CHAPTER 8

1222 Words
I texted Gotti na nandito na ako sa tapat ng building ng condominium. Mas mabuting kahit papaano ay iisipin parin niyang dito pa ako nakatira para hindi ako mahuli. Mahirap na, silang dalawa ni Gambino na ang nakasalamuha ko. And now I'm doomed--tatlong pagkatao na ang dadalhin ko. Bilang Gabriella as the agent, Cindy Eleanor as the freelancer, and Isabella as the erotic worker. Hindi nagtagal ang paghihintay ko kay Gotti. Pumarada ang sasakyan niya sa harapan ko ten minutes after I sent the text. Bahagya kong iniyuko ang ulo ko para makita ang ibinaba niyang bintana upang silipin ako dito. "Hi," he said, smiling. Ngumiti ako pabalik sa kaniya. "Get in." I hear him unlock the passenger's seat for me so I open the door and sat comfortably inside. Maingat kong isinarado ulit ang pinto at nilingon siya. "Same spot?" I ask him with a hint of excitement. Tumango siya and started to drive away. *:・゚✧*:・゚✧ ♕ *:・゚✧*:・゚✧*:・゚✧*:・゚✧ ♕ *:・゚✧*:・゚✧*:・゚✧*:・゚✧ ♕ *:・゚✧*:・゚✧*:・゚✧*:・゚✧ ♕ *:・゚✧*:・゚✧ Nakarating kami sa downtown kung saan maraming mga nakahilerang cart ng iba't ibang street food. Bago kami lumabas at kumain nang kumain ay naghanap muna si Gotti ng spot para makapag park. "I guess it's fine here, 'di ba?" He asked, stopping his engine. Sumilip ako sa labas at tumango. It's a parking space naman, kaya no worries. I unbuckle my seatbelt and unlocked the door. Paglabas ko pa lang ng sasakyan ay samu't saring ingay ang bumungad sa 'min. May mga tinderang nagtatawag ng customer para bumili ng paninda nila, meron ding mga batang nagbebenta ng candy at mga sigarilyo na nasa isang wooden box na siyang hinahampasan nila ng stick para makakuha ng atensyon mula sa mga driver. Tumabi sa 'kin si Gotti at hinawakan ang kamay ko. Dahil sa ginawa niya ay bahagya akong napaatras dahil sa gulat. "Sorry. The place is too crowded. Baka mawala ka sa paningin ko, e." Smiling, I nodded and held him back. Lumapit kami iba't ibang cart at sinilip ang mga paninda. "Anong gusto mong kainin?" I pressed my lips into a thin line and spotted a cart na medyo konti lang yung tao. It's a combination of siomai and rice, hmmm, and chilli sauce too. "Do'n!" turo ko. Narinig ko siyang humagikgik pero kalaunan ay hinila ako papunta doon. "Two serve of siomai-rice, kuya. With chillie sauce," wika ko sa nagtitinda. "Pork, chicken, o Japanese style po?" Nilingon ko muna si Gotti. "Ano ba sa 'yo?" "Hmm... I think Japanese style tastes good." Nilingon ko ulit si kuyang tindero at tinuro ang siomai na nabalutan ng itim na wrapper. He understood and started to serve our order. 'Buti nalang talaga at naka-una kaming pumunta dito. Dahil hindi nagtagal ay dumagsa ang mga taong gustong kumain dito. Nakatayo kaming kumakain sa gilid hawak ang de-karton na bowl na may rice at Japanese style siomai na toppings. With chilli sauce, yes, heaven. "Why'd you crave for street food?" tanong ko habang puno pa ng pagkain ang bibig ko. Hindi kaagad siya nakasagot dahil narinig ko siyang sumisinghot at parang naanghangan sa sauce. "Well... I kinda... s**t this is so spicy." Tumawa ako nang malakas. Malaking tao pero mahina sa maanghang. Ano ba yan. "You don't have to eat that way," I teases him. Paano ba kasi, binabangga niya sa labi niya yung maanghang na part. Ang ending, namumula at namamaga yung labi niya. "Ganito, oh." Tinusok ko yung plastic na tinidor sa slice ng siomai na napaliguan ko ng maanghang na sauce. Bakas pa ang napakaraming balat at buto ng sili. Itinaas ko 'yon papunta sa bibig ko at pinakita sa kaniya na dapat idineretso 'yon sa loob mismo ng bibig para sa loob lang yung anghang, hindi sa lips. "Oh, God," he gave up. Humagikgik ulit ako. I watch him ask for a lemonade and drank it in one gulp. Pero mas lalo siyang nagreklamo dahil mas lalo raw umanghang yung labi at bibig niya. "Naku ka talaga, tara!" Hinila ko siya sa isang convenience store at binilhan siya ng gatas na nasa bote. I gave it to him and somehow it gives him relief. "s**t, that was so embarrassing..." Tawa niya matapos lagukin ang gatas at sa tingin ko'y medyo nawala yung anghang na nararamdaman niya. "Sinabi mo sana na hindi ka pala fan ng maanghang, e. Edi sana nasarapan ka sa siomai." Kapwa kami tumawa. It was an epic night for a street food moment. I can't imagine this huge guy here being afraid of chillie. *:・゚✧*:・゚✧ ♕ *:・゚✧*:・゚✧*:・゚✧*:・゚✧ ♕ *:・゚✧*:・゚✧*:・゚✧*:・゚✧ ♕ *:・゚✧*:・゚✧*:・゚✧*:・゚✧ ♕ *:・゚✧*:・゚✧ We had fun strolling around downtown while trying different street food on every cart. Pagbalik namin sa sasakyan niya ay pareho kaming napareklamo dahil sobrang busog na namin yet we still buy the food that he haven't tried yet. "By the way, free ka pa rin ba bukas?" tanong niya nang makarating kami sa tapat ng building ng condo nila Mandy. "Hmm, hindi ako sure. Siguro?" "Okay. Ganito nalang, can I call you tomorrow afternoon?" Oh God wait, is he asking me out on a date? "Sure. Thanks for tonight!" Lumabas ako mula sa sasakyan niya at kinawayan siya. Once he drove away, pumara naman ako ng taxi para papunta sa apartment ko. Shiz ang hirap pala ng setup kong ito. Kung sabihin ko kaya sa kaniya na lumipat na ako unexpectedly? Ay h'wag, delikado. Malapit lang 'yon sa headquarters yung bagong tirhan ko. "Dito lang po, manong." Matapos magbayad ay lumabas ako sa taxi at kinalikot sa bag ang susi ng apartment ko. Sa gitna ng pagkalkal ko para sa susi, pakiramdam ko'y may nakatitig sa 'kin mula sa likod ko. While acting normal, nakapa ko yung maliit na kutsilyong palagi kong dala and with a one swift movement, I immediately aim for the leg and threw it. "f**k!" daing ng lalaking nakasuot ng kulay itim na tshirt, black jeans and sneakers. He also wears a black cap and a mask. "Who are you? Ba't mo 'ko sinusundan?" "Tangina mo talaga. Una, hinampas mo 'ko ng malaking libro tapos ngayon ginawa mong dart board itong paa ko?!" Kumunot ang noo ko. Nalala ko yung tindig at figure ng katawan niya. "Ikaw yung kumuha ng Walther PP ko?!" I watch him remove the small knife that I just pierced him at tinapon 'yon sa sahig. Dumudugo pa yung paa niya at paika-ika siyang lumapit sa 'kin. "I swear to God, I will kill you." Tinaasan ko siya ng noo at sinipa ang paa niyang may fresh na sugat pa. Napadaing siya dahil do'n. "Says the man who got darted by a woman, huh."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD