Inulan ng mga nakikiramay ang isla Dawen nang mabalitaan ng mga taga-karatig lugar ang pagpanaw ng tatay-tatayan ni Maya. Ngayong araw lang namin naiuwi ang labi niya, at awang-awa na ako kay Maya dahil kahapon pa siya hindi natitigil sa pag-iyak. I felt bad that the old man had to die this way. Nasasaktan ako para sa mga taga-isla, lalo na para kay Maya at sa mga bata na bagama't takot ay hindi na iniwan ang harap ng puting kabaong. "Zon, natawagan ko na 'yong pinapatawagan mo. Bukas daw ang dating nila sa bayan. Susunduin ko na lang," ani Egay. "Thank you. Kailangan nating mahanap ang totoong Mayari bago pa man mailibing ang tatay-tatayan niya. We need to double time." Tumango si Egay. "Humingi na rin ako ng tulong sa ibang mga kakilala kong taga-Davao. Ang iba sa kanila, nagprisinta

