Kinabukasan ay pagpa-practice pa rin ng baril ang inatupag ko, tila ba minamadali ang sarili na matuto. Naalala ko kasi ang sinabi ni Pedro kagabi, isang linggo na lang ang itatagal namin dito sa isla. Aalis na kami bago pa man sumapit ang katapusan ng Hunyo, bago pa man ulit dumanak ang dugo sa bahay na ito at magkagulo. Though, iyon naman talaga ang mangyayari, na habang nasa poder ako ni Brayden ay mananatili ang paghahabol sa akin ng mga Melendrez. Patuloy pa rin akong hahabulin ni Xian. Speaking of which, mukha niya ang nakalagay sa human target board na naroon sa loob ng Shooting Range. Sa ganitong paraan ko sinasanay ang sarili na saktan siya, na kaya ko siyang barilin. Para pagdating ng oras na magtatagpo ulit ang landas naming dalawa ay wala akong awa na mararamdaman para sa ka

