"Dito na ako bababa."
Naiinis na sambit ni Alexis. Nakarating na rin sila sa LSU matapos ang bangayan nila. Kasalukuyang nasa b****a sila ng La Sedilva University at nag-aaway na naman.
"No way, this is a prestigious school imposibleng walang parking lot dito."
Napairap na lamang si Alexis at di na pinansin ang binata. Duh para saan pa't ginawa ang kotse kung walang garage o parking lot kaloka. Kaagad naman na pinark ni Kleinder ang kotse at lumabas. Gulat na napatingin si Alexis sa kaniya ng higitin nito ang kamay niya at hinawakan. God Kleinder intertwined his hands to Alexis. Bigla namang kumabog ang dibdib niya. Pinagtitinginan na rin sila ng mga estudyante.
"Bitawan mo ang kamay ko kung ayaw mong masaktang gago ka."
Pabulong na sambit ni Alexis at nagtitimping wag sapakin ang lalaking to. Ang sama pa ng tingin ng mga estudyante sa kanila. Pakialam naman niya. Oh well wala talagang gamot sa insecurity.
"G-good morning Ma'am Luna Lui siya po si Kleinder Salvi ang apo ni lola Isabella at dito na po siya mag-aaral."
Plastik na sambit ni Alexis at inirapan si Kleinder.
"Oh, hijo ikaw pala yon. Your grandma informed us already. Ikaw pala ang apo niya na mag do-doctor. Ang gwapo mo pala. Your room will be on the 3rd floor Room-A-4."
"Thanks."
Tipid na sambit nito at hinatak na naman siya. Pansin lang niya kanina pa tong lalaking to. Kung makatingin naman ang mga tao dito sa University nila kulang nalang i-video sila. Nagsisi-labasan pa ang mga ito sa kaniya-kaniyang room. Ano to?, may live show?. Wala naman dito si Nick Bateman eh kung makatitig wagas.
"Male-late na ako ano ba."
Agad namang nangunot ang noo nito at tinitigan siya.
"Akala mo siguro di ko alam na nasa 4th floor ang room mo. Kaya kung ayaw mong ma late diyan wag ka ng mag-inarte pa."
"Aba-aba sinong tinatawag mong maarte ha? Eh ikaw nga diyan e.."
Agad namang napahinto si Alexis sa pagsasalita when Kleinder pressed his lips on hers. Alexis heard how the other students gasped as what they saw.
"You know what my tamarind? you look like a stupid woman right now. Bye, sabay tayong umuwi mamaya okay?"
At hinalikan ang pisngi niya. Parang nawawala siya sa huwisyo niya at nanlalantang lumakad. Did that guy kissed her? How dare him napahawak naman agad siya sa labi niya at napakislot ng may tumawag sa kaniya.
"BESTFRIEND!"
"S-sandira?"
Nakangangang sambit ni Alexis habang nakatingin sa isa pa niyang bestfriend si Sandira Nherraine Couverré Astrid . Nag-aaral ito sa Manila. Mayaman ito at mabait at sobrang ganda. Nakapagtataka lang at nandito ito ngayon sa La Sedilva.
"Hindi ba ako nananaginip?"
"This is me bestfriend naman oh ang walang ibang napakaganda mong bestfriend. Sandira Nherraine Couverré Astrid."
"T-teka nga muna at bakit nandito kang bruha ka diba may klase ka ngayon?"
"To naman oh, di mo ba ako namiss ha?"
"Syempre namimiss kita pero ikaw na babae ka kilala ka namin ni Merian ah wag kang maglihim ba't nandito ka?"
"Nandito kasi ang crush ko."
Kumikinang pa ang mga mata nito habang nakatingin sa kaniya. Agad naman niya itong binatukan.
"Anong crush ha, Sandira umayos ka."
"Aray naman, napaka sadista mo talaga may lahi ka bang hapon?"
Nakabusangot nitong tanong sa kaniya habang hinihimas ang ulo nito.
"Eh, bakit nga nandito ka?"
"Eh yun nga eh. Nandito ang taong gusto ko. Ang step-cousin mo."
Agad namang nanlaki ang mga mata ni Alexis. Doble na ang poproblemahin niya kung si Merian banal si Sandira naman ang tanga. God hindi kaya si Kleinder ang tinutukoy nito?Imposible namang si Kendrick ang magugustohan niya. Ang suplado nun. Iniisip pa lang niya na nagugustuhan ng kaibigan niya si Kleinder parang sumisikip ang puso niya. Oh, sadyang mahigpit lang ang pagkaka-hook ng bra niya kaya sumisikip ang dibdib niya.
TBC
Zerenette