“OUR competitors started to top our company.” Pagsisimula ni Gogoy. “Marami sa kanila ay nagbaba ng presyo ng mga sasakyan nila.” Dagdag pa nito.
Napailing siya. Mukhang ito ang simula ng totoong buhay negosyo nila para sa MCI. Pero sa kabilang banda, kinatuwa niya ang aksiyon na iyon ng mga kalaban nila. Dahil ang ibig sabihin lang niyon, isa silang malaking threat sa mga ito.
“Fine, let’s cut off seven percent of our price on our brand new cars. Tingnan natin kung kanino pupunta ang mga consumers. If that’s okay with you.” Suhestiyon naman ni Wayne.
“Hindi ba tayo malulugi diyan?” tanong naman ni Wesley.
“Nope. Marami tayong customers, marami ang bumibili ng sasakyan sa atin. Napatunayan na nila na de kalidad ang mga brand ng kotseng hawak natin. Kaya matatakpan niyon ang fifteen percent na idi-discount natin.” Sagot naman ni Kevin.
“But of course. Discount is only available if they pay the fifty percent of down payment, and ten percent if they pay the whole price.” Sabi naman ni Daryl.
“Sounds better, I agree with that discount proposal.” Sang-ayon ni Jefti.
“Not to mention our raffle. The people will be more curious about Mondejar Cars Incorporated. Mas maraming tatangkilik sa produkto natin. Imagine, seven to ten percent discount on all brand new non-luxury manual cars. And a raflle promo of a brand new Red Ferrari.” Nakangiting dagdag niya.
“Ang mga binebenta ng ibang kompanya at may discount ay mga brand na luma na. Habang tayo, we are selling brand new high class non-luxury cars with a discount. So, kanino mas pipiliin ng taong bumili? Eh di doon na sa masusulit ang pera nila.” Paliwanag naman ni Marvin.
“Right. Actually, hindi lang sulit. Kung hindi sulit na sulit.” Sabi pa ni Glenn.
“By the way, Mark. Speaking of raffle promo. How was it?” tanong naman ni Miguel.
“Oh, everything is doing well. Na-deliver na ang mga toy cars sa mga partner establishment natin.” Sagot niya.
“And the commercial, nice job.” Puri pa ni Karl.
“Yeah, I like it. Thanks to Wayne.” Sang-ayon naman ni Jester.
Ganito ang mangyayari sa raffle. Kailangan bumili ang mga gustong sumali sa raffle ng toy luxury cars worth one hundred pesos. Ang katumbas ng isang toy car ay isang raffle coupon. Sa coupon naman ay may nakaimprentang raffle number. Kailangan iyon i-text ng mga sasali kasama ang buong pangalan at kumpletong address nila sa numero na in-announce nila sa commercial. Para mas challenging, ginawa niyang one entry per sim card. Bahala na ang mga ito kung bibili sila ng maraming sim para sa maraming entries. Ang raffle ay magaganap, isang buwan mula sa araw na iyon. At ang prize, isang tumataginting na brand new Red Ferrari.
Dalawang araw matapos nilang i-air ang commercial para sa raffle promo ng MCI. Mabilis na nakatanggap sila ng positive comments galing sa mga consumers. Maraming nagtatanong na reporters sa kanila kung bakit isang napakamahal na brand ng sasakyan ang naisip nilang gawin premyo, kung tutuusin ay puwede naman isang ordinaryong kotse lang ang gawin nilang premyo. Ngunit ang tiwalang binigay sa kanila ng publiko at ang magandang komento sa kanila ng mga costumers nila ay hindi mabibigyan ng halaga. It’s priceless. Kaya sa pamamagitan niyon, gusto nilang sa ganoon paraan ay maipahatid nila ang taos pusong pasasalamat sa publiko.
“Saan mo planong gawin ang awarding ng prize?” tanong ni Gogoy.
“Here.” Simpleng sagot niya. “Is it okay? Mas maganda kasi kung visible sa media ang Ferrari.”
“It’s fine with me,” ani Gogoy.
“That’s good. So, everything’s settled then.” Sabi pa niya.
“Wait, Wayne. Kumusta na ang Finances ng MCI?” baling ni Gogoy sa pinsan niya.
“Doing well. Actually, it is great. Mataas ang sales ng MCI. Karamihan sa mga costumers ng mga kalaban natin ay nagsilipat sa atin.” Masayang sagot ni Wayne.
“Good. So here’s another thing boys. Wesley, Mark. We need more Sales Agents. Magpa-advertise kayo ng Job Opening sa Internet at sa mga Broadsheets ng mga Sales Agents, at least ten more. And Jester, ikaw na ang bahalang mag-interview sa mga aplikante, make sure to choose the best agents.”
“Yes Boss,” mabilis niyang sagot.
“Got it,” sabi naman ni Jester.
“Are we done? Can I go now?” tanong pa niya dito.
Nagtinginan ang mga ito sa kanya. Si Karl ang nagsalita.
“Bakit ba parang nagmamadali ka?” tanong nito.
“Eh gusto ko ng umuwi eh. Pagod na rin ako.” Sagot niya.
“Huu! Pagod ka diyan, ang sabihin mo gusto mo lang makita si Kim.” Panunudyo pa ni Wesley.
“Oy teka, nasaan na ‘yung binigay n’yang biko? Tara kainin na natin!” sabad naman ni Daryl.
“Ayoko nga, akin ‘yon eh. Humingi kayo sa kanya kung gusto n’yo.” Tanggi niya.
“Kailan mo ba balak ligawan ‘yon?” tanong naman ni Gogoy.
Kunot noong tiningnan niya ito. “Ligawan? Bakit ko naman siya liligawan?” tanong niya.
“Because you like her,” si Jefti ang sumagot.
“No Pare, because he loves her.” Pagtatama ni Kevin.
“Tigilan n’yo ko! Huwag n’yo pakialaman ang lovelife ko.” Saway niya sa mga ito. Sabay tayo, saka siya naglakad palabas ng conference room.
“Oh? Saan ka pupunta?” habol na tanong ni Marvin.
“Sa Groove, magre-relax. Nakaka-stress kayong kausap.” Sagot niya.
“Uy teka, sama ako.” Sabi ni Wesley, saka mabilis na tumayo.
“Ako rin, ako kaya ang may-ari ng pupuntahan n’yong Bar.” Sabi pa ni
Karl.
Kung maaari lang niyang puntahan si Kim sa mga sandaling iyon para mawala ang pagod niya. Ginawa na niya. Kaya lang, bubuhos ang kantiyaw ng mga Pinsan niyang ito kapag dumiretso siya sa dalaga. And worst, maging ang huli ay magtataka. Baka sabihin, umaarte siyang boyfriend nito. Kaya wala siyang choice kung hindi mag-relax sa The Groove. Doon na lang niya iisipin ang maamong mukha ni Kimberly.
MAG-A-ALAS dose na ng hatinggabi ng maalala ni Kim na itapon ang basura sa labas. Marahil ay nakalimutan na naman ng kapatid niyang gawin iyon. Pagkatapos niyang itapos iyon, pabalik na lang sana siya sa loob ng bahay nila nang maagaw ang atensiyon niya ng paparating na sasakyan. Bahagyang sumikdo ang dibdib ng matanaw niya ang pamilyar na plate number ng sasakyan. Sinadya niyang minadalian ang paglalakad para makapasok agad sa loob ng bahay, ngunit inabutan pa rin siya nito.
Huminto ito sa tapat niya, saka bumaba ng kotse. “Kim, bakit nandito ka pa sa labas? Dis oras na ng gabi ah.” Puna sa kanya ni Mark.
Pilit siyang ngumiti pagharap niya dito. “Ah, nagtapon kasi ako ng basura eh.” Sagot niya.
“Bakit ikaw ang gumawa n’yan? Nasaan ang mga kapatid mo? Gabing gabi na, baka mamaya kung ano pa mangyari sa’yo dito sa labas eh.” Sunod-sunod na tanong nito.
“Uhm, ano kasi…maaga silang nakatulog,” sagot ulit niya.
“And you should be sleeping by now.” Sabi pa nito.
Nang makahalata ay siya naman ang pumuna dito. “Teka nga, ayan ka na naman eh. Kung makapag-interrogate ka daig mo pa Tatay ko.” Aniya.
Napangiti ito sa sinabi niya, saka umiling. “Okay, sorry.” Hinging paumanhin nito, pero mukhang wala naman sa loob nito ang paghingi ng sorry.
“O siya, uuwi na ako.” Pagpaalam niya. akma siyang tatalikod ng pigilan siya nito.
“Wait,” usal nito.
“O, bakit?” tanong niya.
“Can I ask you a favor?” tanong nito.
“Ano ‘yon?” kunot-noong tanong din niya dito.
“Can I have a cup of coffee? Please?” pakiusap nito.
Napabuntong-hininga siya. Dapat sa mga sandaling iyon, tinatalakan na niya ito at tinataboy pauwi. Ngunit tila walang lakas ng loob ang puso niyang kontrahin ito. At waring ibinubulong niyon na samahan ito, wala naman mawawala. Isa pa, kahit na madalas silang mag-away nito, alam niyang hindi ito gagawa ng ano man kabulastugan at mapagkakatiwalaan ito.
“Sige, hintayin mo ako dito.” Sagot niya.
Hindi maintindihan ni Kim kung bakit gumaan ang puso niya nang sandaling gumuhit ang matamis na ngiti nito sa labi. Nababanaag niya sa mga mata nito ang bukal sa pusong kaligayahan nito, at hindi nila alam kung tama nga ba ang nakita niya. O baka naman nag-iilusyon lang siya?
Eh bakit kailangan mong mag-ilusyon? Pagkakastigo ng isip niya sa kanya.
Matapos timplahan ito ng kape ay binigay nito iyon kay Mark, na sa mga sandaling iyon ay nasa tapat ng bahay nila at nakasandal sa kotse nito.
“O, ang kape mo.” aniya pag-abot ng isang tasa ng kape dito. Tumabi siya dito.
“Thanks,” nakangiting wika nito.
“Ang dami mong pera kape lang hindi ka makabili.” Sabi niya dito.
Tumingin ito sa kanya. “Oy, may kape ako sa bahay ko. Gusto ko lang kasi na pagdating ko doon, matutulog na lang ako. Medyo nahihilo na rin kasi ako.” Paliwanag nito.
Hindi sinasadyang maamoy niya ito, amoy alak. Napailing siya. “Kaya ka naman pala humingi ka sa akin ng kape dahil nakainom ka.” Puna niya dito.
Ngumiti ito. “Konti lang naman, nagkatuwaan lang kaming magpipinsan.” Sabi nito.
“Kahit na, pengkum ka rin talaga! Baka mamaya nadisgrasya ka habang nagmamaneho ka eh. Ikaw na rin ang may sabi nahihilo ka na.” sermon pa niya dito.
Sa inis niya ay tumawa lang ito, at tila balewala ang mga sinabi niya.
“I’m so touched.” Anito.
“Ha?”
“I didn’t know. That you care for me.” Sabi nito.
Naumid ang dila niya. Pasimple siyang umiwas ng tingin dito, habang palakas ng palakas ang t***k ng puso niya.
“A-ano ba ‘yang sinasabi mo? Hindi naman eh.” Tanggi niya.
“Yeah yeah, deny it for all you want.” Nang-aasar pang wika nito.
“Excuse me, hindi ako nagde-deny!” giit niya.
Bahagya pa siyang napaatras kahit wala na siyang hahakbangan ng bigla itong tumayo sa harapan niya at nilapit ang mukha nito sa kanya. Heto na naman ang isang ito. Bakit ba nahihilig itong ilapit ang mukha nito sa kanya? Lalo tuloy siyang kinakabahan sa ginawa nito.
“But your eyes is telling me that you care for me.” Seryoso at mababa ang boses na wika nito.
“Mark, lumayo ka nga. Baka mamaya may makakita sa atin dito, mag-isip ng hindi maganda.” Pagtataboy niya dito.
“What do you really think of me?” sa halip ay tanong nito.
Gulat na napatitig siya dito. “Ano?”
“I said, what do you think of me? As a man. Not just an ordinary friend to you.” Ulit nito.
“Ah, ano…ah, ano…” usal niya, hanggang sa tuluyan nang nablangko ang isip niya.
“Hindi ka na nakasagot.” Sabi nito.
Bumuka ang bibig niya ngunit walang salitang lumabas doon. Bakit siya nagkakaganoon? Bakit hindi niya ito magawang barahin? O kaya naman ay sungitan ito? Sa halip, hayun siya at nananatiling tulala sa harap nito. Habang ito naman ay titig na titig sa kanya.
Tumikhim siya ng malakas para manumbalik ang katinuan niya na sandaling nawala.
“Tigilan mo ako, Mark. Kung anu-ano na naman ang sinasabi mo. Nagsisimula ka na naman mang-inis.” Sa halip ay sabi niya dito.
“O? nang-iinis ba ‘yon? Wala naman nakakainis sa sinabi ko ah? Tinatanong kita ng maayos, I just said, what do you think of—”
“Hep! Utang ng loob, Mark! Huwag mo nang ulitin. Ubusin mo na ‘yang kape mo at nang makauwi ka na at magpahinga. Dahil inaantok na rin ako.” Awat niya dito.
Napailing ito. Saka inubos ang laman ng tasa na hawak nito pagkatapos ay binalik nito iyon sa kanya.
“O siya, sige. Uwi na, goodnight na.” pagtataboy niya dito. Pagkatapos ay nagsimula na siyang humakbang palayo dito. Nasa loob na siya ng bakuran nila ng muli itong magsalita.
“Kimberly,”
Lumingon siya dito. Nasa bungad na ito ng pinto ng kotse nito sa driver’s side. “Bakit?” tanong niya.
“Liligawan kita.” Nakangiting sabi nito, bago ito tuluyang sumakay ay kumindat pa ito sa kanya.
Hanggang sa nakaalis ito ay naiwan siya doon tulala.
“Hala,” bulong niya.
NAPABALIKWAS ng bangon si Kimberly. Nanaginip kasi siya. Isang masamang panaginip. Niligawan daw kasi siya ni Mark. Ang mismong kausap nito ay ang Tatay niya. Mabilis na pinilig niya ang ulo. Saka tatlong beses na huminga ng malalim.
“Akala ko totoo na.” sabi pa niya.
Bumaba siya ng kama, saka nagpalit ng damit na pabahay bago lumabas ng kuwarto niya. Ganoon na lang ang pagtataka niya ng makita ang masasarap na pagkain sa mesa nila. Kasabay niyon ay tinitigan siya ng mga kasama niya sa bahay, mas lalo na ang Tatay niya.
“Saan po galing ‘yang mga pagkain?” tanong niya dito.
Imbes na sumagot ay umiling na lang ito, saka sinubo ang bacon na nasa tinidor nito. Hanggang sa nakapaghilamos at nakapagtoothbrush siya ay hindi pa rin kumikibo ang mga ito.
“’Nay, may bacon pala tayo sa ref. Bakit hindi ko nakita? Sana kagabi ko pa ito nailuto.” Sabi pa niya, pag-upo niya sa harap ng mesa.
Agad siyang kumuha ng bacon at hotdog. Saka isang piraso ng pancakes. “In fairness, Nay. Almusal ng mayaman ang peg natin ngayon ah.” Sabi ulit niya.
Hindi na naman kumibo ang Nanay niya. Bagkus ay nagkatinginan pa ito at ang Tatay niya saka ang mga kapatid niya. Nahihiwagaan talaga siya sa mga ito. Karaniwan na sa kanila na maingay kapag umaga.
“Hindi ko niluto ‘yan, Kimberly.” Sa wakas ay sagot ng Nanay niya.
“Weh? Talaga po? Kung ganoon, nagpa-deliver kayo nito. Wow ah, siguro nagpadala na si Kuya.” Sabi pa niya.
“Kahit naman nagpapadala ang Kuya mo, hindi ako bumibili ng ganyan pagkain.” Sagot naman ng Tatay niya.
“Eh kung ganoon, saan galing ito?” tanong niya.
“Ikaw Ate ah, hindi mo sinasabi sa amin ah.” Biglang sabi ng bunso nilang si Dennis.
“Ang alin?” inosenteng tanong niya.
“Huu! Kunyari ka pang hindi mo alam.” Anang kapatid niyang sumunod sa kanya na si Boyet.
“Pengkum! Hindi ko talaga alam ang sinasabi n’yo.” Sagot niya.
“Pumunta si Mark dito kanina bago ito pumasok sa trabaho nito. Nagpaalam ng pormal sa amin ng Nanay mo. Aakyat daw siya ng ligaw sa’yo.” Anang Tatay niya.
Nabitiwan niya ng wala sa oras ang hawak niyang tinidor. Kasunod ng malakas na pagkabog ng dibdib niya. Mabilis na bumalik sa isip niya ang naging pag-uusap nila ni Mark kagabi hanggang sa bago ito umalis. Sinabi nga pala nitong manliligaw ito sa kanya. Binalewala niya ang sinabi nitong
iyon dahil ang akala niya ay pinagti-tripan na naman siya nito. Hanggang sa makatulugan niya kagabi ang pag-iisip tungkol doon. Napanaginipan pa nga niya ang panliligaw nito. Ngunit hindi talaga niya akalain na tototohanin nito ang sinabi nito.
“Oy, hindi ka na kumibo diyan.” Untag sa kanya ng Nanay niya.
Hindi siya sumagot. Patakbo siyang umakyat papunta sa silid niya saka mabilis na kinuha ang cellphone niya. Dinaial niya ang numero ni Mark. Habang walang tigil sa pagkabog ang puso niya. Nanggigigil siya habang hinihintay niyang sagutin nito ang tawag niya. Bubulyawan talaga niya ito pagsagot na pagsagot nito. Ang tinamaan na magaling na lalaking iyon. Hindi na niya mapapalampas ang ginagawa nitong iyon. Hindi na magandang biro iyon. Pati magulang niya ay sinasali nito sa kalokohan nito.
Agad na bumuka ang bibig niya ng sa wakas ay sagutin na nito ang tawag niya. Handa na siyang bungangaan ito ngunit daig pa niya ang nalulon ang dila nang marinig niya ang malamyos at baritonong tinig nito.
“Hey Kim, Good Morning.” Magaan ang boses na bungad nito.
Parang hinipan ng malakas na hangin ang pagngingitngit niya. Sa halip ay pinalitan iyon ng tila mas mabilis na pagpintig ng puso niya. Pakiramdam niya ay may mga paru-parong nagliliparan sa tiyan niya.
“Ah, ano. Good Morning din.” Mahinahon na sagot niya.
“Kumain ka na ba? I gave you breakfast, para hindi na magluto ang Nanay mo.” sabi pa nito.
“Ah, thank you nga pala doon.” Aniya.
“You’re Welcome.”
“Uhm, Mark. Puwede ka bang makausap mamaya?” tanong niya.
“Sure, daan ako diyan mamaya sa inyo pag-uwi ko.” Sagot nito.
“O sige,”
“I gotta go, I have a meeting with board members at M3 Ads Agency.” Anito.
“Okay. Bye.”
“Bye.”
Nang mawala na ito sa kabilang linya ay napapikit na lang siya. Saka niya binaon sa unan ang mukha niya at doon tumili.
Anong nangyari sa’yo, Kim? Akala ko ba sisinghalan mo siya? Bakit bigla kang natameme? Pagkatisgo niya sa sarili.
Hindi alam ni Kim kung bakit kailangan maging ganoon ang nararamdaman niya kay Mark. Dati naman ay kaydali para sa kanya na sigawan at awayin ito. Bakit ngayon ay tila tumitiklop siya dito? Anong mayroon kay Mark? Anong mayroon sa damdamin niya para dito?
“YOU’RE WHAT?” gulat na tanong ng pinsan niyang si Glenn.
“You heard me.” Sagot ni Mark.
“Yeah, I know. Pero sigurado ka ba? I thought you hate her?” tanong ulit nito.
Binalik ni Mark ang barbell sa lalagyan nito, saka umupo at kinuha ang towel. Pinunasan niya ang pawisan niyang mukha. Naroon sila sa isang branch ng gym na pag-aari ng pinsan nilang si Miguel na malapit sa isang mall. “I never said that I hate her.” Sagot niya. Pagkatapos ay tinungga niya ang bote ng mineral water.
“Pero para kayong aso’t pusa. You like teasing her.” Sabi pa ni Glenn.
“It’s not my intention to tease her, or inisin siya or whatsoever. Kinokontra ko siya dahil ayaw ko siyang mapahamak sa mga bagay na madalas ay hindi niya pinag-iisipan.” Paliwanag niya.
“So, you care that much for her?” tanong ulit ng pinsan niya.
“Oo. Hindi mo lang alam kung gaano ko siya pinahahalagahan.”
“At seryosohang ligawan na talaga ang gagawin mo?”
“Yes,”
Napailing si Glenn. Saka siya tinapik sa balikat. “May the Lord bless you, dude. If Kim will make you happy, then I’ll support you all the way.” Anito.
“Thank you.” Nakangiting sagot niya.
“By the way, nakausap mo na ba ang mga magulang niya? Lalo na si
Mang Eddie.” Pahabol na tanong nito.
Muli siyang nahiga sa bench saka hinawakan ang barbel. “Yes. I already talked to him this morning. Pormal na akong nagpaalam sa kanya kanina, at sabi ni Mang Eddie mag-uusap daw ulit kami mamaya pag-uwi ko.”
Tumawa si Glenn. “Humanda ka na sa mga sasabihin ng mga pinsan natin. Sigurado akong aasarin ka nila.” Sabi nito.
Ngumisi siya. “I don’t really care. Manukso at mang-asar sila kung gusto nila. Basta ako, itutuloy ko ang panliligaw kay Kim.” Aniya.
“I knew it, you love her.” Komento nito.
Hindi siya sumagot, ngunit ngumiti siya dito. Hindi sigurado si Mark kung hanggang saan aabot ang pangahas niyang panliligaw kay Kim. Pero isa lang ang nasisiguro niya, ang malinis na intensiyon niya sa dalaga at ang damdamin niya para dito.