Chapter 3

2265 Words
Chapter 3 "Tang*na!" reklamo ni Kyle. Nakaupo ito, may hawak na yelo sa kaliwang kamay at marahang idinadampi iyon sa parte ng mukha kung saan dumapo ang sipa ni Isabella kaninang madaling araw. "Dalang-dala na ako kay Rose. Kahit anong gawin ko, hindi ko yata matatalo ang babaing iyon." Matapos ilapag ang hawak na puswelo ng kape ay hinubad nito ang suot na T-shirt at dinampihan naman ng yelo ang dibdib. "Sabi ko na sa inyo, Boss Kyle," wika ni Vin. Nilagyan muna nito ng mainit na tubig ang kabubukas pa lang na cup noodles saka napangiti. "Parang amazona si Ma'am Isabella. Walang sinasanto, kabaliktaran nang una akong pumasok bilang bodyguard niya." "Ang laki ng improvement ni Isabella." Napapangiting napapailing na lang si Tooffer. Nakahiga ito sa mahabang sopa at kagaya ni Kyle, may hawak din itong yelo na panaka-nakang idinadampi sa panga. "Kung hindi iyon napigilan ni Leester, malamang sa malamang pinaglalamayan na tayo, Kyle." "Matagal ka ng nagtatrabaho sa kapatid ko, Vin?" Pag-iiba ni Kyle ng usapan. Sumandal na rin ito sa sopa at tumingala. "Since college. Wala bang nabanggit sa 'yo si Boss Lester?" "Masyadong malihim si Leester, Vin." Umupo si Tooffer at inabot ang puswelo ng kape para uminom. "Magka-batch kayo?" "Hindi," matipid na sagot ni Vin na tila ba ayaw ikuwento kung paano sila nagkakilala ni Leester. Nagpatuloy ito sa pagkain ng noodles kaya pinukol ito ni Kyle ng matalim na tingin. "Dating army si Vin, Kyle," pagkukuwento ni Tooffer. "May nakaengkwentro 'yan sa San Felipe. Hayun kamuntikan ng sunduin ni kamatayan pero tinulungan ng kapatid mo kahit hindi niya kilala. Kita mo ngayon, humihinga pa." Ngumisi ito at uminom ng kape saka nagpatuloy, "Nagkataon na lumusob kami ni Leester at 'yong taong gustong itumba nitong si Vin ay mortal na kaaway ng kapatid mo." "Naitumba n'yo ang taong iyon?" puno ng kuryusidad na tanong ni Kyle. "Hindi," sagot ni Vin at humigpit ang pagkakahawak sa tinidor. "Buhay pa demonyong iyon hanggang ngayon. May sa pusa." "Ano bang kasalanan sa 'yo ng taong 'yon, Vin?" "Pinatay niya ang matalik kong kaibigan at pati ang kapatid kong babae ay hindi niya pinalagpas. Huwag siyang magkakamaling magpakita sa akin, mapapatay ko siya." "Kung magkakilala kayo ni Kuya Leester, bakit ka nagtrabaho kay Tito Al?" "Simple lang Kyle." Napalingon ang tatlo sa hagdan kung saan nagmula ang tinig na iyon. Pababa si Leester ng hagdanan, tanging pantalon lang ang suot nito at may hawak na baril sa kanang kamay. "Siya ang nagsilbing mata at tainga ko sa pamilya del Mundo," wika ni Leester nang maupo sa sopa. "Isa si Tito Al sa mga pinaghihinalaan ko sa pagkakabaril noon kay Papa." Kinuha nito ang kape na tinimpla ni Vin at uminom. "Teka, Dude," kaagad na wika ni Tooffer. "Akala ko ba si Isabella ang pakay mo kaya painag-apply mo bilang bodyguard si Vin." Sumandal ito sa sopa, tumingala at inilagay ang dalawang palad sa likod ng ulo. "'Yon ang nauna kong plano." "Pinaimbestigahan mo ang pamilya ng girlfriend mo?" hindi makapaniwalang tanong ni Kyle dahilan para pukulin ito ng masamang tingin ni Leester. "E, gano'n talaga, Kyle," sabat ni Tooffer. "Kaya nga nang malaman ni Tito Al na isang Monteero ang kapatid mo," ngumisi muna ito kay Leester saka nagpatuloy, "wala iyong inaksayang oras. Pinaghiwalay niya ang kapatid mo at si Isabella. Kahit lumuhod ang kapatid mo, pinagtabuyan pa rin siya ni Tito Al." "Tang*na, Kuya," nakangisi si Kyle. "Lumuhod ka sa kaaway ni Papa? Nasaan na ang Kuya Leester na kilala ko?" "At hindi lang 'yan, Kyle," muling sabat ni Tooffer. "'Yong malaking puno na inakyat natin kaninang madaling araw, 'yon mismo ang punong inaakyat ng kapatid mo papunta sa kwarto ni Isabella." Ngumisi ito matapos uminom ng kape. Napailing-iling na lang si Kyle. "Sa ngalan ng pag-ibig, kahit napakataas na puno aakyatin—" Natigil ito sa pagsasalita nang batuhin ni Leester ng basyo ng cup noodles. "Ang daldal mo, Kyle. Gusto mo sipain ko ang kabila mong pisngi para pantay na ang pamamaga ng mukha mo?" Nilingon nito si Tooffer. "At ikaw, Tooffer tsismoso ka rin, ano? Kung hindi ko pa alam halos mabaril ka ng ama ni Liza no'ng mahuli kayo sa kwarto na gumagawa ng milagro." Ngumisi ito at sinaid ang laman ng hawak na puswelo, si Tooffer naman ay nakakunot ang noo at tila hindi makapaniwala sa narinig. Halos mamatay-matay naman si Vin sa katatawa. "Liza? 'Yong asawa mo, Tooffer?" Nakakunot ang noo ni Kyle. "Kaibigan ni Rose?" "Oo, Kyle," sagot ni Leester. "Hindi mo 'yon kilala—" "Anong hindi?" Napatuwid ito ng upo. "Kung hindi ako nagkakamali, Kuya Leester, ang Liza na sinasabi mo at ang Liza na kasama ni Rose noon sa bar ay iisa. Maganda ang hubog ng pangangatawan." Binitawan nito ang hawak na yelo at nagdrawing ng hourglass sa ere. "Mahaba at may pagka-blonde ang buhok. Liligawan ko na sana—" "F*ck you, Kyle!" sigaw ni Tooffer. Kinuha nito ang wallet at may inilabas na litrato. "'Yan ang asawa ko." "Damn! Siya nga! Nakilala siguro kami ni Cathy kaya hindi kami masyadong kinakausap. Saka hindi rin naman nagtagal sa bar dahil may flight pa raw 'yon kinaumagahan." "s**t!" mura ni Tooffer. "Ang akala ko narito siya sa Pilipinas." Nakamasid lang si Leester sa dalawa habang nakikinig sa usapan. Si Vin naman ay tumayo dahil may tumawag sa phone nito. "Kailan siya nagpunta sa bar, Kyle?" "Last month. Parang pamilyar sa akin ang mukha no'n, e." "Kaibigan ni Papa ang mga magulang no'n," sabat ni Leester. Tumayo ito at nagtungo sa kusina. "Kuya, magluluto ka?" sigaw ni Kyle para marinig ng kapatid. "Oo! Ayoko sa pagkain n'yo, puro processed food ang mga nilalantakan n'yo." Napailing na lang si Kyle pero saglit lang iyon dahil ngumisi ito nang makitang pababa na si Isabella sa hagdan. Mabilis nitong kinuha ang t-shirt at nagbihis. Si Vin naman ay bumalik sa sopa matapos makipag-usap sa phone. "Kumusta ang mga pasa n'yo?" nakangiting tanong ni Isabella sa dalawa. "Ayos lang," sagot ni Kyle. "Nabawasan ang pagiging magandang lalaki ko." Tumawa na lang si Isabella at nilingon si Tooffer. Napakaseryoso ng mukha nito habang nakatingin sa litrato ng asawa. Bunga ng kuryusidad, sinilip ng dalaga ang hawak nito. "Oh my! I'm sorry, Tooffer," saad ni Isabella. "Hindi ko pala nasabi sa 'yo na nagkita kami ni Liza." "Sabi ko sa 'yo, Tooffer," bulalas ni Kyle. "Nagkakilala na kami ng asawa mo. Siya 'yong kasama mo sa bar, 'di ba, Rose?" Tumango si Isabella. "Oo. Ilang araw lang sila rito sa bansa. Binalaan niya ako at pilit na isinasama sa Australia." Napailing si Tooffer sa sinabi ni Isabella at mapait na ngumiti. "So alam mo kung bakit niya ako iniwan?" "Oo, Tooffer. Pero pinagsabihan ko naman siya na huwag siyang pabigla-bigla ng desisyon, isa pa may anak kayo. Kinukulit nga ako ni Chris nang magkita kami sa mall. Sabi niya kung kilala ko raw ang ama niya. Kamukhang-kamukha mo si Chris, para kayong pinagbiyak na bunga." Napangiti si Tooffer nang marinig ang papuri ni Isabella sa kaniyang anak. Kinusot nito ang mata para pigilan ang napipintong pagluha. "May picture ka ng anak ni Tooffer?" tanong ni Kyle. Kinuha ni Isabella ang cellphone niya sa bulsa para ipakita ang mga picture na naroon. Mayamaya ay tumayo na siya at iniwan ang tatlo sa sala para puntahan si Leester. "Good morning!" bati niya sa nobyo. Nadatnan niya itong nagluluto ng pancake. Nang makalapit siya ay mabilis nitong kinumuyos ng halik ang labi niya saka niyakap siya nang mahigpit. Gumanti siya ng halik pero saglit lang dahil dumating si Kyle na nakangisi habang nakatingin sa kanila. Tumikhim ito kaya naudlot ang halikan nila. "Damn you, Kyle!" sigaw ni Leester. "Ba't narito ka?" "Isosoli ko ang cellphone ni Rose." Nakangisi ito kaya pinamulahan ng mukha ang dalaga. Inilapag nito ang cellphone sa mesa at nagmadaling umalis dahil matalim na naman ang mga mata ng kapatid. "Ba't nasa kaniya ang cellphone mo, Babe?" "Ah, ipinakita ko 'yong mga picture namin ni Liza kasama ang kambal at si Chris." "Chris?" Natitigilan nitong tanong. "Who's Chris?" "Anak nina Tooffer at Liza. Dumating sila sa bansa last month, pero hindi rin nagtagal nagtungo sila sa Australia." "Sh*t! May anak na rin pala si Tooffer." Inilagay nito sa mesa ang nilutong pagkain saka naupo. "Ang daming nangyari sa loob ng pitong taon. Wala akong kaalam-alam sa nangyari sa paligid ko. Damn!" Kumuyom ang mga kamao nito kaya niyakap na ito ng dalaga. "It's okay, Babe. Ang importante magkasama na tayo. I never thought na makikita pa kitang muli. Araw-araw akong humihiling na sana buhay ka, na sana nakaligtas ka sa trahedyang iyon. Siguro kung wala ang kambal, matagal na akong namatay sa sobrang pangungulila sa 'yo." Matapos mag-almusal ay tumulak na sila pauwi sa mansiyon ng mga Monteero. Napakaingay ni Kyle sa biyahe, si Tooffer naman ay walang imik at tila napakalalim ng iniisip. Si Vin naman na siyang nagmamaneho ng kotse ay pangiti-ngiti lang habang nakikinig sa mga pambubully ni Kyle sa bawat madaanang mga babae. Dumaan kasi sila sa bayan para bilhan ng cake ang kambal. "O, anong nangyari sa mga mukha n'yo?" tanong ni Cathy pagkababang-pagkababa nina Kyle at Tooffer. "Wala 'to, Sis," nakangiting sagot ni Kyle. "Anong wala? Tingnan mo ang mukha ni Kuya Chris magang-maga. Napaaway ba kayo kagabi?" "May inakyat na bahay, Ma'am Cathy, hayun nadale ng may-ari," sagot ni Vin. "Sh*t! Ang akala ko mga mafia kayo, akyat-bahay na pala kayo ngayon." "Shut up, Cathy!" saway ni Leester. "Asan ang mga anak ko?" "Oy, Kuya Leester anak din 'yon ni Rose kaya huwag mong inaangkin. 'Yong kotse ko pala, Rose nasaan na?" "Huwag mo ng hanapin pa, Sis." Ngumisi nang nakakaloko si Kyle. "Sumabog kagabi 'yong bulok mong kotse. Nadaanan namin sa highway, nagliliyab pa." "Pinasabog mo, Rose?" Nang-aakusang tingin ang iginawad ni Cathy kay Isabella. Tinuro naman ni Isabella ang nobyo. "Siya ang may gawa, hindi ako." Nagngangalaiti si Cathy nang tumingin sa panganay na kapatid. "Ka-badtrip ka naman, Kuya Leester. May sentimental value sa akin ang kotseng iyon!" "I don't care. Muntik na kaming mapahamak dahil sa bulok mong kotse." Tinalikuran nito ang kapatid at paakyat na sana ng hagdan para puntahan ang kambal nang tawagin ni Javier. Seryosong-seryoso ang huli at tila may nasagap na masamang balita dahil maging sina Isabella, Kyle, at Tooffer ay sinabihang pumasok ng library. "Anong nangyari sa mga mukha ninyo?" kaagad na tanong ni Javier kina Kyle at Tooffer. Napayuko naman si Rose dahil nakokonsensiya siya sa nangyari. "Anong nangyari sa mga mukha ninyo?!" Sumigaw na si Javier dahil walang nagsasalita ni isa sa kanila. "Pinasok nila ang mansiyon ng mga del Mundo," saad ni Leester. "Doon kami nagpalipas ng gabi ni Isabella. Itong dalawang 'to, nakipagpustahan kay Vin na papasukin ang mansiyon at kakalabanin si Isabella. Ang akala naman ni Isabella, 'yong mga lalaking humahabol sa amin kagabi. Hayun, ilang minutong sipa at suntok, humandusay ang dalawang iyan. Kung hindi ako nagising, malamang pinaglalamayan na ang dalawang iyan..." pagkukuwento ni Leester. Matalim na tingin ang iginawad ng matandang Monteero sa dalawa. "Mga tarantado kayo! Inakyat ninyo ang puno roon?" Galit na galit ito nang malamang naglambitin pa sa punong-kahoy ang dalawa makapasok lang sa mansiyon. "Ang taas n'on—" "Inaakyat nga 'yon ni Kuya Leester noong pinagbawalan siya ni Tito Al na makita si Rose, e," ngiting-ngiti si Kyle nang sabihin iyon dahilan para pukulin ito nang matalim na tingin nina Isabella at Leester. "Peace, Rose." Itinaas nito ang kamay at nag-peace sign. "At 'yan ang napala n'yo." Matiim nitong tiningnan si Tooffer saka tinuro. "Ikaw, Tooffer ang akala ko ba pupuntahan mo ang asawa mo? Bakit magkakasama kayo kagabi?" "Walang tao sa mansiyon nila, Tito. Aksidente namang nakita ko sina Kyle sa San Felipe, kaya sumama na rin ako sa kanila." "Ikaw, Leester? Magkakasama kayo kagabi nina Kyle at Vin, saan kayo nagkita ni Rose?" "Oo nga, Kuya Leester bigla ka na lang nawala kagabi," saad ni Kyle. "Teka, pumasok ka kagabi sa abandonadong building, ano? Alam mo bang pinasabog 'yon kaninang madaling araw?" "Damn! Magagalit nito si Tito Al," bulong ni Lester. "Mismo!" saad ni Javier. "Alam n'yo bang kalat na kalat sa loob ng organisasyon ang pagsabog na nangyari samantalang ilang oras pa lang ang nakararaan? At ikaw, Leester ang itinuturong may gawa niyon. Alam mo ba kung gaano kahalaga kay Al ang building na 'yon?" "Pero hindi ako ang may gawa niyon, Papa." "Maraming nakakita sa 'yo na pumasok ka sa lugar na iyon. Bakit ka pumasok sa building na 'yon? Ang plano maghihintay ka malapit sa pier dahil ikaw ang driver nina Vin at Kyle. Anong nangyari at bakit magkakasama kayong lima?" "May tiningnan lang ako sa loob ng building na 'yon," pagsisinungaling ni Leester at pinisil ang kamay ni Isabella. "May sniper na pumwesto sa building na iyon, ikaw ba 'yon, Leester?" muling tanong ni Javier. Nakakunot ang noo nito saka tumingin kay Rose. "Naroon ako sa building kagabi, Tito," mahinang saad ni Isabella dahilan para gumalaw ang panga ni Leester. "Si Drago ang target ko kagabi, kaya lang hindi natuloy dahil biglang sumabog ang dalawang barko matapos kong kalabitin ang gatilyo." "Alam n'yo bang buhay pa ang taong 'yon?" Tumaas ang boses ni Javier at nilingon sina Kyle at Tooffer. "Kaya kayo, tigil-tigilan ninyo ang mga katarantaduhang pinaggagagawa ninyo. Walang silbi ang ginawa ninyong pagpapasabog sa dalawang barko dahil buhay pa ang demonyong 'yon."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD