7- Questions
🔞Not for Minors😅 Slight SPG🤭
"Ahhh!!!"
"What happened?" Bungad na tanong sa'kin ni Vann na mabilis na pumasok sa silid ko.
Napangiwi ako ng makita ang hitsura ni Vann. Kasalukuyan nitong hawak ang toothbrush at meron pang bula ng toothpaste ang bibig nito.
Ang buhok nito'y walang direksiyon, tanda iyon na kagigising lang nito.
Sunod-sunod ang aking ginawang paglunok ng makita ang kabuoan nito. Black sando with matching black boxer shorts.
Nanlaki ang mata ko ng dumako ang tingin ko sa ibabang katawan nito.
Bakit parang may naka umbok doon?
"Oh, oh, eyes on me, baby-" kasunod ay maliit nitong tawa.
Ayaw ko mang aminin pero pakiramdam ko'y nag init ang pisngi ko.
"What happened? Bakit ka sumigaw?"
"Wala, Doon ka na nga." Taboy ko kay Vann sabay iwas ng tingin para takpan ang pagka pahiya.
"Are you sure?"
Tanong nito ulit, pero 'di ko ito pinansin bagkus ay muli akong humiga at nagtaklob ng kumot hanggang mukha.
"I'm going to farm today, gusto mo bang sumama?"
Dioskopong kumag na toh!
Muntik ko pa iyong maisatinig, mabuti na lang at hanggang isip ko lang iyon. Ang akala ko kasi nakaalis na ito, hindi pa pala.
"Are you coming with me?"
"Ayoko!" Sagot ko.
"Okay, be ready before eight am."
"Ano? 'diba sabi ko ayoko-"
Mabilis kong tinanggal ang kumot sa mukha ko, pero nakalabas na ng silid si Vann.
*****
Farm
Eight thirty am ng makarating kami sa farm na sinasabi ni Vann. Nawala ang inis na nararamdaman ko dito ng makita ang view.
Mga nakahanay na Lansones trees ang unang pumukaw sa pansin ko. Takaw tingin ang puno sapagkat naninilaw na ang mga bunga nito tanda na hinog na ito.
Sa bawat puno ay may mga taong may hawak na mga basket. Sa loob niyon ay may mga hinog ng lansones.
"Magandang Umaga po." Nakangiting bati sa'min ng isang lalake na may hawak na salakot.
"Magandang Umaga din po." sagot ni Vann sa lalake.
May isa pang babae na lumapit at hindi nalalayo ang edad nito sa'kin.
"Maria, Ikaw ba yan?" Nagulat ako sa babae ng yumakap ito sa'kin.
"Ang tagal ka naming hinanap."
Napakunot noo akong napatingin kay Vann.
"Helen anak, nagkakamali ka yata." Kumamot pa sa ulo ang lalake bago hinawakan ang tinawag nitong Helen.
"Tay, hindi po, Siya po si Maria ang kaibigan ko." Maluha luhang wika nito.
Bigla akong naguluhan ng makita ang reaksiyon ng babae at ng tinawag nitong tatay. Napakamot ang lalake sa ulo at tumingin kay Vann.
"Pasensya na po kayo seniorito, ang aking anak po ay napagkamalan ang inyong kasama." Sinundan iyon ng pilit na tawa sabay hawak sa magkabilang balikat ni Helen.
"Pero, Tay si-"
"Helen anak kamukha n'ya lang si Seniorita Maria. Matagal ng-"
"Tay Mando-"
"Kilala n'yo po ako?" Wika ko kaya naputol ang nais pa sanang sabihin ni Vann. Palipat-lipat ang tingin ko sa nagpakilalang mag ama. Ngunit biglang umilap ang mata ng tinawag na Tay Mando ni Vann, nakita ko ring tumingin ito kay Vann tapos ay lumunok. Ang tinawag naman nitong helen ay nakatitig sa'kin habang napapakunot noo.
"Mukhang marami po tayong Ani ngayon Tay Mando."
Pinaningkitan ko ng mata si Vann ng bigla nitong agawin muli ang atensiyon ng lalake.
"A,e, opo seniorito." Ngumiti ito ngunit pakiramdam ko'y pilit lang iyon dahil bakas sa boses nito ang kaba.
"Sige po, seniorito kami po'y mauuna na ni Helen." Paalam ng lalake sabay hawak sa anak nito na nakatitig pa rin sa'kin
"Sandali-"
Naiwan sa hangin ang nais ko pang sabihin ng hawakan na ako sa kamay ni Vann.
"Come with me."
Dioskopo! naman!
Napapikit pa ako ng maramdaman ko ang labi ni Vann na lumapat sa kaliwang tainga ko. Bakit kasi may nalalaman pa itong pagbulong? Pakiramdam ko tuloy may kung anong gumapang na init sa buong katawan ko sa paglapat ng labi nito sa tainga ko, dagdag pa ang malamyos nitong tinig na tila nang aakit.
*****
"Wow! Ang ganda!" 'di ko napigilang ibulalas ng makita ang lugar na pinagdalhan sa'kin ni Vann.
Isang malawak na lupain na may nakatanim na ibat-ibang uri ng bulaklak.
Hindi ko alam ang tawag sa bawat uri ng bulaklak na nakikita ko, subalit nakakaakit sa paningin ko ang matingkad na ibat-ibang kulay ng mga ito.
Sa katuwaan ko ay nagtatakbo ako sa kalawakang iyon ng mga bulaklak. Ngunit sa pagitan ng aking marahang pagtakbo ay bigla akong napahinto ang ngiti ko'y biglang napawi ng tila may sumagi sa isip ko na Isang..
Bakit parang nangyari na ito?
Bigla kong nasabi sa isip dahil parang nangyari na ito. Tumatakbo din ako patungo sa malapad na lupain na may mga tanim na ibat-ibang uri ng bulaklak.
"What happened? Are you alright?"
Tumingin ako sa nag aalalang mukha ni Vann. Natigilan ako. Tapos ay parang wala ako sa sarili na hinawakan ko sa pisngi si Vann.
Muli akong naguluhan ng may sumagi sa isip ko.
Si Vann na nakangiti sa'kin habang may hawak itong bulaklak at inilagay nito iyon sa tainga ko.
Habang hawak ko sa pisngi si Vann ay kabaligtaran ang makikita sa mukha nito. Nakangiti ito sa sumagi sa isip ko, subalit ang mukhang nakikita ko ngayon ay may bahid ng lungkot at pag-aalala.
Saglit akong pumikit tapos ay muling nagmulat. Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob ng patingkayad akong lumapit sa mukha ni Vann.
Sa unang pagkakataon ay ako ang humalik kay Vann.
Ipinulupot ko ang dalawa kong braso sa leeg ni Vann. Habang napapikit ako ay pilit kong ninanamnam ang bawat sandali na magkalapat ang labi namin.
Hindi ko alam ngunit may lumilinaw na pakiramdam sa isip ko. Ang pagkasabik, pangungulila at sayang nagsusumigaw sa dibdib ko ay nag uumapaw.
Ang saglit na halik na pinagsaluhan namin ay tila punong-puno ng pagkasabik at pangungulila sa isat-isa.
Para akong lasing na nahulasan ng ganap na maunawaan ang aking nagawa at sa sobrang hiya na aking nadama ay tanging pagsubsob sa dibdib ni Vann ang naging dahilan ko para ikubli ang nag iinit kong pisngi.
Mas lalo akong pinamulahan ng pisngi ng maramdaman ko ang mga bisig ni Vann na masuyong pumulupot sa'kin.
"I missed you so much, My ysay."
Tapos ay marahan akong pinatakan ng halik ni Vann sa ulo. Pumikit ako at tila ninamnam ang ginawang iyon nito, na sa pakiwari ko'y matagal na iyong ginagawa sa'kin ni Vann.
Hindi ko alam, kung saan ako kukuha ng mga sagot sa maraming katanungan na nagsisimulang umusbong sa isipan ko.
Bakit tila pamilyar ang mga lugar, pangyayari at maging ang mukha ni Vann ay lumilinaw sa isipan ko. Bakit pakiramdam ko matagal ko na itong kakilala? Katulad ngayon habang kumakain kami ng tanghalian. Nakamasid lang ako kay Vann habang pinaglalagay ako nito ng pagkain.
"Do you love me again?" Sabay ngiti sa'kin ni Vann.
"Ha?" Kunot noo kong tanong. Sabay iwas ko ng tingin sa nang aakit nitong titig.
Nahulog na naman ako sa pag iisip ng maunawaan ko ang sinabi nito.
Love me again?
May nakaraan ba kami?
Napahawak ako sa sintido ko, bigla kasing sumakit dahil parang may pilit akong hinahanap na kasagutan sa isip ko.
"Don't push yourself to remember everything, I'm here, just don't leave me again?"
Mas lalo akong naguluhan sa sinabi nito, subalit ni isang salita ay wala akong naging tugon.
Ano bang ibig sabihin nito? Hindi ba't magpapanggap lang akong girlfriend nito, kaya ako nandito at kasama nito. Ngunit bakit biglang may ganito? May hindi ba ako alam?
Natapos ang maghapon na punong-puno ng katanungan ang isip ko. Maging ang hindi pagpunta ng Lola ni Vann ay naging katanungan din sa'kin.
Dahil biglang sumagi sa isip ko ang Lola ni Vann ay bigla akong nainis sa kumag. Bwesit na yon! Sabi nito kaya isinama ako nito ay dahil sa Lola nito, tapos ngayon natapos ang maghapon na maski anino ng Lola nito ay wala akong makita.
At dahil nga inis ako, hindi rin matino ang isip ko ngayon. Ang tanging nasa isip ko ay kausapin si Vann. Nakahiga na ako dahil madilim na sa labas, dagdag pa na may panaka-nakang patak ng ulan, pero naisip ko ang kumag at gusto ko itong tirisin sa inis.
Lumabas ako ng silid ko. Hinanap ko ito sa buong kabahayan, maging ang bawat silid ay akin ng tingnan, ngunit hindi ko ito matagpuan. Ngayo'y isang silid na lang ang hindi ko napapasok at ngayon nga ay nakatayo ako sa labas ng pinto niyon.
Napalunok ako ng sunod-sunod kasabay ng kabang nagsisimulang mamuo sa dibdib ko.
Pero, dahil nga nangingibabaw pa rin ang inis ko sa kumag.
Hinawakan ko ang seradura ng pinto at walang katok-katok na pumasok sa silid.
Wala din s'ya dito?
Sabi ko sa isip ng hindi makita ang kumag sa loob.
Ngunit agad na naagaw ng pansin ko ang tunog ng pagbukas ng pinto. Nakita ko ang kumag na lumabas mula sa banyo.
Hubad baro ito at nakasuot lang ng itim na boxer short sa ibaba. May nakasabit na twalya sa balikat nito at kasalukuyan nagpupunas ng basang buhok, subalit nahinto iyon ng magtagpo ang aming tingin. Bakas sa mukha nito ang gulat sa kabila ng pamumungay ng mga mata nito.
"Mag usap nga tayo!" bakas parin ang inis sa boses ko ng sabihin ko iyon kay Vann.
"Here?" Parang wala lang na tanong nito na s'yang nakadagdag sa inis ko.
Nakasunod ang mata ko sa pagkilos nito, umupo ito sa gilid ng kama at pinagpatuloy ang pagpupunas ng basang buhok.
Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko. Bagkus ay muli akong nagwika.
"Sabi mo, kasama natin ang Lola mo? Nasaan s'ya?" Kalmado, ngunit bakas pa rin sa boses ko ang inis.
Nakita ko itong natigilan at mula sa mapusyaw na ilaw na hatid ng lampshade sa gilid ng kama ay nakita ko ang paghugot nito ng malalim na paghinga.
"Tomorrow, pupuntahan natin s'ya." Medyo may kahinaang boses ni Vann, subalit narinig ko naman iyon ng malinaw.
Tapos ay lumipas ang sandali ng katahimikan sa'ming dalawa.
"I'm tired, bukas na lang tayo mag-usap."
Napalunok ako sa malamig na sagot sa'kin ni Vann, napahawak pa ako sa dibdib ko ng makaramdam ng kirot doon. Bakit pakiramdam ko'y hindi kayang tanggapin ng puso ko ang panlalamig na iyon ni Vann? Bakit nasasaktan ako?
Humugot ako ng malalim na paghinga sabay talikod at akmang lalabas na ng silid, pero.....
Mula sa likod ko ay mahigpit akong niyakap ni Vann. Ang ulo nito'y nagsumiksik sa leeg ko, kasabay niyon ay may mga salita itong sinasabi, ngunit hindi ko iyon maunawaan.
Kumalas ako mula sa yakap nito at humarap ako dito.
"Lasing ka ba?" Kunot noo kong tanong ng maamoy ito.
Umiwas ito ng tingin sa'kin tapos ay nakatitig ito sa..
"Hoy!" Saway ko dito ng makitang nakatitig pala ito sa dibdib ko. Iniangat ko din ang baba nito para magtagpo ang tingin namin. Subalit pilit pa rin itong tumutungo.
Parang gusto kong matunaw sa sobrang hiya. Bigla kong sinisi ang sarili. Bakit kasi nawala sa isip ko na manipis na pantulog lang ang nasuot ko. Parang gusto kong iumpog ang ulo ko ng maalalang iyon ang naisipan kong kunin sa loob ng damitan kanina.
"Diyan ka na nga!" Tangka akong aalis subalit nahawakan ako ni Vann sa kamay.
Tila kay bilis ng mga pangyayari dahil hindi ko na namalayang naisandal na pala ako ni Vann sa nakasaradong pinto.
"Please, tell me to stop." Wika ni Vann subalit mararamdaman mo sa tinig nito ang pagmamakaawa, na para bang kabaligtaran ang nais nitong ipagawa sa'kin.
Ayaw kong dayain ang sarili ko. Alam ko sa sarili ko na may kung anong binuhay sa'kin si Vann simula ng makilala ko ito.
"No need to stop, just go on."
Gusto ko mang mamangha sa nasabi ko, pero tinatangay na ako ng init na nagsisimula ng tumupok sa'min ni Vann.
He slowly slid his moist lips down my neck and down to my chest, which was now still covered by a thin cloth.
His hands start to crawl from my back to my ass. I gasped as he gently squeezed my right butt. One by one, he unbuttoned the clothes I was wearing. Now my inner garment is exposed.
Vann's eyes widened even more as he could fully see my two mountains, even though they were still covered by a cloth.
I saw Vann swallow one after another. Then he quickly carried me towards him. Mas lalo akong pinamulahan ng mukha ng pabukaka akong kinarga ni Vann, Ngayo'y nakasalikop ang dalawa kong binti sa baywang ni Vann.
Vann gently laid me down on the soft bed.
Only our eyes talk...