CHAPTER 35 Rinig ko mula sa aking kwarto ang pagsimoy ng hangin. Nakabaluktot lang ang aking katawan habang pinapakinggan ang paghangin sa labas ng aking kwarto. Dahil narin siguro ay madaling araw na kaya malakas na ang hangin sa labas,hinde alintana saakin ang lamig na dumadapo sa balat ko,ang hangin na galing sa aircon.tahimik ang buong kwarto tanging tunog lang ng aircon at hangin sa labas ang nagbibigay ingay. Kung normal na araw lang ito ay baka excited pa akong natulog kanina, pero dahil hinde ay parang gusto ko nalang bumagal ang oras para kahit papaano ay may konting pag-asang namumuo sa dibdib ko. Rinig ko ang tilaok ng manok pero kahit ganon ay hinde parin pumipikit ang talukap ng mata ko.gustong-gusto kong magpahinga pero ayaw makisabay ng mata ko,gusto kong itulog nalang a

