“ Sinabi ko naman kasi sayong huwag ka nang tumulong dahil may lakad ka pa. Ang kulit mo din kasi “ paglilinis ng mama niya sa uniform ni Archen dahil sa mga kumapit ritong alikabok. Pagkatapos niyang dumereto sa palengke at tulongan ang mama niya magtinda ng gulay.
“ Maalikabok man ako tingnan at least hindi naman apektado ang utak ko para sa pagtu-tutor mamaya “ pag-aayos nito sa buhok ng mama niya “ Tawagan mo si Ate para makauwi ka nang maaga at siya na ang magligpit rito at saka mamaya po, baka around 8 ako makauwi baka po maatraffic sa daan kaya huwag niyo na po akong hintayin kumain “ pagkuha nito sa bag niya saka sinuot.
“ Kung ganon magpapalipas ka na naman ng gutom? “ nag-aalala ritong tingin ng mama niya.
“ Hindi po. May dala naman akong biscuit at saka malay niyo po pakainin din nila ako roon “ pagbibiro pa nito saka tuloyang naglakad at nag-abang ng masasakyan. Hindi nagtagal dumating ito sa address na binigay ng teacher niya. At sa gate pa lang nalula na ito sa laki dahil subdivision ito at halatang mayayaman lang ang narito.
“Ano yon? Naliligaw ka ba? “ tanong rito ng guard. Hindi naman niya ito masisi dahil talagang nakafull uniform pa siya. Isang public uniform na may kalumaan pero dahil malinis siya hindi mo ito mapapansin.
“ I’m Archen Aydin, I was sent as a tutor____ “
“ Ah siya yong ibinilin ni Sir “ pagputol ng guard sa pagsasalita niya. Napansin na lang ni Archen na tumawag ito sa telepono at hindi nagtagal nagbukas ang gate at may dalawang lalaking sumundo rito.
“ Kayo ba ang tutor ngayong araw ni senorita? “
“ Opo “ tipid lang nitong sabi. Kinuha naman nila ang bag nito at Cheneck “ Puwedi ka nang pumasok “ at mula sa pahintulot na ito ay isinuot ni Archen ang bag niyang muli saka naglakad. Hindi pa niya nahahawakan ang pinto ng marating ito ay agad itong nagbukas at bumungad rito ang isang katulong.
“ Tumuloy kayo at maupo, pupuntahan ko lang si senorita “ hindi naman nagsalita si Archen at sumunod rito.
“ Sobrang ganda ng bahay na ‘toh “ pagmamasdan pa niya sa paligid “ Kung ganito ang bahay namin paniguradong mababaliw ang ate ko, feeling mayaman kasi iyon. Hindi ko naman masisisi dahil talagang sobrang hirap din maging mahirap “ pagkausap pa nito sa sarili niya.
“ Sir, tumuloy na daw po kayo sa kwarto ni senorita “ mabilis naman siyang tumayo at sumunod sa katulong para ihatid siya nito sa tinutukoy niyang kwarto.
“ Good luck “ bulong pa ng katulong kaya mabilis siyang lumingon rito pagkatapos kilabotan pero hindi na ito lumingon sa kanya. At tuloyang naglakad at naglaho sa paningin niya.
“ Halimaw ba ang nasa loob? “ bulong pa niya saka kumatok “ Papasok na po ako “ pagbibigay paalam pa nito ng mapansin niyang bukas ang pinto at walang sumagot sa kanya. Ganon na lang ang paagkunot noo niya nang nakaupo sa harap ng salamin ang tutees niya nang hindi man lang siya sinagot.
“ Ikaw ang kapalit ng personal tutor ko? “
“ Opo, ma’am “ sabi lang nito.
“ So bata ka nga pala talaga “ tingin nito kay Archen sa may salamin “ Same grade as me? “ tanong pa niya.
“ Opo “
“ Kung ganon dapat matalino ka “ sabi nito na siyang pumukaw sa dugo ni Archen na para bang wala itong tiwala sa kanya “ Kung matalino ka dapat nagpapakilala kana saakin ngayon. Not unless gusto mong tawagin kitang tutor? Hindi ba’t masyado ka naman atang superior nun. E magkapareho lang naman tayo ng edad at grade, besides you’re in my house and you need my money kaya ka nandito “ bigla namang nakaramdam ng inis sa Archen sa mga sinabi nito.
“ Magandang umaga, ma’am. I’m Archen Aydin and I’ll be the substitute tutor of your personal tutor. Sana ay Maganda ang ating pag-aaral ngayon “ sabi nito nang nakatalikod pa rin rito si Hiyas maya maya narinig niya itong humalakhak ng tawa.
“ I’m just pranking you! You know it doesn’t matter if I’ll address you as tutor kasi tutor naman kita diba? “ Pagtayo ni Hiyas at humarap rito “ I’m Hiyas Miranda, I’m glad to meet you sana marami akong matutunan sayo “ nakangiti pa niyang tingin rito saka nito nilahad ang kamay niya. At mula sa mga ngiting ito ay nagflashback kay Archen nong una niya itong makita, ang crush niya, ang nag-iisang gusto niya na hindi niya magawang hawakan dahil alam niyang malabo pero ngayon ay nasa harap niya.
“ May problema ba? Well, nagbibiro lang ako kanina, I’m pranking you. Nabobored kasi ako “ ani Hiyas ng mapansin niyang hindi abotin ni Archen ang kamay niya at yumuko habang pakiramdam nito ay napakainit ng pisngi niya.
“ I guess, you’re really that good and passionate with your job dahil naka-uniform ka pa “ mabilis namang sekretong inamoy ni Archen ang sarili niya.
“ Nakakainis! Bakit nga ba hindi ko natanong kay Sir. Sana nakapagpalit man lang ako nang damit “ mga bulong pa niya “ Napaka malas mo talaga, Archen!! “ pag-iisip pa nito habang binubogbog nito sa isipan niya ang sarili niya.
“ Well, puwedi bang kumain muna ako? “ napatingin naman siya rito “ Hindi pa kasi ako kumakain pero mabilis lang naman ako “ nagmamakaawa niya pang tingin rito “ You can join me if you want. “ pag-aya niya pa rito.
“ Hindi, okay lang. Hihintayin na lang kita rito habang hinahanda ang mga pag-aaralan natin at kung puwedi pakibigay na lang din ang mga test paper mo “ ani Archen nang nahihiya siyang tumingin rito.
“ Nasa kama ko, ikaw na ang kumuha dahil nagugutom na ako “ sabi nito habang nakangiti saka lumabas. Pagkwan huminto ito at pinakiramdaman si Archen “ Mukha siyang mabait, kawawa naman “ bulong pa niya bago ito iniwan.
“ Nakakainis, sana maka-concentrate ako mamaya “ bulong pa nito habang inaayos ang mga pag-aaralan nila. At napailing lang ito ng makitang madali lang ang exam ni Hiyas para mazero pa siya rito “ Mukhang mahina talaga siya pero kunting aral, makakapasa siya “ nakangiti pa niyang paghahanda. Ngunit lumipas ang ilang minute hindi pa rin bumabalik itong nagsabing kakain kaya naman napilitan na siyang lumabas para tingnan ito. Kaya lang sa sobrang laaki ng bahay nila hindi naman niya alam saan ito pupuntahan kaya naagtungo na lang siya sa isang kasambahay doon.
“ Naku po! Huwag niyo po siya hinahayaan dahil kung hindi wala kayong matatapos. Hindi ba nasabi sayo ng personal tutor ni senorita na tamad siyang mag-aral? “ tsismis pa rito ng katulong bago itinuro kay Archen kung nasaan itong hinahanap niya.
“ Oh! I do, Oh! I do. I need you, Ineed you love right now “ pagkanta ni Hiyas habang nakaheadset sa may garden at nanonood ng SB19 videos.
“ Puwedi na ba tayong mag-aral? “ pagtanggal ni Archen sa headset nito dahilan para magulat si Hiyas at tumingin rito nang patingala habang nakaupo pa rin kaya naman sa sobrang gulat at lapit nila ay inubo bigla si Archen at lumayo rito.
“ Sorry, nagpapahinga lang naman ako saglit “ sabi nito “ Gusto mong magjuice muna tayo? “ pag-aalok niya rito sa juice niya.
“ Salamat pero tumatakbo po ang oras at kailangan na po natin simulan dahil maaga po akong uuwi ngayon” ani Archen habang pinipigilan ang sarili at pinipilit na makipag-eye contact kay Hiyas.
“ What if I give you another deal? “ tumingin naman rito si Archen “ Babayaran kita at babayaran ka pa ni Kuya. Hindi ba’t maganda pakinggan? “ ani Hiyas at pilit mang itago ni Archen ang nararamdaman niya ay nasasaktan ito sa tingin rito ng dalaga na para bang mukhang pera ito kahit mukhang pera naman talaga siya(kidding aside).
“ Sasabihin natin kay Kuya na nag-aral ako kahit hindi naman “ ani Hiyas “ Did you get my plan? Iisipin niyang nag-aral ako tapos babayaran ka niya at bilang kapalit sa gusto ko, babayaran din kita. Nakinabang ka at nakinabang ako, simple as that. Negotiation between us, ayaw mo ng trabaho while ayaw ko rin mag-aral kaya pareho tayong nakinabang “ mga ngiti pa niya pero naalis iyon nang magsalita si Archen.
“ Lahat tayo talo diyan. Hindi ka mag-aaral tapos maglalabas ka pa ng pera at ang mangyayari, babagsak ka kaya paano ka nakinabang? Habang ako, maapektohan ang trabaho ko at masisira ang tiwala saakin ni Sir at nang Kuya mo kaya paanong nanalo tayo doon? “ paliwanag nito “ Sumunod ka saakin at mag-aral tayo para makarami tayo at makauwi ako “
“ Ang boring mo naman “ napatingin naman rito si Archen “ I mean it kaya kung magagalit ka wala akong paki! “ asar pa nitong sabi at napabuntong hininga na lang si Archen ng mabuhos kay Hiyas ang juice ng sadyain niya itong tumbahin at mabuhos sa sarili niya.
“ Maliligo lang ako saglit dahil masyado na akong malagkit, mamaya langgamin pa ako “ ngiti pa niya saka naglakad “ Ayaw ko namang maging katulad mo, mukhang galing ka pang desyerto dahil sa hitsura mo “ hindi naman makapagsalita si Archen sa sinabi ni Hiyas dahil totoong maalikabok sa puwesto ng mama niya.
“ Kung alam kong dito ang tungo ko. Baka yong nag-iisa kong magandang polo ang sinuot ko “ nahihiya nitong pagsunod kay Hiyas. Katulad kanina ang tagal nito sa loob ng banyo, at hindi naman niya ito magawang katokin o sabihang magmadali dahil wala siyang lakas ng loob na gawin iyon.
“ Ang tagal naman umikot ng oras, naiinip na ako rito sa loob “ pagmamasdan ni Hiyas sa orasan ng selpon niya kung saan sinusubokan nitong ubosin ang oras nila ni Archen bago lumabas “ Alam kong mapapagalitan siya ni Kuya dahil wala siyang naituro saakin but that’s his problem. He should be strategic to convience and force me to do this stupid studying “ pag-iisip pa niya at nong mainip na siya ay lumabas na din ito. At ganon na lang ang ngiti niya ng makitang nakatulog sa may study table niya si Archen.
“ Huh? Nakakatawa. Antokin pala itong young tutor ko e “ pinipigilan niyang gumawa ng ingay habang lumalapit rito. Pagkwan natitigan nito sa malapitan si Archen saka nito napansin ang buhok nitong may naipit pa ritong maliit na dahon ng kalamonggay “ Ano ba ang lalaking ito, kambing para pati ulo may dahon? Kapag matalino ba required ganito kasimple manuot? Na dapat naka-uniform at may magulong buhok? “ pagmamasdan niya pa rito. Pagkwan Nakita niya ang test paper niya at namangha ito nang makita niyang nasagotan na lahat ni Archen.
“ Kung ganon, matalino talaga ang lalakeng ito “ napangiti naman siya sa naisip niya “ Mukhang naiiba ang mundong ginagalawan mo. Magulo, madahon, simple, at mukhang pagod na hitsura mo sa tingin ko, exciting doon “ nakangiti pa niyang pag-iisip habang pinapanood itong si Archen “ But for now, katulad mo gusto ko din matulog “ paglalakad nito at nahiga sa kama niya.
LUMIPAS ANG ILANG oras nang parehong tulog itong dalawa hanggang sa dumating ang kuya ni Hiyas at nagtungo ito sa dalawa. Ganon na lang ang pagpipigil niya sa inis niya nang makitang natutulog si Hiyas at ganon din itong si Archen kaya marahan itong umubo. Upang gisingin si Archen at nagtagumpay naman ito.
“ Sir? “ nagtataka pa niyang tanong. At napagtanto na lang niya ang mga nangyari ng mapansing nasa ibang kwarto siya at mahimbing ring natutulog si Hiyas. Kaya napakagat na lang ito sa labi niya sa inis dahil sa kapabayaan niya.
“ I’m sorry, Sir “ ito lang ang lumabas sa bibig niya.
“ Pack your things at sumunod ka saakin “ paglabas ng Kuya ni Hiyas, ganon naman ang pag-aalala ni Archen na sumunod rito.
“ What happened? “ tanong nito agad ng maupo siya at paupoin si Archen. Kinuwento naman nito ang lahat kaya hindi magawang magalit ng Kuya ni Hiyas.
“ Ipapahatid kita sa driver “ sabi na lang nito saka nito kinuha ang wallet niya at nabasa naman agad ni Archen ang gusto nitong gawin “ Just buy the food you want__ “
“ Hindi na po “ nahihiya nitong sabi saka sinuot ang bag niya at yumuko rito ng mabilis bilang respeto saka nagpaalam at naglakad ng mabilis palabas habang hiyang hiya sa mga nangyari.