Ilang araw na akong hindi pinupuntahan ni Maya sa kubo. Kapag sinusubukan ko naman siyang lapitan ay umiiwas siya kaagad at sumasama kay Steph kaya hindi ko maiwasang mainis. Idagdag pang hindi ako makatawid ng dagat para tawagan sina Adler. I want to ask if the investigator had already found something about Maya, because the longer I couldn't find out if Maya is already committed to someone else from Cebu or not, the more I can't sleep at night. Niligpit ko na ang pinaghigaan ko sa bangkang Mayari bago pa man sumikat ang araw. Hindi ko tinatabihan si Serenity at hinahayaan ko lang na mag-isa niyang gamitin ang kwarto ko. Ilang beses niya na akong kinumbinsi na manatili sa silid pero tumatanggi ako at ipinapakitang galit ako sa kanya. "Ang aga mo yatang nagising, Zon?" tanong ni Egay sa

