It's already morning, masiglang bumaba si Alexis at nagluto sa kusina.
It's her daily routine pagkatapos magluto ay pumunta siya sa labas at nagdilig sa garden ng Donya.
Masayang-masaya siya dahil sa wakas wala na ang mga naggwa-gwapohang lalaki. Naligo naman siya at nagbihis ng uniform tamang-tama rin at nasa hapag na ang Donya.
"Good morning mga mahal ko. Kumusta ang tulog niyo? Kung ako ang tatanungin niyo. Napaka-ganda ng aking tulog nanaginip pa ako na humiga ako sa ibabaw ng sampalok," nakapikit pang sambit ni Alexis at kababakasan ang saya sa munting labi nitong mapupula.
"Good morning din apo. Halika na at nang maaga kang makakapasok sa university," nakangiting sambit ng Donya. Agad naman siyang umupo at hinintay na mahain lahat ng katulong ang mga luto niya.
"Ikaw ba ang nagluto nito apo?" tanong ng Donya.
"Opo lola, kain na po tayo," saad niya na ikinatango naman nito.
"Sige hija, oh Kleinder apo halika na at ng sabay na kayong pumunta sa university," tawag ng Donya sa apo niya. Agad naman na sumama ang timpla ng mukha ng dalaga. Hindi niya nagustohan ang narinig. Mukhang malabo na magkasama silang pupunta ng university.
"Anong ulam lola?" nakangiting tanong ng binata at umupo katabi niya. Agad naman siyang napairap. Nangunot ang noo ni Kleinder sa nakita.
"Anong klaseng ulam to? Ba't puro may sampalok?"tanong ng binata at tila hindi makapaniwala sa nakikita.
"Wala bang bacon and sunny side up? Or pan cake? Or fried rice bakit puro sabaw?"
Naningkit ang mga matang tiningnan ni Alexis si Kleinder.
"Sinigang na bangus with sampalok sinigang na baboy with sampalok at sinigang na baka with sampalok. Ako ang nagluto niyan bakit may reklamo?" Naiinis niyang tanong sa binata.
"Balak mo bang mawalan kami ng dugo Alexis?" nakangising tanong ni Kleinder.
Agad namang nagtagis ang mga bagang ni Alexis at sinipa ang paa niya.
"Alam mo bang masarap ang niluluto ko ha? And por your impormesyon masustansiya 'yan. Palibhasa kasi hindi mo alam ang bitamina," usal niya.
Nakakunot-noong tiningnan ni Kleinder si Alexis. Nangingiti na nagmamasid lamang ang Donya sa kanilang dalawa.
God, grabe talaga ang arogante ng binata. Walang nagawa si Kleinder at kumain na lamang. In fairness masarap nga talaga.
"Apo anong kukunin mong course?" tanong ng Donya kay Kleinder na kasalukuyang kumakain. Nakikinig lamang si Alexis at nilantakan ang sinigang niya.
"Tatapusin ko na po ang pag me-medicine ko lola," sagot ng binata.
"That's good then, e ikaw hija hindi ka ba magsi-shift?" tanong nito sa dalaga.
"Huwag na po lola gusto ko po ang kurso ko eh. Ayaw ko na pong pabalik-balik sa university nai-stress ang byoti ko. Gagradweyt na ako lola, kaunting tiis pa," madamdaming ani niyaat hinarap ang matanda.
"Good, so sabay na kayong pumunta ng LSU since iisang university lang naman ang pinapasukan niyo," suhestiyon ng Donya.
"Lola ayoko, alam niyo namang suki ko si, Mang Kadyo. Huwag na, doon na lang ako sa motorsiklo niya sasakay," sagot ng dalaga.
Agad namang nangunot ang noo ni Kleinder sa sinabi ni Alexis . How dare her to refuse.
"Ang sabi ng lola sumabay ka sa'kin. I don't know where is La Sedilva University baka maligaw ako," ani ng binata.
Napaismid na lamang si Alexis. Sa mukha pa lang nito imposibleng maliligaw to. Naku! lang talaga pagdating sa university nila siguradong pagkakagulohan 'to.
"Oo nga naman hija, tour him around. Kleinder is a smart man kaya pagkatapos mo siyang i-tour sa unibersidad ninyo maari mo na siyang iwan," saad ng Donya.
"Ahy, kaya mahal kita lola eh. Nilalayo niyo ako sa masasamang bagay," nakangiting sambit ni Alexis. Napailing na lamang si Kleinder. Seems like his peaceful life will never be peaceful again and he finds it challenging and exciting.
"Let's go?" aya ng binata sa kaniya. Tinaasan lamang siya nito ng kilay at nauna nang lumabas.
"Hey," tawag niya rito.
"Alexis Julie Alonzo," ani niya at tiningnan ang binata. He raised his eyebrows at him.
TBC
Zerenette