“I’m sorry, Ms. Colter. Nakakalungkot mang sabihin, pero kailangan mo ng maghanap ng bagong sponsor para sa pag-aaral mo. Kahapon kasi ay pumanaw na si Mrs. Lagdameo, at ayon sa kanyang pamilya ay hindi na nila masusuporthan ang pag-aaral mo. Ang kanilang kumpanya ay kasalukuyang humaharap sa matinding crisis. Dahilan kung bakit kailangan na nilang itigil ang pagbibigay ng libreng paaral.”
Biglang lumupaypay ang aking mga balikat, dahil sa narinig kong masamang balita mula sa sekretarya ni Mrs. Lagdameo.
Ang scholarship na ‘to ang tanging inaasahan ko para makatapos ng pag-aaral. Pero, ngayong namatay na si Mrs. Lagdameo ay mukhang hihinto na ako sa pag-aaral.
Nang mga oras na ‘to ay parang gusto kong humagulgol ng iyak. Isa sa pinakang goal ko sa buhay ay makapagtapos ng pag-aaral. Upang maipakita sa mga magulang ko na nag-abanduna sa akin na kaya kong maging matagumpay sa buhay kahit na hindi sila naging bahagi ng buhay ko.
Mahalaga para sa akin ang pag-aaral kong ito, dahil ito ang bubuo ng pagkatao ko. Pero, mukhang malabo na yatang matupad ang pangarap kong ito ngayon. Dahil kung kailan nasa ikatlong taon na ako ng kursong Business Administration ay saka pa pumanaw ang nag-iisang tao na tumulong sa akin.
Isang mabigat na buntong hininga ang aking pinakawalan bago magsalita.
“It’s okay, Ma’am, nauunawaan ko po, pakihatid na lang ang pakikiramay ko at ang labis na pasasalamat ko sa pamilya ni Mrs. Lagdameo.” Malungkot kong saad, isang naaawang tingin ang binigay niya sa akin bago tumayo.
“Don’t worry, makakarating ang pakikiramay mo sa kanilang pamilya. So, paano, Ms. Colter, aalis na ako.” Ani nito habang nakapaskil ang isang malungkot na ngiti sa kanyang bibig. Kaagad akong tumayo at tinanggap ang nakalahad nitong kamay.
“Salamat po.” Nakangiti kong sagot bago nagbitiw ang aming mga kamay. Nakangiti man ako ay hindi ito umabot sa mga mata ko, dahil ang dibdib ko ay puno ng labis na panghihinayang. Panghihinayang para sa isang pangarap na malapit ko na sanang makamit. Subalit, sa isang iglap ang pangarap na ‘yun ay naglahong bigla.
Nakaalis na’t lahat ang sekretarya ni Mrs. Lagdameo ay nanatili pa rin akong nakatulala sa kawalan. Kinukwenta ko na mula sa aking isipan kung kakayahin ba ng sahod ko mula sa part time job ang pambayad para sa tuition fee ko.
Isang marahas na buntong hininga ang muli kong pinakawalan. Kahit anong budget kasi ang gagawin ko sa sahod ko ay hindi pa rin ito sasapat.
Mabigat ang hakbang ng mga paa ko papasok sa loob ng banyo, upang maligo. Kailangan ko na kasing maghanda dahil malapit na ang night ship ko. Mahirap kapag nalate pa ako sa trabaho, maliit na nga ang sahod ko makakaltasan pa ito sa oras na malate ako.”
“Keiko, please serve this to Table 34.” Bigla akong natauhan ng tawagin ako ng isa sa mga kasamahan ko na naka assign sa kitchen.
“Okay.” sagot ko sa tinig na pilit pinasigla sabay kuha sa isang tray na may laman na mamahaling dish. Maingat ang bawat kilos ko, sinisigurado na hindi ako makakagawa ng anumang pagkakamali.
Mahirap magkamali, dahil ang dala kong pagkain ay katumbas ng apat na araw kong sahod.
Hi, Sir, good evening, here’s your order, enjoy your meal.” Malambing kong wika habang ang atensyon ko ay nasa pagkain na maingat kong ibinababa sa harap ng customers. Bahagya pa akong yumuko bilang paggalang. Akmang tatalikod na sana ako ng maramdaman ko ang mga titig ng isang lalaki sa aking harapan. Dahilan kung bakit nangahas ako na lumingon sa direksyon nito.
Sumalubong sa akin ang seryosong mukha ng lalaki sa bandang kaliwa ko. Namangha ako, dahil pakiramdam ko ay siya na yata ang pinakagwapong lalaki na nakita ko buong buhay ko.
Sa tingin ko ay nasa late thirty na ito. Medyo na ilang lang ako sa klase ng tingin niya sa akin kaya hindi ko alam kung paano magre-react dito. Isang tipid na ngiti ang binigay ko sa kanya bago magalang na yumuko saka mabilis na umalis sa harapan nito.
Hindi ako komportable sa mga titig ng lalaking ‘to, iyon bang pakiramdam na para kang hinuhubaran? kahit nakalayo na ako ay ramdam ko pa rin ang mga titig niya mula sa sa aking likod.
“Bakit ganun? Parang ang creepy ng tingin ng lalaking ‘yun.” Kinakabahan kong tanong sa aking sarili na tanging ako lang ang nakakarinig.
“Keiko, nabalitaan ko ‘yung nangyari kay Mrs. Lagdameo. Anong plano mo ngayon? Nakakalungkot naman, kung kailan malapit ng matapos ang pag-aaral mo ay saka pa nangyari ang bagay na ‘to.” Napabuntong hininga ako dahil sa sinabi ng kaibigan kong si Rose. Pareho kami na pang gabi ang duty dito sa British Restaurant. At the same time ay sa i-isang eskwelahan lang din ang aming pinapasukan.
“Iyon nga ang problema ko, alam mo naman kung gaano ang pagnanais ko na makatapos. Pero anong magagawa ko? Gahol na ako sa oras para makahanap pa ng taong magsponsor sa pag-aaral ko. Dalawang buwan na lang kasi at final exam na. Tapos may isang taon pa akong bubunuin bago makagraduate.” Matamlay kong sagot, habang nakaupo sa ikalawang baitang ng hagdan dito sa harap ng restaurant.
Sandali lang kaming nagpahinga dito dahil katatapos lang ng aming duty, maya-maya lang ay uuwi na rin kami.
“Huwag kang panghinaan ng loob, malay natin bukas may solusyon na sa problema mo.”
Kahit papaano at medyo nabawasan ang pangamba na nararamdaman ni Keiko dahil sa simpatya na natatanggap niya mula sa kaibigan. Bata pa lang sila ni Rose ay sila na ang laging magkasama.
Kapwa sila lumaki sa isang bahay ampunan, at pareho din silang working student. Tulad niya ay hirap din ito sa pag-aaral, dahilan kung bakit hindi siya matulungan nito pagdating sa financial na problema. Nauunawaan naman niya ang sitwasyon ng kanyang kaibigan.
Hindi lingid sa kaalaman ng dalawa ay kanina pa nakikinig sa usapan nila ang isang lalaki na naninigarilyo mula sa isang madilim na bahagi ng bakuran nang restaurant. Malinaw niyang napakinggan ang usapan ng magkaibigan. Bigla ang paglitaw ng isang makahulugang ngiti mula sa kanyang mga labi.
“Maiwan muna kita dito, kukunin ko lang ang bag natin sa loob para sabay na tayong umuwi.” Paalam ni Rose. Sa pagtalikod ni Rose ay tinapon ng lalaki ang kanyang sigarilyo sa kung saan bago pinakawalan ang usok mula sa kanyang bibig.
Umalis ito mula dilim at seryoso ang mukha na humakbang patungo sa kinauupuan ni Keiko.
Ang mga tingin niya sa dalaga ay masyadong malalim.
Maging ang lalaki ay nahihiwagahan sa kanyang sarili, dahil di yata’t masyado siyang intresado sa babaeng ito?
Ano ang meron sa babaeng ito at tila ayaw na niya itong mawala sa kanyang paningin?
Ang bilugan nitong mga mata na may mahaba at malalantik na pilikmata ay tila may mahika na humihila sa kanya upang ito ay lapitan.
Napakaganda nito mula sa kulot niyang mahabang buhok na naka ponytail sa pinakamataas na bahagi ng kanyang ulo. Habang ang nanunulis nitong ilong na may kaliitan ay bahagyang namumula dahil sa nakasanayan na yata ng dalaga ang madalas na pagkiskis ng daliri nito sa dulo ng kanyang ilong.
Napalunok ng wala sa oras ang lalaki ng bumaba ang tingin niya sa malarosas na labi ng dalaga. Pakiramdam niya ay bigla yata siyang nauhaw. Ang kanyang kalooban ay naghihimagsik at nagnanais na mahagkan ito. Dahilan kung bakit ganun na lang ang pagpipigil na ginagawa niya sa kanyang sarili.
“I like her...” anya ng mahiwagang tinig mula sa isipan ng lalaki.
“Ehem..” pang-aagaw ng lalaki sa atensyon ni Keiko, kaya mula sa lupa ay sinundan ng tingin ang itim at makintab na mamahaling sapatos ng estrangherong lalaki na bigla na lang sumulpot sa kanyang harapan.
Naglandas ang mga mata niya sa itim na slacks ng lalaki, hanggang sa malapad nitong katawan. Matangkad ang lalaki kaya ng huminto ang tingin niya sa mukha nito ay halos nakatingala na siya.
Namilog ang mga mata ni Keiko dahil natatandaan niya ang mukha ng lalaki. Ito ang customer na pinagsilbihan niya kanina, na kung makatingin ay tila hinuhubaran na yata siya.
At ngayon ay nakatayo na ito sa kanyang harapan, masyado siyang nahihiwagaan sa presensya ng lalaki. Dahil ang mga titig nito ay may hatid na kilabot sa kanyang sistema.
“I’m willing to sponsor your education. Let’s meet tomorrow to go over the details. I’ll be expecting you at my office.”
Ang kaninang malungkot na mukha ni Keiko ay biglang nagliwanag—kasabay nito ang paglitaw ng magandang ngiti sa kanyang mga labi.
Namungay ang mga mata ng lalaki dahil tila mas naakit yata siya sa magandang ngiti ni Keiko.
“Huh? Seryoso Sir!?” Di makapaniwala na bulalas ni Keiko, sabay tayo. Habang mahigpit na magkasalikop ang kanyang mga kamay sa harapan nito.
Nanatiling seryoso ang lalaki, at imbes na sumagot ay inilahad nito ang isang calling card sa harapan ng dalaga.
Namamangha na napatingin dito si Keiko.
Sa pagtanggap niya ng calling card ay siya namang pagtalikod ng lalaki. Walang paalam na iniwan na siya nito at sumakay sa isang mamahaling sasakyan.
“Mr. Evan Kier Walker...” basa ni Keiko sa pangalan ng lalaki, kasabay nito ang paglitaw ng isang matamis na ngiti sa kanyang mga labi. Mabilis niyang tinanaw ang sasakyan ni Mr. Walker at sakto naman na bago pa tuluyang magsara ang bintana ng kotse nito ay muli niyang nasilayan ang naka side view nitong mukha.
“He is so handsome, a perfect man with a golden heart...” kinikilig na sambit ni Keiko habang nakatanaw sa papalayong sasakyan. Ang kaninang takot na nararamdaman niya para sa lalaki ay dagling naglaho, napalitan ito ng matinding paghanga.