Ilang oras lang naman ang matuling nagdaan at uwian na. Tahimik na naglalakad si Alexis palabas ng unibersidad habang mahinang sumasabay sa tugtog ng kaniyang cellphone. Sumakay na lamang siya kay Mang Andoy at diretsong umuwi sa mansiyon. Nagmamadaling pumasok siya sa kusina at nanlalaki ang mga matang napatigil. Hindi niya alam kung bakit parang tumigil ang kaniyang paghinga. It's Kareena and Kleinder kissing like there's no tomorrow. Gulat na napatingin sa gawi niya si Kleinder at inirapan lamang siya ni Kareena. "P-pasensiya na, I-I didn't mean to interrupt," ani ng dalaga at nagmamadaling umalis si Alexis at pumasok sa kwarto niya. Hinawakan niya ang kaniyang dibdib at bumuntonghinga. The feeling was too overwhelming. Hindi niya maintindihan ang sarili. "Ano ba 'tong nararamdaman ko

