CHAPTER 33 Eto ang araw na hinihintay ng pamilya, hinde ko alam kung dapat ba akong maging masaya o dapat ba akong maging malungkot sa isipin na kasabay ng kaarawan ko ay ang pagpakilala din ng nobya ni damon. Dobleng kutsilyo ang sumaksak saakin sa tuwing iniisip ko na wala na talaga, sa tuwing iniisip ko na may dalawang babae na nagpapasaya sa dalawang lalaking minahal ko noon. Nandito ako sa hotel room habang inaayusan ng hair stylist ni mama, dalawa kami ni jezy ang inaayusan nasa baba si mama at papa para batiin ang mga bisita na sila lang ang may kilala. "Smile my dear." Ngumisi ako ng pilit sa isang baklang kumuha saakin ng litrato, nanlalamig ang kamay ko hinde ko alam dahil ba sa kaba o dahil sa sakit na nararamdaman. "You look stunning."puri ng iba tanging pilit na ngiti la

