Nagmamadaling bumangon si Alexis at naligo para kumain ng agahan kasama ang kinikilala niyang pamilya. She blushed upon remembering what happened last night. Nahihiya man ay bumaba na siya. Delikado baka magkita pa sila ng binata. Eh 'di sobrang pagkapahiya ang mangyayari sa kaniya. Papunta na siya ng kusina nang makita ang Lola Isabella niya na nakaupo sa sala. Kinakabahang nilapitan niya ito. Naalala na naman niya ang nagawa kagabi. "Alexis, apo," nakangiting bati nito sa kaniya. Nagsimulang tumulo naman ang mga luha sa mata niya't niyakap nang mahigpit ang matanda. "Sshh, stop crying apo, tahan na," nakangiting sambit nito habang niyayakap siya pabalik. "Lola, sorry po sa ginawa ko kagabi. Sorry po, sorry po talaga," sambit niya habang patuloy sa pag-agos ang luha niya. Donya Isa

