CHAPTER 5

1151 Words
The morning I wake up with Erik's loud voice, calling my name over and over again. For f**k's sake it's still 4AM in the morning and everyone in the neighborhood is still asleep, even his children and his wife. "Gabriella! Tatayo ka ba d'yan o hihilahin pa kita palabas?!" Antok akong tumayo mula sa binuklat kong kutson sa living room nila habang kinakamot pa ang ulo ko. Kahit na gusto ko pang humiga at matulog ulit, isa-isa kong kinuha ang mga unan ko at niligpit 'yon sa gilid kung saan ang iba ko pang kagamitan lalo na yung malaking bagahe ko nakalagay. Tinupi ko rin ang kutson at ang karton na pinagpatungan para hindi madumihan yung puting bedsheet ng kutson. Nang silipin ko ang sarili ko sa salamin ay nagulat ako sa itsura ko. Sobrang gulo pala ng buhok ko at sobrang lalim ng ilalim ng mga mata ko dahil sa puyat kakasulat sa journal ko tungkol sa gagawin ko para kay Gotti. Argh, shocks. The effort I put into this mission is so frustrating. Literal na undercover sa field. Well, it's a first. "Ella, may gagawin tayo ngayong araw. Suotin mo 'to." Erik passed me a clear zip lock bag with wig, clothes, makeup and other stuff inside. Tinanggap ko 'yon at akmang bubuksan na nang lumabas mula sa kuwarto si Mandy na nakasuot ng maikling shorts, fishnet stockings, at tops na parang nakulangan ng tela. Naka wig pa siya na kulot at mahaba at nakamakeup nang sobrang kapal. "Maligo ka na doon at magbihis gamit 'yan. Bilisan mo na baka malate pa tayo," utos ni Erik sa 'kin kaya hindi na ako nagdadalawang isip pa na kunin yung tuwalya kong nakasabit at dumiretso sa banyo para maligo. It did not took me ten minutes to bath. Mabilisang pagkuskos sa katawan at buhok lang ang ginawa ko at pinatuyo ang sarili ko. Habang nasa loob ng banyo at dahil medyo maluwag ang banyo nila Mandy at Erik, kinalikot ko muna yung binigay na zip lock bag sa 'kin ni Erik. There's a very long straight hair wig na tila bagong rebonded na buhok, isang dress na kita ata yung pwet ko, at mga jewelries na halatang sa gilid gilid lang nabili. May mga makeup din na pwede kong gamitin. And a green contact lens. Base sa itsura ni Mandy, I should look like a total w***e and so, I did. I put on a heavy makeup that I almost couldn't recognize myself in the mirror. I also put a mole on top of my lip. Delikado, baka bigla kaming magkaharap ni Gotti. Paglabas ko ng banyo ay bihis na ako at nakawig at makeup na. Mandy gave me a six-inch heels and a pair of earrings that is probably our comm for today. Hindi nagsasalita si Erik na naunang lumabas kaya sumunod ako, last naman si Mandy na siyang naglock ng pinto matapos magpaalam sa babysitter niya na aalis na kami. Pumasok ako sa likod ng sasakyan ni Erik at hinayaang magdrive siya nang tahimik. As in sobrang tahimik, ni hindi ko narinig na nagbabangayan ang mag-asawa ngayon dito sa loob ng kotse nila. Eh minsan naman parati silang may eksena kahit na nasa tabi lang nila ako. Either they joke and cringe each other around or have a serious talk about their life or their children and their future, na para bang wala ako sa paligid nila. "Mandy, ikaw na bahala magpaliwanag kay Gabriella. Magingat ka." Uhm, hello? Hindi rin ba dapat ako magiingat? Kawawa naman ako o walang kaalam-alam dito. Pagkalabas namin sa sasakyan ay napansin kong nasa isang liblib na lugar kami. Umalis kaagad si Erik nang hindi man lang tumitingin sa 'ming dalawa. "Anong nangyari do'n?" tanong ko kay Mandy na kanina pa tahimik. "Galit," sagot niya. "Tutol siya sa gagawin natin ngayon dahil baka mapahamak raw tayo. Pero anong magagawa natin kung utos ni Miss Kelly, hindi ba?" Miss Kelly, ang director ng ACEA. Kapag siya yung maguutos, wala ka nang magagawa pa. It's like a direct call mission from the leader. Pero ba't hindi ko alam 'tong bagong mission na 'to? Unfair, ha. Pinamukha pa akong pokpok dito. "Inutusan kasi si Erik na pagsabihan tayong dalawa na may sideline mission tayo for now. It's still about Gambino, pero this time ay pupunta tayo sa mansion niya. They will be having a party--an erotic party which Gambino likes. And we will examine his house. Luckily, nakahanap ng lusot si Miss Kelly para makapasok tayo and that's where we study his house for future plans in getting evidences." "So... galit si Erik dahil?" I asked once again, my face looks confused. "Dahil baka may mangyari sa 'kin. Ella, erotic 'to. Yung trabaho natin is to please everybody." "Oh, God." Oh God. Parang bumaliktad ang sikmura ko sa sinabi ni Mandy. *:・゚✧*:・゚✧ ♕ *:・゚✧*:・゚✧*:・゚✧*:・゚✧ ♕ *:・゚✧*:・゚✧*:・゚✧*:・゚✧ ♕ *:・゚✧*:・゚✧*:・゚✧*:・゚✧ ♕ *:・゚✧*:・゚✧ May sumundo sa 'min na isang limousine at pagpasok pa lang namin sa loob ay halos mga babae ang nakasakay dito, wearing their best sexy outfit na bakat ang bawat parte ng balat nila. Mga kinulang ng tela, tapos parang isang dipa ang taas ng takong. "Labas," utos ng lalakeng may malaking pangangatawan na siyang nakaupo sa pinaka dulo. Dahil sa laki at pino ng boses niya, awtomatik na nagsilabasan ang mga babae lalo na kaming dalawa ni Mandy. Inayos ko muna ang dulo ng dress ko. Naunang naglakad yung lalaki kaya sinundan namin siya papasok sa likod ng bahagi ng napakalaking bahay--o mansyon kung titignan ko lang dito. When we got inside, namangha ako sa taas ng ceiling at mamahaling gamit sa loob. Everything seems like imported--from the ceiling to the ground. Gaano ba kayaman 'tong Gambino na 'to? Binuksan ng lalake ang isang malaking double-door at bumungad sa 'min ang napakalakas na tugtog at ang nakakahilong disco lights sa isang dim na malaking kuwarto. We step inside and the girls started to scatter. [Do you hear me, guys?] I heard Erik's voice on our comms, and I hear different voices of women answering him. Huh. Puro pala agent 'yung mga kasama naming babae. Maybe they're from other departments, kaya hindi ko sila nakilala agad. [Agents, please roam around for visuals.] Ah, oo nga pala. May contact lens kami that serves as our camera. So I started to roam around and greet every men that slaps my butt. Some also cat calling me and trying to get on me when our job is to serve and please them, not to be used. Jesus, these men can't resist.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD