Chapter One

1286 Words
Lucien's POV Kanina pa ako naghihintay dito sa waiting shed. Sobrang init ngayong tanghali. Para kong tuyot na tuyot at pawis na pawis. Kitang-kita na tuloy sa suot kong puting t-shirt ang matipuno kong katawan na batak sa gym. I want to go home to drink cold water. I came from the neighboring town. I registered there because I will be joining a singing contest. Due to the long queue and the number of participants, it was only now, at noon, that I finished registering, even though I started in the morning. Nakakatawa nga ‘yung baklang nagpapalista sa mga sasali sa singing contest. Trip ata ako. Hindi naman sa pagmamayabang. Sa lahat kasi ng lalaking nag-register doon kanina ay ako lang ata ang may pinaka magandang mukha at pinaka magandang katawan. Sabi pa nga ng bakla sa akin kanina, tila namali raw ako nang pag-register doon. Hindi raw ako pang singing contest, pang pageant daw dapat ako. Willing pa nga niya akong tulungan sumali sa pa-pageant daw nila, pero humindi ako dahil singing contest talaga ang binabalak kong salihan. Kailangang-kailangan ko ng pera para makapag-ipon. Malapit na kasi ang pa-singing contest sa LCS TV Network. Hindi puwedeng ‘di ako sasali doon dahil pakiramdam ko ay doon na magbabago ang buhay ko kapag nakasali ako roon. Baka doon ko na maabot ang pangarap ko na maging isang sikat na artista. Hindi lang ‘yun, kapag nakapasok na ako sa LCS Network, magkakalapit na kami ng landas ni Melira Losande na siyang sikat na sikat na babaeng artista ngayon. Hindi naman masamang mangarap ng ganoong kataas, pero pangarap kong maging syota si Melira. Ewan ko ba, adik na adik ako sa artista na ‘yun. Simula nang makita ko siya sa TV, natulala na lang ako bigla sa ganda niya. Kaya naman lahat ng teleserye at movie niya ay pinanuod ko sa tv at ganoon na rin sa sinehan. Wala akong pinapalagpas. Lahat ng magazine at mga newspaper na may mukha niya kinokolekta ko. Ganoon ako kaadik sa kaniya. Ang susuwerte nga ng mga lalaking katambal niya sa mga palabas. Inggit na inggit ako kapag nakakahalikan nila si Melira. Jusko, kung ako siguro ang taong makakahalikan niya ay baka manigas na lang bigla ang katawan ko sa sobrang kilig. Pero, imposibleng mangyari ‘yun. Tanggap ko na na hanggang pangarap lang ako. Pero aasa pa rin ako. Libre namang mangarap ‘di ba? I am Lucien Vergara, a graduate of Hotel Restaurant Management. My dream is to become a famous celebrity. I am confident because I have a good voice, not only that, I am also skilled in dancing. I have the courage to enter showbiz because I believe I have what it takes. Magiging buhat bangko na ako, oo na, guwapo naman kasi ako. Bakit ko nasabi? Aba, lahat na lang ng babaeng naging syota ko, hinahabol-habol ako kapag nakikipag-break ako. Bakit ko ginagawa ‘yun? Pangtanggal stress ko lang naman sila. Aminado naman ako na mali ako roon, pero sorry po, Lord. Lahat kasi sila ay hindi ko naman sineryoso. Bakit ulit? Dahil naka-focus ako sa goal ko. I have told myself that when I have already achieved my dreams, that’s when I will look for a woman to take seriously. I don’t want to have a girlfriend and suddenly get her pregnant when I still don’t have much to offer. I don’t want to experience having a family without a plan. That’s difficult. Focus lang talaga ako sa goal at sa sarili ko. Nagwo-work ako sa isang Italian restaurant. Ang kalahati sa sinasahod ko roon ay iniipon ko. Ang kalahati ay pinambibili ko ng mga kailangan ko sa bahay, pagkain at mga gamit na kailangan ko. Madalas din ako sa gym. Isa din ‘yun sa pinagkakagastuhan ko. Kailangan maganda ang katawan ko, hindi puwedeng hindi, dahil kung papasok ako sa buhay showbiz, isang malaking impact ‘yung maganda ang pangangatawan. Karamihan kasi sa sikat na lalaking artista ay maganda ang katawan. Lahat ng napanuod kong katambal na lalaki ni Melira ay matitipuno ang katawan. Kaya naman heto, sa ilang taon na pagpupunta ko sa gym, talaga namang na-achieve ko ‘yung mga kagaya ng katawan ng mga sikat na lalaking artista ngayon. Lalo akong gumuwapo tuloy. Kahit saan ako magsuot, hindi puwedeng hindi magpapapansin sa akin ang mga kababaihan, lalo na ang mga bakla. I am alone in my life now. In just one year, both my mother and father passed away. I feel so incredibly lonely being left all by myself. Fortunately, I have my own house and land. It's also a good thing that I am already a bachelor when they left. Somehow, I can manage being on my own. Hindi pala, kinakaya pa lang pala. Sa ngayon kasi ay nangangapa pa rin ako. May mga araw pa rin kasi na gipit ako. May araw na tinutulog ko na lang ang gutom kapag kapos sa pera. Hindi rin kasi sa lahat ng oras ay nananalo ako sa mga sinasalihan kong contest sa mga bayan na dinadayo ko pa talaga. Kadalasan kasi sa ibang pa-contest ng ibang bayan ay may nagaganap na dayaan o sabihin na lang natin na luto. ‘Yung ibang kasali, kakilala ang judges, kaya kahit pumiyok o hindi naman talaga kagandahan ang boses ay nananalo pa. Wala naman akong magagawa kapag nangyayari ‘yun dahil sa panahon ngayon, uso talaga ang pangyayaring ‘yun. Tang-ina lang talaga ng mga ganoong tao. Simula noong madaya ako, ‘di na ako sumasali sa bayan na ‘yun. Habang patuloy akong nag-aabang ng masasakyan kong tricycle dito sa waiting shed ay biglang may dumaan na magarang kotse. Namilog ang mga mata ko. Mabilis ‘yung pagpapatakbo ng kotse, pero sakto naman na pagtapat sa akin ng kotseng ‘yun ay bumukas ang bintana nito. Nahulog mula sa bintana ang isang ballpen na gumulong-gulong papunta sa ibaba ng paa ko. Sobrang bilis nang pagpapaandar ng magarang kotse na ‘yun kaya hindi nila namalayan na may naglaglag ng ballpen. Kung hindi ako nagkakamali ay tila galing sa isang magandang babae itong nahulog na ballpen. Mabilis ang sasakyan kaya hindi ko nakilala ang mukha ng babae. Pinulot ko ang ballpen. Pati ang ballpen ay magara dahil kulay violet ito na puro glitters pa. Halatang mamahalin ang ballpen. Tila pinasadyang gawin. Nagulat pa ako nang makita kong may nakaukit na pangalan sa katawan ng ballpen. Nang mabasa ko ‘yun ay hinabol ko tuloy nang tingin ang sasakyan na pinanggalingan ng ballpen. Pero sa layo niyon ay sigurado akong hindi ko na maaabutan si Melira Losande. Tama, sa kaniya ang ballpen na nalaglag at siya pala ‘yung babaeng nakita ko sa nakabukas ng bintana kanina. Kaya naman pala magara ang kotse, siya pala ‘yun. I deeply regret not calling her right away. I could have returned her ballpen. It’s such a waste; that could have been the first opportunity for me to see and talk to her in person. Talaga ngang sinusubukan ako ng tadhana. Ito na rin siguro ang sign na i-push ko ang pangarap kong makapasok sa showbiz. For now, I’ll just keep her ballpen. I’ll turn it into a lucky charm to help me win the contests I’ll be joining. Coincidentally, Melira Losande is the very reason why I aspire to become an celebrity. Perhaps, destiny led her ballpen to me to bring luck and fortune to my endeavors. Tumingin tuloy ako sa paligid. Nang alam kong walang tao ay saka ko hinalikan ang ballpen ni Melira. Ang bango niyon, sobrang bango. Amoy artista talaga. Kinilig ako bigla dahil parang nahalikan ko na rin tuloy ang kamay niya. I love you, Melira. I hope to see you soon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD