Pinagmasdan ko si Maya habang kumukuyakoy siya sa kama. I let her watch a movie in my phone so she wouldn't get bored. Hindi pa ako pinayagang lumabas. Pabor din naman sa amin dahil kung sakali ay hindi rin kami makakatawid ng dagat dahil lumakas na nang husto ang bagyo. Nang matapos ni Maya ang movie ay sumisinghot niya akong tinignan. "Ang hirap pala ng buhay may asawa ano, Zon? Ang ganda-ganda nitong movie." I flashed a broken smile. "It is, but if you're with the right person, I know it's worth it." Ibinigay niya sa akin ang phone ko. "Pwede mo ba akong kwentuhan tungkol sa inyo ng asawa mo? Para may ideya rin ako kung paano talaga ang buhay may asawa. Sabi kasi ng Tatang ay malapit na akong mawala sa kalendaryo at gusto rin nilang makitang magkapamilya ako." I swallowed before I p

