang sasakyan nito ay mabilis na humakbang ang mga paa ko pakanan. Pasimple akong naglakad palayo sa sasakyan na kunway hindi ko sila kilala.
Subalit biglang bumusina ang sasakyan na nasa unahan habang sa likuran ko ay ang tauhan ni Mr. Evan na pilit akong hinahabol.
Nang makita ko na malapit na ito ay mabilis na akong tumakbo palayo.
Nataranta ang tauhan ni Mr. Evan, at pilit akong hinabol nito. Dahil sa isa akong runner ay bigo ang lalaki na maabutan ako. Ngayon ay nasa akin na ang attention ng lahat kaya naman mas binilisan ko pa ang pagtakbo habang mahigpit na kipkip ang mga libro sa tapat ng dibdib ko.”
“Damn this woman!” Napamura ng wala sa oras si Evan ng makitang bigla silang tinakbuhan ni Keiko. Hindi siya makapawala sa liksi ng katawan nito nagmukha tuloy silang sindikato na nangunguha ng mga babae.
Ang plano ng driver niya ay mag-overtake sana upang maharangan ang daraanan ni Keiko. Ngunit, pagdating sa isang bahagi ng kalsada ay bigla namang lumiko si kieko. Medyo makipot ang kanang bahagi ng kalsada na tama lang sa pang isahang sasakyan.
Pagliko ng kotse ni Evan ay biglang tumigil ang sasakyan. Lumalim ang gatla sa kanyang noo ng makita nila si Keiko na nakatayo sa gilid ng kalsada na halatang naghihintay.
Humimpil ang kotse sa tapat ng dalaga at naiinis na binuksan ni Evan ang pinto. Seryoso at hinihingal ang ekspresyon ng mukha ni Keiko na sumakay sa kotse ni Evan.
“Are you crazy? Bakit mo kami tinakbuhan?” Irritable na tanong ni Evan, habang si Keiko ay mariin na kagat ang kanyang ibabang labi. Nasa dibdib kasi niya ang pinaghalong kaba at takot; kinakabahan siya sa nakikita niyang galit ni Evan, at the same time ay natatakot siya na baka mamaya biglang magbago ang isip nito at bawiin ang kanyang scholarship.
“S-Sir, sorry, hindi ko po sinasadya. Nabigla kasi ako sa biglaang pagsundo n’yo sa akin. Hindi po kasi magandang tingnan.” Paliwanag ni Keiko na halos mautal na sa pagsasalita, medyo humina pa nga ang boses niya pagdating sa kanyang huling sinabi.
Mas lalong lumalim ang gatla sa noo ni Evan, halatang naguguluhan sa mga sinasabi ni Keiko.
Isang mabigat na buntong hininga ang pinakawalan ni Keiko bago sinimulan nito na magpaliwanag.
“Natakot kasi ako na baka isipin ng lahat na meron akong sugar daddy. Nakakahiya, dahil sigurado na pag-uusapan ako sa buong campus. Sir, baka pwedeng next time, huwag n’yo na akong sunduin sa school or ipahatid.” May pakiusap na sabi ni Keiko habang ang mga mata nito ay nakapako sa kanyang mga hita.
Madilim ang ekspresyon ng mukha ni Evan habang matiim na nakatitig ang mga mata niya sa mukha ni Keiko.
Maya-maya ay isang mabigat na buntong hininga ang kanyang pinakawalan. Gusto na niyang magalit pero pinilit niya na habaan ang kanyang pasensya. Nauunawaan naman kasi niya ang sitwasyon ng dalaga, at kailangan niyang irespeto ang desisyon nito.
Walang imik na ginagap ni Evan ang palad ni Keiko, kaya naman natigilan ang dalaga at nagtatanong ang mga mata na tumingin sa mukha nito. Walang tanong-tanong na ibinaling na lang ni Keiko ang mukha sa labas ng bintana ng sasakyan.
Makalipas ang ilang oras ay humimpil ang sasakyan sa tapat ng malaking bahay na pag-aari ni Evan. Kahapon lang siya lumipat sa bahay na ‘to, kaya medyo kinakabahan pa siya at the same time ay nahihiya sa presensya ni Evan.
Nang bitawan ni Evan ang kanyang kamay ay kipkip ni Keiko ang bag na bumaba ng sasakyan. Sa kabilang bahagi ng kotse ay lumabas si Evan na seryoso ang mukha. Tahimik na humakbang paakyat sa tatlong baitang ng hagdan na nasa entrance ng bahay.
Wari moy nahihiya na sumunod si Keiko sa likuran ni Evan ngunit pagdating sa pintuan ay nagulat siya ng lumapit sa kanya ang assistant ni Evan.
“Ma’am, kailangan nyo pong ibigay sa akin ang iyong cellphone.” Blangko ang ekspresyon ng mukha ng assistant habang ang mga mata nito ay nakatingin sa baba. Napako ang tingin ni Keiko sa kamay ng matandang lalaki na nakalahad sa kanyang harapan.
Nagtataka man ay tahimik na dinukot niya ang cellphone na nasa loob ng kanyang bag.
Nang iabot niya ito sa assistant ni Evan ay naguluhan siya ng umalis ito at lumabas ng bahay na dala ang kanyang cellphone.
“T-Teka, bakit niyo kinuha ang cellphone ko?” Naguguluhan na tanong ni Keiko. Mula sa likod ng papalayong assistant ay lumipat ang tingin niya sa mukha ni Evan na ngayon ay nakaharap na sa kanya.
“From now on ay hindi ka na hahawak ng cellphone, bahay-school na lang ang magiging routine mo araw-araw. Kailangan mo ring ipaalam sa akin ang lahat ng mga activity mo sa school. Hindi ka pwedeng lumabas ng bahay nang wala ang pahintulot ko.”
Seryosong pahayag ni Evan na labis na ikinagulantang ni Keiko.
“T-Teka! Wala sa usapan natin ‘to! Oo, tinanggap ko ang scholarship mo pero hindi ibig sabihin nun ay kukunin mo sa akin ang kalayaan ko!” Matigas na saad ni Keiko. Madilim ang ekspresyon ng kanyang mukha. Sa pagkakataong ito ay ngayon siya naglakas loob na tumutol. Aanhin naman niya ang scholarship kung mawawalan naman siya ng kalayaan?
“Umuurong na ako sa kasunduan natin, hindi ko na kailangan ang scholarship mo. Kaya kong tumayo sa sarili kong mga paa.” Matatag na sabi ni Keiko, saka mabilis na pumihit paharap sa pintuan. Nakaka tatlong hakbang pa lang siya ay mabilis na humarang sa kanyang harapan si Evan. Napasinghap pa si Keiko ng walang hirap na pinasân siya nito sa balikat.
“T-Teka! Saan mo ako dadalhin? Anong gagawin mo sa akin?” Nahintakutan na tanong ni Keiko habang mahigpit ang kapit niya sa puting polo na suot ni Evan. Nagsimula ng manginig ang kanyang katawan dahil sa matinding takot. Maraming hindi magandang eksena ang pumapasok sa kanyang isipan kaya ang mukha niya ay parang akala moy natuyuan na ng dugo.