Audrey didn't come home early again. Hindi ko na lang mapigilang matulala habang nakatitig sa cake na binili ko kanina para sa anniversary namin. Kausap ko na lang din ang mga tropa ko habang mag-isa akong nakaupo sa dining area namin habang mabigat ang dibdib ko. "Hindi na maganda 'to, Zon. Pangatlong beses na 'to. You really need to talk about it with her bago ka pa mapuno," nag-aalala nang sabi ni Thedrigs habang kausap ko sila sa video call. I couldn't even answer him. Para akong nauupos na kandila habang nakatitig sa cake dahil umasa na naman ako na sa pagkakataong 'to, hindi na makakalimutan ni Audrey. When she came home and acted in a cold way again, parang sasabog ako sa galit at sama ng loob. I went out trying to cool myself down. Baka kung aabalahin ko ang sarili sa pagtatraba

