"Do I look okay? Hindi ba masyadong maikli, ate?" tanong ko habang panay ang tingin sa sarili sa malaking salamin.
Tumayo si ate Adri at niyakap ako mula sa likod. We stared at each other's reflection in the mirror, her bloodshot eyes made mine sting, too.
"Ang ganda-ganda mo, Audrey. Wala kang dapat ipag-alala sa itsura mo."
I smiled while holding back my tears. "Thank you, ate."
Pinaharap niya ako sa kanya at ikinulong ang aking magkabilang pisngi sa mga palad niya. "Basta, ha? Iyong usapan natin. This time, i-keep mo na."
Hindi ko naman nakakalimutan. Kahit naman kami ni Zon ay napag-usapan na iyon noong nagsimula kaming magsama sa condo niya. We cannot afford to have kids yet no matter how cute babies are. Babies are huge responsibilities not just a play toy, that's why we both promised to not have one until I graduate and have a good job.
"Huwag ka nang mag-alala, ate Adri. Hindi ko na babaliin ang usapan natin."
She drew in a sharp breath then looked at me from head to toe. "Kung nakikita ka lang nina Mama at Papa ngayon, siguradong gandang-ganda sila sayo." She sniffed. "Halika na nga bago pa masira ang make up natin. Baka magmukha kang bruha mamaya."
We both giggled with her joke. Nang oras na para maglakad ako patungo ng altar ay niyakap ko sila ni Adler at pinasalamatan sa pagmamahal nila sa akin. Hindi man buo ang pamilya namin, alam kong palagi kong magiging kasangga ang mga kapatid ko ano man ang mangyari.
"Ready ka na?" tanong sa akin ng tatay ni Gavin na itinuring na rin akong anak.
I nodded in response and looked around. Iilan lamang kaming naroroon. Ako, si Zon, ang mga kapatid ko, ang mga kaibigan namin, si Gavin at ang pamilya niya. Gwyneth, Gavin's little sister, is also part of the simple entourage. Zon decided to surprise me. Imbes na mayor lang ang magkakasal sa amin ay kinuha niya ang pari sa simbahang malapit sa university. He said he didn't just want us to be married by law, but also in the eyes of God.
A familiar love song started playing, and when I started walking with tito Garry, my eyes met Zon's reddened pools. Napakagwapo niya sa suot niyang barong habang nakatayo siya sa tabi ni Jolo na ganoon din ang suot. His smile was priceless, and the way he held back his tears made me emotional even more.
Nang marating namin siya ay nagmano siya kay tito Garry saka niya ako niyakap nang mahigpit. He kept whispering a series of I love you's in my ear, at kung hindi pa siya tinapik ng pari na magkakasal sa amin ay hindi niya pa ako pakakawalan.
We laughed. Pinunasan ko naman ang kanyang basang pisngi saka namin ipinagsalikop ang aming mga palad, at sa pagharap namin sa alagad ng Panginoon, nanumpa kaming magsasama sa hirap at ginhawa, sa gitna ng unos at sa karangyaan.
Akala ko ay madali. Akala ko ay hangga't mahal ng dalawang tao ang isa't isa ay imposibleng mabali ang mga pangako. Ngunit nang lumipas ang mga taon at dinanas namin ang pinakamtindi naming pagsubok, pakiramdam ko ay isa kaming balsa na nahati sa dalawa.
While he tries his best to go against the tide just to get back to me, I let myself float away from him because my heart was too drowned in pain.
Napupuno ng ingay ng mga taong nag-uusap-usap ang aming tahanan. Our wedding and my graduation photos were hanging on the wall, along with our baby's first photographs.
We had Zed two years after I graduated. I had a job at one of the best companies in Manila while Zon worked as a copywriter working from home. We're financially ready and we had the support we needed to start adding a new member to our family, but no one warned us that being financially stable is not a guarantee that we'll be able to raise our child.
Muling pumatak ang aking mga luha sa maliit na kabaong. I can't believe that our two months old little boy will be taken away from us this early due to his weak heart. Umiyak siya nang umiyak at hindi namin napatahan, siguro ay noong mga sandaling iyon ay nasasaktan na nang husto ang aming anghel ngunit hindi namin siya maintindihan. Naitakbo man namin siya sa ospital, pagkalipas ng apat na oras ay tuluyan pa ring binawi ng langit ang aming anghel.
Lumapit sa akin ang asawa ko at niyakap ako mula sa likod, ngunit kahit na alam kong nasasaktan din siya, hindi ko magawang iparamdam na nandito lang ako sa tabi niya. Iba na pala kapag pareho na kayong dumaranas ng sakit. Kung ako ang naging lakas niya noon, ako naman ang labis na nalulunod ngayon.
"Let's just pray that our Zed is in a better place now, Audrey. Kaya natin 'to."
Pinatakan niya ng halik ang aking sintido habang pumapatak naman ang mga luha ko. My eyes remained staring at our lifeless baby boy whom was still giggling yesterday. Buhay na buhay pa ang bahay namin kahapon ng umaga, tapos ngayon, puno na ng mga bisitang gustong makiramay.
Zon wiped his own tears before he rubbed my arms. "Wala ka pang tulog. Halika na muna sa taas para makapagpahinga ka--"
"Dito lang ako," malamig ang tinig kong putol sa kanyang sinasabi.
"But love, you need some rest--"
"Dito lang sabi ako! Bakit ba ang kulit mo?!"
Napatigil ang mga taong nag-uusap-usap. Lahat ay napatingin sa amin, at nang matauhan ako ay nilunok ko ang namuong bara sa aking lalamunan.
"I'm sorry. Ayaw ko lang iwan si Zed."
Zon heaved a sigh before he pulled me for a tight hug. "Then we'll stay with him." Pumikit ako nang halikan niya ang tuktok ng aking ulo. "Sasamahan natin siya hanggang sa huli."
I chewed my bottom lip as I sobbed. "Maybe I was gonna make a bad mom that's why God took him away this early."
"Hindi totoo 'yan, mahal. Look at me." Zon cupped my face, his eyes glistened with tears and pain. "You are the best Mom for Zed that's why God gave him to us. Siguro hindi pa lang ito ang tamang panahon para makasama natin siya."
Tanging hikbi ang nagawa kong itugon. Nang muli naming pinagmasdan ang anak namin ay inilapat ko ang aking palad sa salamin ng kabaong. Kung hindi pa pala ngayon ang tamang panahon, bakit ibinigay na siya sa amin? Bakit kailangan kaming saktan ng Panginoon sa pamamagitan ng anak na binuo namin sa pagmamahal?
I don't understand. Is God punishing us? Or maybe He just loves seeing people suffer. Iyon ba ang nais ng Diyos para sa mga tao?
Hindi ko maiwasang magalit sa Panginoon. The pain of a mother losing her child was too unbearable that all I wanted to do was escape from it. Kaya kinabukasan matapos mailibing si Zed, nagpasya akong bumalik na sa trabaho para maokupa ang isip ko.
"Where are you going? Audrey, you're on leave," Zon reminded. Hinabol niya ako sa garahe at pinigilan.
My cold eyes stared at my husband. "I have to work."
Bumuntong hininga ang asawa ko. "You need to rest."
My lips pursed. Bakit ba niya ako kinokontrol? Akala ba niya ay palibhasa kasal kami ay pwede niya na akong pakialaman sa lahat ng bagay?
Hinawi ko ang kamay niyang nakahawak sa aking braso. "Asawa lang kita, Zon. Hindi kita magulang. Huwag mo kong pakialamanan."
Dumilim ang kanyang ekspresyon kaya akala ko ay papatulan niya ako, ngunit pumikit lamang siya at humugot ng malalim na hininga bago niya ako kinabig upang yakapin.
"Sorry. I'm just worried about you, love. Kakalibing lang ni Zed, and we both know that we're still grieving." Hinagod niya ang aking likod. "Audrey, I'm here. We can cry together until it's no longer heavy."
I wish it's that easy. Sana nga pwedeng iiyak na lang at mawawala na rin ang sakit. I wish tears can easily erase the pain of losing Zed, but it can't. Gagaan lang, pero hindi mapapawi ang sakit.
Humugot ako ng hininga't kumalas na sa pagkakayakap niya. "Mali-late na ko."
Wala na siyang nagawa pa nang sumakay na ako ng kotse, at habang inaatras ko ang sasakyan paalis ng garahe, natitigan ko ang malamlam na mga mata ng asawa ko. Ng taong kasama kong nanumpa sa harap ng Panginoong sabay naming haharapin ang lahat ng pagsubok sa buhay, ngunit sa mga sandaling nakatitig ako sa kanya, wala akong maramdaman. It was like the pain of losing Zed made me numb.
My lips pursed as I maneuvered the car, only caring about my own grief and forgetting that my husband lost his child, too