Chapter 21

2569 Words

Masasabi ko bang save by the bell ang pagtawag na iyon ni Pedro? Siguro? Kasi kung hindi iyon nangyari ay wala sana akong mukhang maihaharap ngayon, pero hindi ko alam kung bakit abot hanggang langit pa rin ang kahihiyan ko. Hindi ko alam kung paano nangyaring nakabalik kami ng dalampasigan, o kung ano ba iyong emergency na sinasabi ni Pedro. Basta pagkababa ko ng yate ay dere-deretso akong tumakbo papasok ng bahay. Hindi ko na hinintay pa si Brayden. Hindi ko na siya tiningnan pa at kinausap. Natulog ako kagabi na akala mo ay bangungot ang nangyari. Ngayon na panibagong araw na naman para pakitunguhan siya ay hindi ko alam kung paano siya haharapin. Anong oras na at nandito pa rin ako sa kwarto. Kanina pa ako gising, nakaligo na rin ako at lahat ngunit hindi ko magawang lumabas ng kwar

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD