"Scalpel!" Yumuko si Loveleen habang hawak ang duguang katawan ni Hades. Nanginginig ang kamay niya habang sinisimulan ang improvised emergency surgery sa loob mismo ng jet. Sa paligid niya, si Cain at ilang tauhan ni Hades ay patuloy na nagbabantay, handang lumaban muli kung may susunod na wave ng kalaban. "Diyos ko… hindi pwede. Hindi ka pwedeng mawala sa’kin!" Ang dugo ni Hades ay patuloy na umaagos, at bawat segundo ay parang tinutulak si Loveleen sa bingit ng pagkabaliw. Bilang isang doktor, trained siyang manatiling kalmado. Pero ngayong ang lalaking unti-unting minahal niya ang nasa harap niya, literal na agaw-buhay—iba na ito. "Clamp. Suction. Retractor." sunod-sunod niyang utos sa co-pilot na walang choice kundi tumulong. “Leen… kaya mo ‘to,” bulong ni Cain mula sa gilid, hab

